View Full Version : Noon At Ngayon


Pages : [1] 2 3

cris
02-02-2005, 09:02 PM
mga bagay na maihahambing natin simula noon kontra sa ngayon......

noon may singkong tira tira at diyes na palutong

ngayong kailangan may piso ka para makabila ng tira tira at 5 piso para sa isang balot ng chicharon palutong.bawal na ang tingi ng palutong sa tindahan ni aling nena ha!!! :D

balatkayo5
02-03-2005, 02:05 AM
...sa Pilipinas...

Nuon...mas may pera ang tao...Ngayon, pera na lang ang may tao.

princeedward
02-03-2005, 03:06 AM
Noon: Sipag Kong Magsimba...Pero...
Ngayon: Hinde Na... :(

hitman9mm
02-03-2005, 04:32 AM
Noon ako ay bata, ngayon damatan na pero edad lang yan hahaha!

cris
02-03-2005, 06:05 AM
noon ang laro ay teks,tansan,lastiko at jolen

ngayon playstation,computer games at kung ano ano pang video games....

kikayfrias
02-03-2005, 10:17 AM
Noon ang gupit ng buhok ko lalaki nagyun syempre girl na girl na ako hehehehe!

hotciats
02-03-2005, 12:04 PM
noon: kalesa pa ang sasakyan

ngayon: taxi na

Gina
02-03-2005, 12:13 PM
Noon- marespeto ang mga kabataan sa mga nakakatanda... :D

Ngayon - halos wala ng respeto ang mga kabataan kahit kanino at ano. :(

Yoannah
02-03-2005, 02:47 PM
Noon-->malinis pa ang ILOG PASIG

Ngayon--> nagmistulang tambakan na lang ng basura.

mitch
02-03-2005, 02:54 PM
Noon : Long hair si Mitch.
Ngayon : Very short hair na si Mitch.

Noon : Ang celfone pangmayaman lang.
Ngayon : Pati 7 years old meron na isama mo pa ang magbabalot..

Yoannah
02-04-2005, 10:30 AM
Noon: ako naman ang short hair sis mitch
Ngayon: malapit na sa balakang ko ang haba ng hair ko:D

Noon: ang naabutan ko P7.00 na bigas/kilo
Ngayon: P27.00 na...P21.00 pinaka mababa

cris
02-04-2005, 08:38 PM
noon pag nakakita ng hapon ang sinisigaw ng mga tatay sa anak na babae 'tago anak'

ngayon pag nakakita ng hapon ang sinisigaw ng mga magulang 'labas anak,labas mo lahat!!!

cris
02-05-2005, 10:00 AM
noon: ang marikina river ay puno ng basura at puno ng squatters......

ngayon:http://img203.exs.cx/img203/6325/proriverpark0bt.jpg napakalinis na nito at tinaguriang longest park...

Gina
02-05-2005, 11:42 AM
noon - mabibilang pa ang mga masasamang tao:umm:

ngayon - mabibilang na lang ang mabubuting tao :-X

SKYmonster
02-05-2005, 11:45 AM
noon, ayaw kung matulog tuwing tanghali

ngayon, gustong gusto kung matulog...

balatkayo5
02-05-2005, 05:38 PM
Nuon...ang pandesal 25 sentimos lang.

Ngayon...2 piso na, hangin pa ang laman!

SKYmonster
02-05-2005, 06:29 PM
noon,,, naliligo ako sa ulan

ngayon hindi na... kasi malaki na ako...whahahaha

billyboy
02-05-2005, 08:00 PM
Noon payat ako

Nayon chubby na ako

eheheh

princeedward
02-06-2005, 09:58 AM
Bakit...noon bata pa ako't iyakin....
...e Bakit ngayon...matanda na ako...iyakin pa rin....waaaaaaaaaa...http://www.smiley-channel.de/grafiken/smiley/traurig/smiley-channel.de_traurig010.gif

cris
02-06-2005, 10:02 AM
noon mga 1980's puro sulat lang ang means ng communication for ofws and their families.....

ngayon wala ng sulat sulat,everyday text,email,at cahtting pa.mas tipid iyon kesa sa tawag sa cellphone.....

balatkayo5
02-06-2005, 11:01 AM
NUON...kapag kalbo-look, sanggano.

NGAYON...kapag kalbo-look guwapo!

KhRiStInE
02-06-2005, 06:43 PM
Noon... isang tingin lang ng parents ko sa mga bro ko tigil na sa kakulitan

Ngayon... halos lumuwa na mata sa pagtingin pero d pa masaway

cris
02-06-2005, 07:29 PM
noon ang baon ko pag pumapasok sa school 50centavos lang(nung grade 1ako)

ngayon ang baon ng mga bata kailagan hindi baba ng 20 pesos....waaaaaaaaa

mitch
02-06-2005, 10:04 PM
Noon - Takatak ng type writer.

Ngayon - Computerized na.

Gina
02-07-2005, 06:22 AM
Noon ang make up at nail polish para sa mga nasa hustong edad na.

Ngayon ang make up at nail polish para na rin sa mga bata.

Gina
02-07-2005, 06:24 AM
Noon pag ang babae ay naka make up at naka nail polish - haliparot

Ngayon pag ang mga kabataang babae ay naka make up at naka nail polish - cool or sosyal or in ang dating.

Yoannah
02-07-2005, 08:59 AM
Noon piso lang po pamasahe dito.

Ngayon P5.50....wahhhh:cry:

AnnaBanana
02-08-2005, 03:26 AM
noon: subsob sa trabaho.

ngayon: subsob sa kuro!

Yoannah
02-08-2005, 10:51 AM
noon: bata pa ko, kain-tulog lang.

ngayon: kayod, kayod, kayod.

princeedward
02-09-2005, 04:56 AM
Noon:tinatakot ako palagi ni nanay sa "Bumbay" :cry:

Ngayon: siya na ang tinatakot ko... :D

KhRiStInE
02-09-2005, 07:03 AM
noon: takot ako sa tatay ko

ngayon: sya na takot sa kin... :)

mitch
02-09-2005, 07:19 PM
Noon - lagi akong may natatanggap na sulat via air mail.

Ngayon - puro text at emails na lang.

hitman9mm
02-09-2005, 08:39 PM
Noon: dami akong crush na hinahabol, laging basted!

Ngayon: may asawa na, subukang mag-flirt, kapon ang abot!
hahahaha!:laugh:

cris
02-14-2005, 07:52 AM
noon ang korea ay napakahirap na bansa at tinutulungan ng pinas

ngayon ang korea ay isa sa mayamang bansa at tumutulong sa pinas

Yoannah
02-14-2005, 09:44 AM
noon.....mga bulubundukin ang nai-exploit sa pinas

ngayon....pati mga kababaihan na... :dead:

hitman9mm
02-14-2005, 06:36 PM
Noon- Valentines Card ang sinisend

Ngayon- MMS, SMS at email cards!

mitch
02-14-2005, 07:21 PM
Noon - Ang Luneta magandang pasyalan ng pamilya.

Ngayon - Tagpuan na ng kung sino-sino kasama ang mga snatchers.

Luis
02-15-2005, 07:11 AM
Noon mura ang bilihin, masaya ang mga babae. Ngayon mura ang mga babae! (nakupo, eto na naman ang mga chicks. almahan na naman! :D :D :D )

3bbb
02-15-2005, 09:39 AM
noon - ang damo kinakain ng kabayo!

ngayon - ang damo hinihitit ng mga mukhang kabayo!:p

jovic
02-15-2005, 07:09 PM
Noon - tingnan lang kami ni mo and dad.. behave na

Ngayon - umiyak kapa... wa epek !

AnnaBanana
02-15-2005, 11:20 PM
noon: sumasakit ang ulo dahil sa trabaho

ngayon: sumasakit ang ulo dahil sa kuro!

balatkayo5
02-17-2005, 01:02 PM
Sagot ko tuwing tatanungin kung mahal ko siya...

Noon...Oo naman!

Ngayon...Naman, Oo!

cris
02-17-2005, 06:53 PM
noonbeta tapes at betamax ang uso.....

ngayondvd 6in1 at dvd player na ang uso....ganon ba yun kabilis????

hitman9mm
02-19-2005, 04:26 AM
noon mura ang bilihin..

ngayon-mumurahin ka ng tindera pag tumawad ka!

jovic
02-19-2005, 07:10 PM
noon - si anak sunod sa gusto nang nanay / tatay
ngayon - si nanay/tatay sunod sa gusto ni anak

cris
02-19-2005, 08:25 PM
noon paramihan ng anak bawala ng family planning....

ngayon pakontian ng anak puros contraceptives at family planning

jovic
02-19-2005, 08:36 PM
noon - am / fm radio ok na
ngayon - mp3 at kung ano ano pa

madjissa2nd
02-19-2005, 09:59 PM
noon...gustong -gusto kong lumabas ng bansa!
...ngayon! :umm: gustong-gusto ko ng bumalik sa pinas at doon na manirahan!

balatkayo5
02-20-2005, 02:12 AM
noon...90 seconds lang ang kalaban dito sa kuro.ph.

ngayon..."server busy" na, mas malupit!:p

cris
02-20-2005, 09:18 AM
noon pagbata ka pa kaunti lang ang problema

ngayon matanda ka na tadtad na ng problema.hayyy!hindi ko alam kung ano ang uunahin....

cris
02-24-2005, 09:04 PM
noon bago pa lang ako dito sa korea gusto ko na agad umuwi......

ngayong malapit na akong umuwi parang ayaw ko ng umuwi dahil mahirap magapply at maghanap ng trabaho....

mitch
02-24-2005, 10:03 PM
Noon : Sabi ko ayokong mag-asawa ng hindi Pinoy.

Ngayon : Asawa ko foreigner. :D:D:D

madjissa2nd
02-25-2005, 02:15 AM
noon ako ang humihingi ng pera sa mga kapatid ko!
...ngayon baliktad na! ...sila na humihingi ng pera sa akin! ;)

balatkayo5
02-25-2005, 09:30 AM
noon...tatlong order lang ng pagkain kaming lima sa restaurant.

ngayon...isang order na bawat isa.:p

3bbb
02-25-2005, 10:49 AM
NOON AT NGAYON
Blakdyak

'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna

Nung unang panahon ang babae kung manamit
Para silang suman halos wala kang masilip
At kung lumakad ay parang patong kumekendeng
Kung susuriin mo'y kagalang-galang ang dating

'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna

Ngayon naman kung manamit ibang kababaihan
Halos kita mo na pati kanilang kaluluwa
Kaya tuloy manyakis ay laging nag-aabang
Kinabukasan ay laman ka ng pahayagan

'Lo! Bakit ang buhay ngayon
Kabataa'y unti-unting nalululong
Sa masasamang estilo
Lola tulungan n'yo naman sila

Nung unang panahon ang lalaki kung manligaw
Nanghaharana pa o kaya'y naninilbihan
At kung gustong bumingo o kaya'y makasiguro
Hahawak sa kamay tiyak kasalan na iyan

'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna

Ito naman ngayon ang gimik ng kalalakihan
Disente ang dating pero manyakis din naman
At kung manligaw ay ayaw nang natatagalan
Dahil ang katwiran ay marami pa naman diyan

'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna

'Lo! Mabuti pa kayo ni lola
Namulat sa matitinong uso
'Lo! Kahit baduy kayong pumorma
Kay lola ikaw lang ang nauna

KhRiStInE
02-25-2005, 01:53 PM
noon: maraming nagkukuro/ online sa kuro

ngayon: mas marami pa ang nakasilip sa kuro kesa nakaonline

ycrem
02-25-2005, 05:57 PM
noon: ako ang pinagsasabihan ng ate ko

ngayon: ako na ang nagagalit sa kanya hehehehe

Verse
02-27-2005, 05:23 PM
Noon : hinahabol ko ang Misis Ko!!
Ngayon : Hinahabol niya ako!!

Verse
02-27-2005, 05:26 PM
Noon: In love ako sa Misis ko
Ngayon : Mas lalo akong in love sa Misis Ko (Yes!!, One point ko na naman sa Misis ko.)

balatkayo5
02-27-2005, 05:30 PM
Noon...pwede ka pang humingi ng konting kanin.

Ngayon...pati sabaw babayaran mo na rin.

mitch
02-27-2005, 06:52 PM
Noon - pwedeng si mister lang ang magtrabaho.

Ngayon - dapat pati si misis may trabaho.

Verse
02-27-2005, 11:50 PM
Noon: Brief
Ngayon: Boxer

hitman9mm
02-28-2005, 12:46 AM
noon: very natural....:luvstrk:

ngayon: may palaman na na silicon!X)

Verse
02-28-2005, 01:24 AM
noon : aso lang ang umiihi sa tabi ng pader

Ngayon : pati tao na rin!!!

balatkayo5
02-28-2005, 07:53 AM
Noon...ang mga homosexuals and lesbians ay patago

Ngayon...lantaran na...nagpapakasal pa!

princeedward
03-05-2005, 05:41 AM
Noon: Black & White TV lang ayos na...

Ngayon: Colored TV na di pa rin kuntento...

hitman9mm
03-10-2005, 12:53 AM
noon telegrama..
ngayon, text messaging!!!

arcadia
03-10-2005, 12:58 AM
noon ang mga kabataan magagalang


ngayon ang mga kabataan magugulang

princeedward
03-10-2005, 02:08 AM
Noon: ang mga Snatser takot sa Pulis... http://www.cosgan.de/images/midi/konfus/c060.gif

Ngayon: Snatser Kasosyo ng Pulis....nyahahaha... http://www.cosgan.de/images/midi/liebe/a095.gif

arcadia
03-10-2005, 05:42 AM
noon ang Ilog Pasig ay daluyan ng mga estero...

ngayong ang Ilog Pasig ay estero na... ang bahoooo.com

arcadia
03-10-2005, 05:46 AM
noon ang kadalagahan ay pinapaupo ng maginoong binata sa tayuang bus

ngayon maski artistahin ka pa, ay naku bahala ka.... kunway tulog pa siya.

ay ewan ko ba...

beli77
03-27-2005, 01:57 PM
noon ang kadalagahan ay pinapaupo ng maginoong binata sa tayuang bus

ngayon maski artistahin ka pa, ay naku bahala ka.... kunway tulog pa siya.

ay ewan ko ba...

Yeh, ngayon baka makaaway mo pa yung babae sabihin nya na mas superior ang lalaki kaya nya pinapaupo ang babae kasi madali syang mangangalay o di kaya double standard or equal opportunity issue.

mitch
03-27-2005, 02:41 PM
Noon : Ang mga bata abala sa paglalaro ng barbie dolls at transformer robot.

Ngayon : Ang mga bata abala sa computer games at kakatext sa sarili nilang celfone.

chayv
03-27-2005, 03:58 PM
Noon sabi ng matatanda - pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Ngayon - pag binato ka ng bato, batuhin mo rin ng bato dahil sobrang mahal na ng tinapay!!!

balatkayo5
03-27-2005, 04:16 PM
Noon...Jesus died on the cross...

Ngayon...Jesus is alive!...

...Lamb of GOD...
http://img223.exs.cx/img223/2187/j01560733ez.png
...Who takes away the sins of the world...

beli77
03-28-2005, 05:50 PM
Noon:

- Ang tatoo ay isang simbolo ng civil status, achievement & valor in the battlefield in other words kagalang-galang ang taong may tatoo.

Ngayon:
- Ang tatoo ay simbolo ng basag-ulo, kadumihan o di kaya ex-convict.

jovic
03-28-2005, 05:59 PM
Noon - Kahit matatanda na, malinaw pa din mga mata (eyes).

Ngayon - Ilang taon pa lang, naka salamin (reading eye glasses) na.

3bbb
03-30-2005, 08:22 AM
...rico puno's joke fr. a concert in hawaii,
noon- hahawiin mo ang panty para makita mo ang pwet...

ngayon- hahawiin mo ang pwet para makita mo ang panty! :p

arcadia
03-30-2005, 10:50 AM
noon ang sinampay mo matutuyo sa bakuran mo

ngayon ang sinampay mo suot na ng kapitbahay mo.

princeedward
04-01-2005, 04:33 AM
Noon:...kapag bagyo at nagliliparan ang mga bubong...nagtatakbuhan ang mga tao para magtago... :hurt:

Ngayon: Nagtatakbuhan pa rin ang mga tao, kapag may bagyo...ngalang para magunahan o magagawan at hakutin ang yero... :D

mitchteryosa
04-05-2005, 07:56 PM
Noon : Ang ginagamit ng mga babae sa pagpapaganda ng buhok ay natural langis ng niyog.

Ngayon : Hot oil sa salon at may rebond pa!

Yoannah
04-06-2005, 11:08 AM
noon: bigyan mo ang bata ng piso....tuwang tuwa na!

ngayon: bigyan mo ng biente pesos....nagwawala!

princeedward
04-06-2005, 01:13 PM
Noon: Takot ang tao sa Sementeryo... :ogre:

Ngayon: Naktira pa ang tao sa Sementeryo.... :D

hitman9mm
04-12-2005, 05:26 PM
Noon: Sex after marriage
Ngayon: Makikilala mo pa lang GF mo after sex! :laugh:

Joke lang po..:p

arcadia
04-13-2005, 01:29 PM
noon: nagpakasal kasi gusto na magkababy(family)
ngayon: magkakababy na kaya gusto na pakasal

princeedward
04-17-2005, 07:22 AM
Noon: di ka makakapulot ng singko sa kalsada

Ngayon: pero ngayon nagkalat ito minsan...dahil sa wala ka ng mabibili sa halagang singko...

Yoannah
04-18-2005, 12:59 PM
noon: nililigawan ng guy ang girl para sagutin sya...

ngayon: nililigawan ng girl ang guy para magustuhan sya! nyahahaha!

jovic
04-19-2005, 08:16 PM
noon - pang-hilod ay bato

ngayon - scrub.. or sauna pa! duh'

Yoannah
04-20-2005, 12:50 PM
noon: ang shampoo...gugo at aloe vera....

ngayon: may wax treatment na!

princeedward
04-23-2005, 11:02 AM
Noon: maaga lagi ako natutulog...wala pa ang kuro

Ngayon: di na ako makatulog dahil sa kuro...

mitchteryosa
04-23-2005, 04:09 PM
Noon : AnnaBanana

Ngayon : WindsweptKisses

jovic
04-23-2005, 06:35 PM
Noon - mga damit eh mahaba pa sa tao

Ngayon - mga damit di na kasya ang tao

balatkayo5
04-24-2005, 12:48 AM
Noon...sa Pilipinas meron kang taga-laba.

Ngayon...dito sa Amerika ikaw ang maglalaba.

mitchteryosa
04-24-2005, 03:00 PM
Noon : Ang mga damit-pambata madidistinguish mong pambata talaga.

Ngayon : Kung ano ang damit ng matanda, ganun na din ang sa bata.

KhRiStInE
05-04-2005, 07:06 AM
noong kakapromote ko: pag may sumugod na customer at nagcomplain, umiiyak ako sa sobrang nerbiyos.

after a while: nakikipagsagutan na ko sa customer kahit may kasabihang 'the customer's always right'

hitman9mm
05-07-2005, 06:16 AM
noon: napupuyat ang kalalakihan sa beerhouse.

ngayon: napupuyat sila sa webcam chat!:laugh:

madjissa2nd
05-07-2005, 06:23 AM
noon... di binubunot ang kilay
ngayon...binubonot lahat at tattoo na ang nilalagay! ;)

princeedward
05-09-2005, 05:02 AM
Noon: maliit lang ang binabayaran ko sa I-Net :luvstrk:

Ngayon: Parang Malaki Na... :(

Bakit Kaya... http://www.cosgan.de/images/midi/konfus/a015.gif

balatkayo5
05-09-2005, 08:00 AM
Noon...may pera pa kami, marami ang nakakaalala.

Ngayon...wala na kaming pera, marami ang nagmumura.

mitchteryosa
05-09-2005, 03:28 PM
Noon : Mahabang pila ang aabutin mo sa pagbabayad ng bills.

Ngayon : In just one click of your mouse, makakabayad ka na.

Pinay
05-09-2005, 04:33 PM
Noon: -- i was slim (90 pounds)

Ngayon -- am very blessed LOL!

anonymous
05-09-2005, 06:02 PM
noon: ang pera nasa bulsa, ang binili nasa plastic bag

ngayon: ang pera nasa plastic bag, ang binili nasa bulsa na.

SuiGeneris
05-17-2005, 09:54 PM
Noon: istambay sa bilyaran/tindahan

Ngayon: istambay dito sa kuro

Pinay
05-17-2005, 10:41 PM
Noon -- maganda daw ako.

Ngayon -- mas lalo daw akong gumanda.

j/l ...LOL! just can't think of anything to write eh.

hitman9mm
05-18-2005, 03:58 AM
Noon - diapers na nilalabhan

Ngayon - disposable pampers!

SuiGeneris
05-18-2005, 04:43 AM
Noon: it would take half an hour to copy music from an LP, including ticks & clicks, warts & all.
Ngayon: 3 minutes lang to copy/burn a CD in superb crystal-clear sound

hitman9mm
05-18-2005, 07:02 AM
noon - mostly infos, nasa books

ngayon - nasa internet na!

arcadia
05-18-2005, 11:37 AM
noon - gustong gusto makarating ng amerika...

ngayon - gustong gusto makauwi na ng pilipinas

mrunner
05-18-2005, 12:37 PM
noon - check ang ginagamit

ngayon - debit cards na

hitman9mm
05-19-2005, 05:56 PM
noon - cable

ngayon - wireless

mitchteryosa
05-19-2005, 09:19 PM
Noon : Iilan lang ang active dito sa kuro. :(

Ngayon : Sa dami ng active members, nagkaka-unahan na sa pagpost. :)

Pinay
05-20-2005, 12:01 AM
Noon: i wear heels daily to work.

Ngayon: bihira nalang. mostly i go to work wearing regular heeled sandals, sneakers.

WindsweptKisses
05-26-2005, 11:05 PM
ot: this is a re-post from 10-years ago thread


(http://img139.echo.cx/my.php?image=noonatngayon8ob.jpg)

MUZANG
05-26-2005, 11:31 PM
http://www.gap.com/assets/product/main/baby/bg281158-00p1.jpgnoon http://www.bananarepublic.com/NR/rdonlyres/eo726ivv3dd6tbybevy64f72pfjoim6lfvmg3v5aqjtjaxzrxg vmjh3btz6lrfrktpgzctreb2yizewriyeb3h7tare/br226984-00p1.jpgngayon

mitchteryosa
06-19-2005, 09:59 PM
Noon : Konti lang ang active members ng kuro. :(

Ngayon : Super dami na ng active members. :up:

MannyGB
06-28-2005, 02:07 AM
"Ang Pilipino NOON at NGAYON"

NOON: Wow ang sarap ng kamote (kahit nakaka-utot)
NGAYON: Ayaw ko ng kamote gusto ko French Fries (imported eh)

NOON: Wow ang sarap ng kapeng barako
NGAYON: Ayaw ko niyan gusto kong kape sa STARBUCKS (imported coffee 100 pesos per cup)

NOON: Bili ka ng tela para magpatahi ng pantalon like maong
NGAYON: Gusto ko LEVI'S, WRANGLER, LEE (Tapos rally tayo "GMA tuta ng KANO") Di ba tuta ka rin naman.

NOON: Sabon na Perla OK ng pampaligo
NGAYON: Gusto mo DOVE, HENO DE PRAVIA, IVORY, etc. may matching shampoo pa

NOON: Pag naglaba ka batya at palopalo ok na, minsan banlaw lang sa batis pwede na
NGAYON: Naka-washing machine ka na plus ARIEL powder soap with matching DOWNY pa para mabango

mitchteryosa
06-29-2005, 04:04 PM
Noon (1999) : Ang jeepney fare ay P2.50 lang.

Ngayon (2005) : Ang jeepney fare ay P7.50 na daw.

ycrem
07-04-2005, 02:58 AM
Noon: ngangapngapa ako sa pagsalita ng norwegian

Ngayon: ah pwede ng makipagsabayan hehehe

Yoannah
07-04-2005, 09:09 AM
noon: 10% lang ang VAT

ngaun: 12% na E-VAT!!! wahhhhhhhh:cry:

mitchteryosa
07-04-2005, 08:26 PM
Noon : Safe dito sa Bahrain.

Ngayon : Di na, feeling ko para na din akong nasa Manila.

mrunner
08-03-2005, 09:05 AM
noon - cable pa ang ginagamit

ngayon - wireless na

mitchteryosa
08-03-2005, 03:37 PM
Noon : Beeper / Pager

Ngayon : Celfone, may camera pa!

mrunner
08-03-2005, 06:44 PM
noon - deutch mark ang pera sa germany

ngayon - euro na

Fren2u
08-04-2005, 04:03 AM
noon ~ hippie (jeffrox sa Pilipinas)

ngayon ~ hip-hop

mrunner
08-04-2005, 11:18 AM
noon - bell bottoms pants ang hit

ngayon - bell bottom pants ang hit uli

baby alexa
08-05-2005, 09:04 AM
Noon, my parents had to provide my monthly allowance, tuition fee, school supplies and my rent.....Ngayon, I have to work inorder to have money to pay for the monthly mortgage, allowance and electric bills... hirap! :tired:

3bbb
08-07-2005, 11:36 AM
noon- jergens ang lotion ko!

ngayon- bengay na... :cry:

jovic
08-07-2005, 07:46 PM
noon - matakaw ako sa kanin

ngayon - ayoko na sa kanin ;)

hotciats
08-08-2005, 12:57 PM
noon - binata pa ako

ngayon - nakatali na

mitchteryosa
08-08-2005, 02:47 PM
Noon : Simple lang ang kuro!

Ngayon : Improving at mas mabilis ang text formatting. :up:

mrunner
08-14-2005, 12:39 AM
noon mataba ako

ngayon payat na

MannyGB
08-14-2005, 02:08 AM
noon binata pa ako

ngayon binata na mga anak ko

hitman9mm
08-14-2005, 05:46 AM
noon, binata rin ako..

ngayon, binaaaaaaaaaat naa! :laugh:

WindsweptKisses
08-14-2005, 06:03 AM
noon: wavy pa ang buhok ko. . . :alien:
ngayon: unat na unat . . . walang sabit ;)

mitchteryosa
08-14-2005, 09:12 PM
Noon : Di ako marunong magluto. :(

Ngayon : Pwede ng ipakain sa iba ang luto ko. :p

3bbb
08-16-2005, 01:52 AM
Noon- ninong ako sa binyag,

Ngayon- ninong ako sa kasal! :paranoid:

WindsweptKisses
08-16-2005, 02:22 AM
noon: ako ang tinutukso
ngayon: ako naman ang nanunukso :laugh:

Nenski
08-16-2005, 02:25 AM
Noon: shy ako
Ngayon: di na masyado

WindsweptKisses
08-16-2005, 02:31 AM
noon: mataray ako
ngayon: medyo na lang

mrunner
08-16-2005, 06:56 AM
noon mahilig ako sa basketball

ngayon mahilig ako sa golf

ycrem
08-16-2005, 10:43 AM
noon: rent ako ng apartment :paranoid:

ngayon: akin na ang apartment :luvstrk:

Nenski
08-16-2005, 11:52 PM
noon: nakikigamit lang ako ng Computer

ngayon: I have my own laptop...

ycrem
08-17-2005, 12:15 AM
noon: ako lagi ang nagtatanong

ngayon: ako na lagi ang tinatanong

hotciats
08-17-2005, 11:53 AM
Noon: di ako nagbabaon

Ngayon: nagbabaon na dahil mahirap na ang buhay

Nenski
08-18-2005, 12:02 AM
noon: always asa to my Mom :)

ngayon: all by myself :(

WindsweptKisses
08-18-2005, 03:49 AM
noon: lagi akong may kasabay sa kuro
ngayon: lagi na lang akong mag-isa

nagpaparinig lang po. . . :laugh:

ycrem
08-18-2005, 05:20 AM
noon: ako hingi nanay ko

ngayon: sila hingi sa akin :umm:

baby alexa
08-18-2005, 05:52 AM
Noon- I wasn't the type who worry for the future...
Ngayon- i always think of the future....on how will I get through all the trials

mrunner
08-19-2005, 12:11 PM
noon may bigote ako

ngayon shave na

ycrem
08-26-2005, 11:06 PM
http://img307.imageshack.us/img307/9015/img12450el.th.jpg (http://img307.imageshack.us/my.php?image=img12450el.jpg) NOON http://img238.imageshack.us/img238/5201/img17135ig.th.jpg (http://img238.imageshack.us/my.php?image=img17135ig.jpg) NGAYON