View Full Version : Pregnancy Tips


Pages : 1 [2] 3 4 5 6

greenpoison
02-03-2006, 10:43 PM
that's good to hear that greenpoison!
i know your baby will grow up strong :) kumapit talaga! hehehe

ngaun 14 weeks na ako......xcited to reach the 16 week mark! maybe by then i would know the gender of the baby.....
kaw? when did you know the baby's sex?

oo nga mom22, i was really thakful for HIM and my baby kc, it's really meant and it's time narin cguro for me to be and experience how to be a mom! hehe..exciting na nakakatakot nga eh habang palapit ng palapit hehe..

we found out that its a baby boy nung 1st chek up ko @ 16wks & my OBGYNE really confirmed..ang saya dba! basta healthy & normal mga babies natin, doesnt matter kung girl/boy pa dba!
kaya goodluck sa inyo kung d nyo pa alam gender ng babies nyo..

mom22
02-03-2006, 11:12 PM
sure! i'll add you! bka kse u have a lot of tips for me :)
thanks a lot! c u!

marie
02-04-2006, 06:25 PM
am not working nag-aaral lang me ng swedish language badly need sa mga imigrant para makarelate. Yun nga lang hirap me i have 2 wake up at 6 a.m and in 1 hour,4 na beses lang kung dumaan ang bus. Kakainggit naman c mom greenpoison coz u know na ang gender ng baby mo so makakabili ka na ng mga gamit.

I just want to ask you mga mommies to be. He he he kasi hanggang ngayon takot pa ang inyong lola, hu hu hu when i first visit the doctor halos himatayin ang lola sa takot sa injection at kinuhanan pa me ng dugo. Since pa kasi takot na me sa injection. Ano pa ba ang mga susunod na procedure after taking blood at checking urine. Ano ang kailangan gawin or isipin para mawala yung fear specially sa labor at dilivery. Kasi lalo nadagdagan ang fear ko ng sabihin ng doktor na to get pregnant is difficult and painful kaya yun.. Tenk you.

mom22
02-05-2006, 02:04 PM
hi all! :)

hi marie....yup, nkakatakot & mahirap talaga ang labor....i got birthing pics from my friend and it really freaked me out! i am dreading and yet excited at the same time....they said, pag natural birth ka, they have to cut you ---- para mka daan ung baby! nyahahaha sakit kaya nun! pero i know it would be worth it!
don't worry too much......makakaya natin toh!! :) i guess it would help pag nasa tabi nating hubby natin para we can scream at them or squeeze their hands everytime we feel the pain na! nyhahaha

to greenpoison, did you take lamaze classes?! cz i have narrow hips, i'm afraid i'll be like my mom & would be needing a C-sec.....:(

marie
02-05-2006, 04:36 PM
Yezzz!!!!!

My mom nung pinanganak niya me wala lang,she said sumakit lang daw yung tiyan niya ng madaling araw then takbo sa midwife si father dear kapitbahay lang naman namin yung midwife. HIndi pa nga nakakatok sa pintuan lumabas na me i hope ganun din ako he he he...

Salamat na rin kahit papano mababawasan ang takot ko coz i know hindi lang ako ang nagiisa na buntis... Lets say:::
" IF OTHERS CAN; WHY CANT I."

Just keep giving tips malaking tulong...

mom22
02-05-2006, 07:42 PM
cge,,no prob!!
just keep me posted, cuz i wanna hear your stories also, wala kase akong close friend dito na may baby na.....so walang mka relate sa barkada ko!
nyahaha....:D

lemme know if you get scanned na! kase, it was the most exciting thing for me!
godbless :)

marie
02-05-2006, 08:14 PM
cge babad lang tayo dito sa kuro,,, kain lang ng cracker at inom ng maraming tubig. he he he may ym ka ba mom22. hindi kita mahagilap saang thread ka na ba?

mom22
02-05-2006, 08:17 PM
uhmmm..nasa shout or games na thread lang ako kse dun may tao lage.......:)
ur always online? :D
yup, hindi yata activated ang private message mo dito.........

marie
02-05-2006, 08:35 PM
Yah nakaonline me lagi...ok ichecheck ko yung profile.

mom22
02-05-2006, 08:47 PM
sent you a message already! :)

marie
02-05-2006, 10:57 PM
ok doki.. ........

mitchteryosa
02-09-2006, 12:16 AM
Dami na palang bagong magiging nanay dito. Goodluck sa inyong lahat!

Kuwento ko ba experience ko? Hehehe! Baka matakot kayo ha?

Here it goes... I felt the pain on 22nd January, around 1 p.m. Parang ngawit yung hips ko, but then I just ignored it. I was even ironing clothes that time kasi nga sabi ko kelangan mapagod ako para lumabas na. Then I went to the bathroom to pass urine. Natakot ako kasi may dugo. Sigaw ako kay Mum, akala ko nalaglag na hehehe! Sabi ni Mum umpisa na daw yun. Buti nasa bahay pa si Derrick, my hubby. So I waited for sometime. Tapos sumasakit na din yung sa may puson ko. Sabi ni Mum maligo na daw ako and I did. Ayaw ko pa ding magpadala sa hospital kasi alam ko di ako makakakilos ng husto dun. But then etong dalawa kong kasama sa bahay ang natataranta. So I said let's go.

We went to the hospital. Nakababa pa nga ako ng hagdan mag-isa. I was really trying to ignore the pain. We reached ther after 15 minutes or so. Then they monitored my contractions only to find out 1cm pa lang daw ako. We were ther for like 2 hours para sabihin sa akin lumipat sa isang maternity hospital dahil puno na daw sila, duh!!! So alis na naman kami, eh ang layo pala nun.

I was admitted at 3pm. Sabi ulit 1cm pa din daw ako and it will take time for me to deliver. Tapos while we were waiting, may pumasok na isang buntis as in umiiyak siya, tapos tumatawa pa ako sabi ko OA naman nun! Hahaha!

Mga around 5 or 6 om, I was induced. Dry labor kasi yung akin, blood lang lumalabas. I didn't even feel kung nagbreak yung water ko. Nakadextrose na ako nung time na yun. Tapos around 7pm, the pain became stronger saka evry 5 minutes na talaga. I waited.... 10 p.m. iba na yung sakit, they injected sedatives daw yun to ease the pain kahit konti. I was crying then, as in! There was no epidural. Before 1 a.m. they checked on me again sabi 9cm na daw ako, tapos ni walang nag-aasist sa akin kundi yung magpapaanak. Walang nakahawak sa akin to support me habang umiiri, so I requested for one more pillow. I placed it in between my stomach and the bed rail. Sabi sa akin nung doctor kapag strong yung pain umiri ako ng malakas na walang patid para daw bumaba yung head ng baby, I did twice. Tapos yun bumungad na yung ulo. I pushed so hard twice and in less than 10 minutes, she's finally arrived! Galing ko umiri.

Pag andun na kayo, di niyo na mararamdaman yung pain, kahit pa walang pampamanhid, basta gusto niyo lang lumabas na and it's all worth it once you hear your baby cried.

I had a problem though, dahil panay panay ang pagbibleed ko, my stitches were tearing, kaya they had to do it 3x, yung pangthird dun na naayos. After that I couldn't pass urine kaya they had to put catheter for 24 hrs.

But rest was fine. Di masakit manganak, ang masakit yung labor. 12 hrs ba naman kasi yung akin.

Pagkatapos ng lahat bawi naman lahat ng sakit.

Kaya goodluck sa inyo.

God bless!

mom22
02-09-2006, 12:38 PM
good day!!
first of i wanna congratulate you & your hubby on a healthy baby girl!
saw her pics....really adorable! i don't know how you can control yourself
kse kung ako, palagi ko kini-kiss! nyahaha

nyay!!! hehehe takot tuloy sa stiches!!!! may nakita talaga akong pictures ng nanganganak..........grabe ang rami kayang dugo? ganun ba talaga un?!
How many lbs ang baby mo? Kase, i'm watching my weight now, ayoko sobrang laki
ng baby cuz our family has a history of C-sec.....:( i want na natural birth ung baby ko.....:)

if you don't mind me askin', how many months before your tummy started getting big? How many pounds did you gain?! and did you put creams para walang stretch mark?

Sorry ha kulit ko........first time & excited kase! hehe

take care! hugz to ur little angel......:girl_hug:

greenpoison
02-09-2006, 01:44 PM
Please click one of the Quick Reply icons in the posts above to activate Quick Reply.

greenpoison
02-09-2006, 01:47 PM
marie, mahirap tlga mabuntis pro enjoy naman kc alam natin na magbibigay tayo ng new life sa world dba!ang sarap isipin. ganun talaga madaming mga test & every chekup yan lagi test ihi & if may problems, okay lang yun kasi para maagapan man kung ano yun!dont worry,kaya natin ito,lakas lang ng loob, ako din talagang nerbyosa ako to the max, since nag-asawa ako & every chek up ko sa OB,nerbyos tlga ako lalo sa mga inkections/test, pro immune nako sa ngayon, but still always nervous.. :up:

greenpoison
02-09-2006, 01:53 PM
mom22, i've added u in my ym.
I didnt went to any classes as i'm very lazy. i just stay at home & relax hehehe.. sa OBGYNE ko lng ako pumupunta for my chek ups.. i was so worried b4 till now as well, na baka CS din ako, baka dko kaya,baka suhi baby(kc suhi ako)or baby is so big, etc, etc.. then my OBGYNE told me don't think that way & ur baby is growing accordingly. but actually, i had no problems w/ my pregnancy, no bleeding at all & all my test/s were good, thank GOD!sana nga magtuloy-tuloy ito hanggang paglabas ng baby.. kaya wag tayo magworry masyado, kaya natin ito.. we just have to think that we can do it & were stong!!!B-)

greenpoison
02-09-2006, 01:58 PM
HI mitch, saw the pics of Derrelle, she's so adorable, she's really an angel esp dun sa naka smile sya, its so really cute!! Congrats for bringing a new life!!! she's big already ano! ang bilis,only few days..

good for you at madali lang lumabas si baby,sana ako din,ganyan din si baby. buti kapa tapos na ang hirap mo! ginahawa naman for now kc your baby precious is already there and nakikita mo na sya! can't wait na rin!

kisses to ur baby!! muah!!

marie
02-11-2006, 06:59 PM
hi greenpoison....yes kaya natin to kahit mahirap he he he..

Congratz....ate mitzi...cute cute naman ng baby mo. Natapos na rin ang paghihirap ng pagbubuntis. Takot ako manganak pero kung kinaya mo kakayanin ko rin he he he...Sabi nga nila hindi mahirap magdeliver, labor daw talaga ang masakit.. hu hu hu galeng mo palang umiri dalwang beses lang... Yan si ate !!!!

mitchteryosa
02-11-2006, 08:39 PM
good day!!
first of i wanna congratulate you & your hubby on a healthy baby girl!
saw her pics....really adorable! i don't know how you can control yourself
kse kung ako, palagi ko kini-kiss! nyahaha

nyay!!! hehehe takot tuloy sa stiches!!!! may nakita talaga akong pictures ng nanganganak..........grabe ang rami kayang dugo? ganun ba talaga un?!
How many lbs ang baby mo? Kase, i'm watching my weight now, ayoko sobrang laki
ng baby cuz our family has a history of C-sec.....:( i want na natural birth ung baby ko.....:)

if you don't mind me askin', how many months before your tummy started getting big? How many pounds did you gain?! and did you put creams para walang stretch mark?

Sorry ha kulit ko........first time & excited kase! hehe

take care! hugz to ur little angel......:girl_hug: Korek ka diyan! Kahit tulog kiss ako nang kiss! Bwehehehe!

As I remember, 7 months na ako nung nahalata yung tummy ko. I was skinny kasi, yung pre-preg weight ko was 42 kgs. and on the day na naglabor ako, nung nagweigh ako I was 61 kgs. Hehehe!

I did not apply any cream para sa mga marks na yan, I really don't mind, trademark na yan ng pagiging ina. Anyway di naman ako nagmimidrib eh hehehe!

Thanks!

kazuna
02-13-2006, 01:08 AM
hi im new here..and im 14weekz preggo now...im searching here in kuro and i found this forum...well nalibang ako ng kakabasa ng mga usapan ng mga preggy mumz here..and i hope i can join with u mommies...tnx and godbless all...

healthy pregnancy to us....

Congratz to mommie mitchteryosa for having a cutie baby girl...

mom22
02-13-2006, 09:24 PM
hi mommie mitch :) pareho pla tayo, 42kgs, that's about 92 lbs right?
Anyway......ang galing mo naman....nkaya mo dalawang push lang! hehehe
how many pounds si baby derelle?

My tummy starts to look kinda full...kinda how a tummy looks like after a BIG party..hahaha! but hindi pa naman masyado halata.....alos, wala pa talagang need
to buy new clothes ~ yet...

anyway, thanks a lot for the stories!
if you can sneak a peek dito from time to time, we appreciate all
the advice we can get!

godbless mitch, to u and your little family! hehe

take care!:)

mom22
02-13-2006, 09:28 PM
hi im new here..and im 14weekz preggo now...im searching here in kuro and i found this forum...well nalibang ako ng kakabasa ng mga usapan ng mga preggy mumz here..and i hope i can join with u mommies...tnx and godbless all...

healthy pregnancy to us....

Congratz to mommie mitchteryosa for having a cutie baby girl...

hi kazuna!!

i'm 16 weeks pregnant & hopefully all goes well when i go to my doctor tomorrow :)
You see, i've experienced bleeding in the earlier stages of my pregnancy!
I'm being optimistic cause there's lesser risk of miscarriage when the baby reaches the 16 week mark! Kepp your fingers crossed!

anyway, it's good marami na mga mommies dito! ehehehe...
visit & leave a message anytime :)

congratulations on your baby! godbless !

vanessa

kazuna
02-13-2006, 09:36 PM
hi mom22 tnx for welcoming me here...
well i had a miscarriage on my first pregnancy, and this is my second, im hoping this time tuloy2 nato...so u think 50 50 pko sa miscarriage?

mom22
02-13-2006, 09:39 PM
well.........i dunno........i don't wanna upset u or anything & hindi naman ako doctor, but be careful lang, cuz we never know dba?
don't eat daw food na puno ng iodine..then....don' carry heavy things :)
you're still working ba?
uhmm..can i ask ba how old ka?

kazuna
02-13-2006, 09:55 PM
i knoe...kya nga im alwayz praying for the babyz health...

im 21..ikaw?

mom22
02-14-2006, 03:36 PM
kazuna, i'm 22!

hi all......happy valentines!!! how's ur pooching tummies mommies? nyahaha!
Well...i went to my OB earlier, guess what, wala na akong bleeding! ok na ung baby, safe na daw!! at last mkaka lakad2x na rin ako :) nyahaha!!!
i saw the ultrasound, and nkita ko ung little fingers ng baby ko, little feet......:)
ang likot2x pa niya! (lalake kaya?!) sabi ni doc, 6 months ko pa malalaman ang gender....xcited na ako malaman eh!
Are you guys xcited to know the baby's sex also like me?! hehe...i can't believe
a little person is living inside my tummy! it's amazing........i can't wait for it to come out!
Nka-pose pa talaga ang baby ko sa picture nya.....hehehehe :D
i guess i'm thru the "puking" stage...so ngaun ok na pakiramdam ko........no more
dizziness or anything like that...ung nga lang minsan may headache but ok lng, hindi naman cya gaano kasakit...

i hope all is well also! godbless all!

vanessa

mitchteryosa
02-15-2006, 12:29 AM
how many pounds si baby derelle6.3 lbs siya. Ako naman ngayon nasa 62 kgs na hehehe. Just weighed myself the other day.

Regards to all the preggies here, ingat kayo!

klaire
02-16-2006, 03:57 AM
hello po mga mommies! am also a newbie here..21yrs old and bout to give birth on 1st week of June..im happy for mommy mitch and thank God she had normal delivery..galing galing mo nmn! sana di rin ako mhirapan pag ako na yung nsa moment na umiire..wehehehe..am working in a call center kya medyo mhirap pro kya pa nmn..wla nmn po ako nraramdaman n kakaiba,yung backache lng..i think thats normal..ayt?lalo na nkaupo lng ako,am so excited how does my baby look like..take care mga mommies..:classic:

klaire
02-16-2006, 04:12 AM
Please click one of the Quick Reply icons in the posts above to activate Quick Reply.

mom22
02-16-2006, 09:24 AM
hi!!! welcome to the mommies area! haha..:D feel free to message & join the chat! :D
congratulations pla sau!

klaire
02-16-2006, 09:44 PM
thanks mom22!!:p naaliw ako sa forum nato..dami ko nalaman..
may tanong po ako..
totoo po ba na pag gising tayo,gising din baby naten?kasi wawa nmn baby ko pag ganun..:cry: :(

mom22
02-16-2006, 09:50 PM
yah, ako rin kaya...naaliw, kaya adik na me dito :)
nope, i don't think so.......the baby usually sleeps during the day & wakes up nyt til dawn, that's what the doc said to me, that's why daw, for the first 2 months nya, palagi gisisng madaling araw..then slowly the baby will adjust na :)

u working in a call center ryt? how many months ka na ngaun?5? alam mo na sex ng baby mo?

klaire
02-17-2006, 02:40 AM
yup..5 1/2 months na po..sobrang likot na nya,pag nsa call nga ako naglilikot sya eh..pag nakikita ko yung mga mittens tska mga socks nya na binili namen,naiimagine ko mga fingers nya tska paa nya,naluluha ako sa tuwa..(drama ko na ba?):umm:am so excited na tlga..hehehe..bka magleave nako 3rd or 4th week of May..:hah:

klaire
02-17-2006, 03:10 AM
@mom22: alam mo na sex ng baby mo?

di ko pa po alam sex nya..nung 3 1/2 months nagtransvaginal ultrasound ako,nkatalikod po sya..di makita ni doc..hehehe:}..sa 7th month na lng ult ako papaultrasound to make sure sa mga ibang gamit nya na bibilhin namen..:wink:

mom22
02-17-2006, 08:35 AM
hi klaire :)

currently, i'm 4 mos into the pregnancy..so i still don't know the baby's sex...
i had an ultrasound nung 2/14, hindi pa kse nhahalata....
i guess, i'll have another 1 pag 7 mos na ako or something...:)
ung 3D? dba para mas maganda...........

i haven't started buying any baby stuff pa, later na pag i'm sure of my baby's sex...ehehehe...
malaki na ba tummy mo?
have u started to wear maternity clothes or ung dati pa rin clothes kasya?

klaire
02-17-2006, 09:37 PM
hello mom22!!:banana: halata na yung tyan ko pero mrami nagsasabi na bkit maliit daw..pero sabi ng OB ko normal lng nmn daw yung laki ng baby ko kasi sinukat nya nung last na chekup ko..nkakatuwa,kasi yung ate ko buntis din tpos parang 9mos na yung laki ng tyan nya,pero pareho lng kami na 5mos..sabi ng OB nya mga fats na daw yun,di na daw yung baby yun..hehehe..:hah:
nagsusuot nako mga maternity clothes,kasi nhihirapan na ko sa mga damit ko dati,di nako comfortable..pero di rin ako namili ng marami kasi ngyn ko lng nmn magagamit eh..kelan due date mo?

mom22
02-18-2006, 10:07 AM
hi klaire,

nkakatuwa naman sabay kyo ng ate mo! ehehe instant ka chika about what your goin' thru!
hirap pla ang buntis noh? but i think mas ok ngaun na stage natin cz wala na tayo
morning sickness :)
pareho pla tau....halata na rin ung tummy ko, but pag wear clothes na loose, para lang cya wala...!
sabi nga ng iba i lost weight daw! nyahaha...
ano gusto mo girl or boy? first baby mo?

vanessa

klaire
02-20-2006, 10:01 PM
mom22! di ako nkareply agad kc nagrestday ako..hehehe!
khit ano bsta healthy baby..yup!first baby ko po..
napapnsin ko prang dalwa nalng tyo nguusap dito sa forum ah..hehehe!:}
cguro mejo bc-bchan ang mga ibang mommies..:D
kelan expected delivery mo?

mom22
02-21-2006, 11:16 AM
hi klaire!

oo nga eh, busy na un, ang iba kse due na this month :)
ehehehe
expected delivery ko is july 26............are you still working
sa nyt shift? hindi ka ba nahihirapan?
ako kse i always sleep when i can! eehehehe..tapos kse, sumasakit ung back & butt
ko pag i'm always sitting down, buti nlng i work sa house, so i can rest when i like it......:)
tingin mo blooming ka ngaun sa pregnancy mo?
kse i'm really confused kung totoo ung sabi na pag girl blooming ang mommy, pag hindi naman, boy ung anak......ahahaha!

kazuna
02-21-2006, 10:30 PM
hi mom22 and mom klaire..musta na mga naglalakihang tummies?:)

momma klaire nbasa ko post mo about dun sa pgtulog ng baby..but first Congratz to u!! im reading japanese preggo magz. and sabi dun every 20minz. gumigcing and 20minz. natutulog ang baby..i dunno if its true kase iba2 nmn ang cnasabi ng iba:embarassed:
lyk here 10mnthz ang bilang nila bgo ka manganak eheheh..


but my prob. is kung gano ba kasama matulog ng late hours? di kz ko mkatulog ng maaga lging 2-3am na..tingin nyo ano ba dapat kng gwin?


tnx! tc and godbless mga mummies:luvstrk:

mom22
02-21-2006, 11:05 PM
hi ann!! :)

i'm not sure really kung it's bad, but i think it's always best na 8 hours of sleep..
kung 3am kana ntutulog, late ka rin gumigising?

15 weeks k na ryt? lumalaki na b tiyan mo?

klaire
02-21-2006, 11:16 PM
magkasunod lng pla tyo ng month..B-) yup stil work on nyt shift..9pm-7am..actually,dito ko ngyn sa office..workin..:bored:
mejo nhihirapan na rin ako ksi syempre iba yung tulog sa gabi kesa umaga..
pro kya pa nmn..
tingin ko prang blooming ako ngyon,tska sbi ng mga oficemates ko wla daw ngbago sa itsura ko,di nmn daw ako umitim..di rin nangingitim yung leeg ko eh tska ampit...kaw ba?
yung ate ko nmn mganda rin sya ngyon pro mejo nangingitim leeg nya tska ampit nya,tpos ngpaultrasound sya nung feb14,gul daw...depende daw sa hormones eh..hehehe..:hah:

kazuna
02-21-2006, 11:31 PM
hello mom22,

actually yes halos lagpas na ng 8hours tulog ko..and u think ok din b un? kaw? ilang hours ka nkakatulog ngaung 4mnthz ka? nahihilo ka pa rn ba?

and yea 15weekz nako and mejo lumaki n ren chan ko laz check ko 74cm. ewan ko now..but sabi ng partner ko taba lng dw ng chan ko lol..

how bout u lumaki na chan mo? wat bout ur nose? my nagbago ba?
saken wla nmn for now but lately i got colds and sumtymz nosebleeds..

klaire
02-22-2006, 01:46 AM
hi mom ann! welcome back..yeah mom22 is ryt! as long as 8hrs tulog mo..:up:
hai 7hrs to go pako dito sa office..:bored:

klaire
02-22-2006, 04:18 AM
ako nmn po..wla nmn po ngbago saken pero 6mos na baby ko nung feb20..
sbi nila kdalasan daw tska palang lumalabas yung mga pagitim ng leeg at ampit pag 7mos na..wehehehe..
nga pla,khapon lng po nung natutulog ako namulikat yung paa ko,yung left..
naiiyak nga ako sa sakit eh..nag-inat kc ako tpos biglang di ko na maigalaw yung paa ko..:cry:ayun,pinahilot ko sa bhebeko paggising..pro mejo masakit parin gang ngyn..
mom ann,ask ur OB bout ur colds and nosebleeds..
niweis,gudam po!:-]

mom22
02-22-2006, 09:46 AM
hi klaire, hi ann! :)

magkakalapit lang pala tayo ng due date noh?! kakatuwa naman!
lumalaki na din ung tummy ko..napipilitan na akong mag loose na damit kse
uncomfy pag tight. Wala pa naman nag bago sa face & color ko...(bka sa 7 months..nyaaaaaaaaa:wah: ) hindi pa lumalaki ang ilong ko & wala pang nangingitim anywhere! ehehehehe.....

ann, i think basta you get 8 hours of sleep lang...cuz i know maraming buntis na nahihirapan matulog...ako naman kse regular ung sleep ko, i sleep 11pm and then i wake up at 8am...
hindi na ako nahihilo...minsan lang talaga pag i'm standing too long kse nabibigatan na ako..i guess it's cuz sa first tri ko bedrest ako so ngaun naninibago pa ako maglakad-lakad.
Also, i read somewhere that increased secretions~from nasal to vaginal~are common as your blood volume increases....but if your symptoms persist it would not hurt to go to your doctor.

Klaire, mbuti k p, meron ka tga hilot! hehehe....ako wala pa nmn cramps or anything like that, i just have frequent backpains...pareho tyo palaging nka upo sa work.
Mabuti pa toh si mommy ann! ehehehe. Basta, lagay ka lang ng pillow for your back for support.

Tayo2 lang naman ang naguusap-usap eh..wala naman kse akong close friends na buntis din...so lets just update each other, i know it would definitely help!
ngaun tummy ko is 77cm(30inches) and i weigh 94lbs(43kg). sabi ni Doc normal naman lahat. Just got to take it easy daw para di bumalik ang bleeding...

May pinaglilihi-an na ba kayo? Ano fave food nyo ngaun?
By the way, how many glasses of milk do you drink? ako kse 1 glass a day lang...ung ANMUM...should i take 2 kaya?

thanks mommies! take care :up:

mom22
02-22-2006, 10:31 AM
http://pregnancy.about.com/od/yourbaby/a/pregcalendar.htm

try this site...i always visit here to read my baby's weekly development :)

mom22
02-22-2006, 10:46 AM
http://www.pregnancy.org/pregnancy/fetaldevelopment2.php

also check this out! :)

klaire
02-23-2006, 06:17 AM
hellow po! :laugh:
dati po papaya tska mangga..
pero ngyon di napo ako nagccrave sa khit ano..
ANMUM din po milk ko,i drink 2 glasses a day..before i sleep and when i wake up..
naaadik nga ako sa gatas na yan eh,sarap kc..wehehehe..:p
tsaka ok din kng kmain ka oatmeal sa brekfast..yun gnagawa ko..

take care po Godbless..:classic:

mom22
02-23-2006, 11:45 AM
ok din ung oatmeal noh? para hindi nkakataba :)
thanks sa tip klaire :up:

klaire
02-23-2006, 09:48 PM
hello!
madalas po akong ngkaka-heartburn pag busog ako..
kyo ba naeexperience nyo yun?nahihirapan ako huminga pag ganun eh..:cry:

thanks po! Godbless..:(

mom22
02-24-2006, 11:48 AM
hi klaire,

sa ngaun wala pa naman akong heartburn.......
minsan lang pag busog parang ang hirap gumalaw...
hindi kse ako sanay na may 'tummy' payatot ako dati eh..
anyway..normal yata yan, stay off food that are spicy.....

klaire
02-24-2006, 10:55 PM
thanks po mom22..may problem ako ngyn..
parang may rashes sa chest ko..
makati na mahapdi na masakit,magpapachekup pa lng nga ako eh..:disappointed:

mom22
02-25-2006, 11:17 AM
klaire,

really? hope ok ka lang, tell us 'bout the results afterwards k?
take care :)

kazuna
02-25-2006, 05:02 PM
hi mom22 and mom klaire...

tnx about dun sa sleeping problem ko..and dun nmn sa colds and nosebleeds, nafeel ko lng un paggising ko, cguro sa lamig here..

as of now bsta fil fud lng mga gs2 ko..im not craving anything but for fil fuds..and i drink fresh milk every morning lng wid cereals. di ko kz gusto lasa ng anmum(chocolate)..meron ako binili d2 every tym na timplahin ko lgi lng natitira and natatapon...sayang lng!


4 * 5 * 6 mnthz pla tyong tatlo..kakatuwa:laugh:

pero mommies, d nyo b nararamdaman pgkirot minsan ng puson nyo? and pagkati ng chan and breast nyo?

mom22
02-26-2006, 11:33 PM
hi mommy ann :)

yeah, ako din, ayoko ang chocolate na anmum, mas masarap ang "vanilla" flavor ba un..?
well..yah, sometimes when i eat too much, kirot sometimes ang tummy ko but i guess
natural lang yan....
also, sa breast sensitive na cya masyado...but lately, ok naman...
ngaun lumalaki na talaga ang tummy ko, parang rapid growth na......
kumakati na ung tummy ko kse nag-stretch ang skin (do u also have that?)
Also, i felt my baby's kicks already!!!! :up: i really do think that was it (even though i dunno how it really feels! hehehe) but i'm sure un na un!! it's soo xciting...
boyfriend ko na palagi nka abang para ma-feel din nya ung kicks hehehe

i hope all is well!
by the way, i posted my baby's scan sa photo ooppss na thread! check it out :)

klaire
02-27-2006, 09:49 PM
hello mom 22 and mom kazuna!

my rashes got worst..i haven't visited my OB,tom na cgurado..
natatakot na tlga ako:cry:..dumadami na sa likod ko...
nahihirapan n nga ako eh..am just praying ryt now that God will heal me..
nahihirapn na kasi ako gumalaw..:(

bout nmn po dun sa pagkati sa tyan,yup nagkakaganon na ako ngyn,nkakamot ko nga mnsan eh,
pro di nmn ako ngkaka stretch marks..

sa breast nmn,ok nmn di nmn gaano msakit yun lng enlargement lng tlga nffeel ko..

yung tummy ko bglang laki na sya..hehehe..26weeks na sya tom..:laugh:

cge po mga mommies..take care! Godbless!

mom22
02-27-2006, 10:00 PM
hi klaire..

sorry to hear bout your rashes, sana ok ka lang, bka kse nagka allergic reaction
ka or something!
share mo nalang payo ng doctor when you know!
get well soon!! :)

tc mga sexy mommies!!

klaire
03-02-2006, 01:43 AM
hello po mga moms!

nagpachek-up na po ako sa OB ko..and she told me that i have a mild case of chicken pox, called Herpes zoster..check nyo to..
http://www.nlm.nih.gov/medlineplus/ency/article/000858.htm

actually,back pain una ko nramdaman sa right side then kala ko may pigsa din ako,yun pla part lhat yun nung herpes zoster..tpos pag lumabas na sila makati and then it turns to be painful..

sabi ng OB ko may possibility daw na nakatabi ako ng taong ngsisimula pa lng chicken poxor patapos na,
pag ngkachicken pox na daw herpes zoster daw and sunod..
eto yung virus na dormant after chicken pox then pag natrigger daw sya sa adult stage tsaka sya lalabas..
sa right side lng ng katawan ko sya tumubo,sa chest then papunta sa back..
wla nmn nbanggit dok ko na delikado ky baby..di na lng daw nya ko bbgyan ng gamot kc di na daw mapprevent to,
kusa na lng daw mawawala to after 2weeks or 3..
sa ngyn mejo mas ok na pkiramdam ko pro nung mga nkaraang araw sobrang hirap tlga ako gumalaw..
hot compress na lng daw gawin ko sbi ni doc to ease the pain..

ayun,,yun lng po kwento ko sa ngyn..

TCare mga pretty mommies! Godbless..:p

mom22
03-02-2006, 09:10 AM
hi mommy klaire,

so sorry to hear that, mabuti nlng its no cause of alarm.......
hindi naman maaapektuhan si baby ryt?
rampant ung chicken pox lately, dito rin sa cebu..
kaya nga hindi ako pumupunta sa labas kung hindi kailangan.

rest ka lang djan klaire & keep us updated!
ingat kayo ni baby ha!

godbless :)

marie
03-03-2006, 02:27 AM
Hello hello mga mommies !!!!

Hey Vanessa ang bilis mo ha aspirant ka na ! at janda mo sa avatar kaw ba yan?
Tagal ko di nakapasyal dito pano naman kasi pumapasok po ako sa school at ayaw din ni hubby na magbabad ako sa computer minsan nakakapagpost ako sa ibang thread......

Ayun!! saya naman dami na pala bago mommies dito he he he...... sa march 16 schedule ko sa ultra sound kasi 18 weeks daw dapat, sa wakas tapos na ako sa stage na hindi makakain, morning sickness sakit ng ulo.pero ngayon ang problem ko is sakit ng katawan at nose bleeding lalo na sa gabi.Magigising na lang ako sa hatinggabi dahil hindi ako makahinga may nakabarang buong dugo.eehh..
Am very excited kung ano gender ni baby kung pwede ko nga lang gawing 16 na bukas ginawa ko na! May napanood ako na video labor and delivery sa internet mga 10 min cguro yun. Kakatakot nakita ko yung puwerta as in pano lumabas ang baby then yung placenta.Feeling ko ako yung nanganak pero parang ang sarap ng feeling.

Good luck na lang sa ating lahat...

mom22
03-03-2006, 08:43 AM
hi marie!!

yeah, everyday kse ako nagkukuro! nkakawala ng stress sa work eh!
yup, ako yan, i think taken last year...
whole day ba ung school mo?

ako din, march14 sched ko, but check up lang muna, 20weeks/5mos na ako nun!
malalaman mo na ba agad ang sex ng baby? balitaan mo ako kaagad if you'l do know your baby's sex....
marami nga kayong mommies nagkaka nosebleed....ang alam ko normal yan, bka din kse sa weather djan...

hehehe, saan mo pinanood? cz ung nakita ko still pics lang, but sos grabeh pa rin ung feeling, parang hindi ko yata kakayanin!! ang dami kayang dugo...:-/
nyahaha, but i know it would be worth it, so kakayanin natin toh!!

are you gaining wt na? ako kse...before i said i was 94lbs, ngaun 98lbs na!!

cge, ingatz mga sexy mommies!!

marie
03-04-2006, 12:11 AM
half day lang naman...kaya lang gcing me ng maaga 6 am then 1 pm na ako darating sa bahay ciempre gutom na ko then tulog. paggising ko homework ang kaharap ko, then alam mo na luluto.kakain ulit he he he.... asawa lagi nakaharap sa computer at masama daw kasi yung radiation lalo laptop gamit namin.

tinatry ko ilink yung page para makita yung video pero di ko alam try ko ulit later.ewan ko ba dito sa sweden hindi rin sila nagbibigay ng gamot or vitamins for pregnancy buti pa kayo pa anmum milk pa he he he.dito kasi walang powdered milk or juice.

yah i will tell you kung ano gender ng baby ko ehh kagigigil excited na ko.
di ko alam kung gaano na ako kabigat ngayon,malalaman ko pa sa 16. natakot lang ako kasi umusli o lumabas yung pusod ko malalim kasi dati ngayon nasa labas na.tinanong ko yung doktor dahil sa nosebleed sabi nya normal lang daw yun.pwede rin gumamit ng petrolium jelly.
try ko iseng yung video para makita rin ng ibang mga mommies he he he.... oki doki,,,,

klaire
03-04-2006, 12:28 AM
hi mommy marie and mom22!

alm ko po kc pag mga 18weeks di pa po msyadong nakikita gender ng baby..
kc po yung ate ko almost 6mos na sya nung ngpaultrasound and that was feb.14 pero di mkita ng doc nya yung gender,nagassume sila na gurl..
tpos nung isang araw nagpaultrasound sya,den yun visible na visible daw na boy..nkabili pa nmn na sya ng mga gamit baby nya..:laugh:
ako nmn sbi OB ko sa 9th month ko na lng daw,wag na daw muna ngyn kc blak ko by 20th of march papaultrasound,sbi OB ko klangan nya daw kc check amniotic fluid ko tska yung mga iba pang chuva..hehehe..

btw,di na po msakit ktawan ko mom22..mejo may knting hapdi na lng yung mga mild chicken pox ko..pro im ok now..:p

Godbless po mommies! tcare a lot..:wink:

marie
03-04-2006, 05:40 AM
heres try to click the link...
tell me kung ano masasabi niyo sa video na yan...


http://www.babycenter.com/plus/sneak_peek.jhtml?topic=1287352

mom22
03-04-2006, 09:21 AM
hi mommy marie,

checked the link, thanks ha! really helpful :up:
sana lang hindi ako mag labor ng matagal!!
hehe

vanessa

mom22
03-04-2006, 09:24 AM
hi mommy klaire,

mbuti naman ok ka na! :wah:
yah, plan ko nga sa 7th nlang or maybe 8th month na mag pa
3D scan..ung sure na ung gender, kse ayoko magkamali
ng bili ng baby stuff! excited pa naman sana ako! ehehehe

plan ko mag oatmeal pra hindi masyadong tumaba but parang
si baby naghahanap ng rice..ehehe :)

cge, ingatz lagi!:love:

vanessa

klaire
03-04-2006, 11:36 PM
hello mom22 and mom marie!

ok po yung oatmeal sa breakfast with milk..pero sa lunch and dinner, rice na kc mdaling magutom pag indi nagrrice..tska po dapat lagi may merienda in between..khit knti lng..kc pagiwas yun sa sobrang pagkain sa meals..iwas heartburn..;)

yung nosebleed po normal lng po yan sa buntis kc gnyan din yung ate ko,pro ako di nmn ako ngganyan..sakit ng ulo lng,halos everyday nung 1st trimester ko..pro pag overcome mo na yang 1st trime, ok na..back to normal ulit pkiramdam mo..yun lng,bmibigat si baby..hehehe..pro nkakatuwa pag nkikita mo at nffeel mo na lumalaki na sya..naeexcite na nga ako mkita sya eh..:p
ang susunod nmn po ang paglalabor..hehehe..ako pla mauuna sating tatlo..:wah:

niweis, Godbless po and ingat lagi..

mom22
03-05-2006, 05:48 PM
hi mommy klaire...

oo nga noh!! kaw pla mauuna? hehehe....xcited na ako....gusto ko na ma-kiss ang baby ko...
yah, na notice ko nga pag i eat a lot, i get heartburn...

went to a resort w/ my friends & my sweetie..hihihi wore a two-piece suit w/ my belly showing..ang cute!! a was so proud walking aroung kahit marami nkatingin! nyahahaha

kayo? what's new?

mommy vanessa:luvstrk:

klaire
03-05-2006, 10:26 PM
hehehe..kulit nmn nun..cute kya nun pag nkaswimsuit na buntis..:laugh:

eto po, halos lahat n ng pants ko na pang-pregnant masikip na sakin..di nmn kc ako nagddress kc gabi pasok ko eh..tska di ako sanay magdress..kulit kulit na baby ko,likot na..:cheeky:

post ko dito ultrasound pics pag ngpaultrasound na ko..feeling ko prang boy yung baby ko..wla lng..pro sabi nila babae nmn daw kc kinis ko daw magbuntis..hai..mlalaman din ntin yan pag ultrasound na..hehehe..

mommies,di ba kyo minamanas?ako,di pa nmn..pro mnsn prang tumataba yung mga daliri ko..hehehe..

cge po mga mommies..update update na lng po..Godbless!:wink:

kazuna
03-05-2006, 10:47 PM
hi mom22, mom marie and mom klaire,,,and to all mommies!!!

musta na kayong mga mom na sexy??!

@mom22,gud to hear! atleast were on fashion pa rin khit jontis:luvstrk: and di mo n kinailanagn ng salbabida no? lol
may tnong pla ko... anong kick ba ung nafeel mo laz tym? lately pg tpos kong kumain or drink sum juices nafeel kong prang my gumalaw sa loob, letz say popping inside..same ba un sau? sbi nmn sken pintig dw un and iba galaw n daw ng baby un...


anyway, mom klaire watz ur werk ba??! do u hav messenger?



tc mommies...

mom22
03-06-2006, 01:15 PM
hi klaire, hi ann! :)

yup, hahaha para nga akong butete eh! wala nang salbabida..meron na built in! nyahaha
klaire, hindi pa naman ako minamanas...stay away lang sa salty food to avoid that.

ann, yah.....parang may popping na feeling..na sa ngaun eh hindi pa sunod-sunod...
para sa akin galaw na un ni baby....feel ko kse talaga!!!
hehehe

cge ingatz sexy mommies

klaire
03-08-2006, 11:01 PM
anyway, mom klaire watz ur werk ba??! do u hav messenger?
callcenter po ako work..gabi pasok ko kya mejo mahirap..pro kya pa nmn..eto po ym ko..klakpr_1116..online lng po ako ng gabi kc dito lng ako sa office nkakagamit neto..

ako po sobrang likot na baby ko..knna nga mula knnang kmakain ako ng lunch hanggang patulog ako knnang mga 130pm,naggagalaw siya..kinakausap ko n nga na matulog muna kami..mnsan nagigising din ako dahil sa paggalaw nya..nakakatuwa mnsan,kya lng mkukulitan kna rin pag tumagal..lalo na pag sobrang likot nya,mnsan pag gumagalaw sya try nyo pagmasdan yung tyan nyo..hehehe..:laugh:ang cute..

twice a month na ngyon check-up ko..hai..cge po..Godbless po!:classic:

mom22
03-09-2006, 09:01 AM
hi sexy mommies!!! :D

klaire, probably 6 1/2 months ka na ryt? when did you feel starting your baby move?!
Kase ako 4months and 3 weeks na, and i know for sure (feeling ko talaga) nung 2 weeks ago pa, na fe-feel ko na cya mag move.....
para kase inside my tummy may sumisipa tapos nag change position.....also....am i imagining lang na i can see my tummy move?
hahahaha ~ baka lang ba excited lang ako..........?

cge mommies!! ingatz kayo......

vanessa

Onlooker
03-09-2006, 03:13 PM
Even though only a women carries a child inside her, both father and mother should share the experiences of pregnancy.

As a father, I have always been exhilarated by the experiences shared with my pregnant wife.
How fascinating it is to feel your unborn child move?
How you try to imagine what part of the child's body is creating a bump in your wife's tummy?
And how I find my wife more endearing during her pregnancy.

There are also bad feelings to go with the good as there is anxiety as well as apprehension. Anxiety of what will be after child birth and apprehension of whether you could measure up to your perceive ideals of parenthood.

But in the end there is nothing that could compare to the wonderful feelings of awe and wonder as you finally hold you child for the first time.

klaire
03-10-2006, 03:13 AM
klaire, probably 6 1/2 months ka na ryt? when did you feel starting your baby move?!
yup..it started nung 4mos plang sya...bale december yun..:umm:

tpos ngyn po, sya na gumigising sakin..hehehe..ksi pag may pasok ako 7pm ako gumigising,tpos khpon akla ko kc 6pm plang kya sbi ko tulog muna ko..pro sumisipa sya gang ginising na ko mama ko kc 730 na..hehehe..nkwento ko khpon sa husband ko bgo ko pmasok ntatawa sya..:laugh:diba nga sabi mas grabe pa daw pagsipa sa 7th and 8th month?! hehehe..nung 5mos na sya,nkikita ko na gumagalaw yung tyan ko eh..kya im sure ur not imagining..:p

Godbless po..

mom22
03-10-2006, 11:19 AM
hi mommies!!!!

klaire, thanks ha............as in!! i'm soo happy to know na i'm not just imagining & that baby ko na talaga ung makulit na bulilit na naninipa :D
hehehe....grabe.....he's awake nga now while i'm typing!! hahaha..nagpapa-pansin!
i guess by 5+ mos ma f-feel na din ng sweetie ko ung sipa ryt pag he'l touch my tummy?
thanks ha!

tc

Vanessa

kazuna
03-10-2006, 08:18 PM
hi beautiful mumz! musta mga tummies nyo?

Share ko lng,, 4th check-up ko ngaun and i saw my lil meeh nnmn moving inside:banana: and got my first video tape recorded ung ultrasound ko:luvstrk: wla nmn problema and ok nmn dw, bout sa sleeping problems ko as long as nsa house lng nmn ako khit 6 hours of sleep and konting tulog sa hapon ok nmn daw...and tinanong ko nga kung malaman n ba ang gender ng baby and tinignan ng doctor mejo dpa dw maclear, but he thinkz maybe itz a........ surprise n lng lol...

mom22, preho tyo ng nraramdaman mejo ngpop sa loob ng tummy ko and i think its the move of tha baby..dka ngiisa ako ren feel ko bsta move nya na un lol

tc mga momzy....

mom22
03-10-2006, 08:52 PM
hi mommy kazuna~

laki na rin pla ni baby mo noh??.........laki na tummy mo?
alam mo na gender??? omygod..how xciting!!!
ako nga feeling ko nun girl ngaun ewan ko na, malikot kse cya
bka boy!! haiii....
inggit ako sau!!

nyahahaha~ ilan months na lang! gud luck sa atin!

stay sexy mommies!

muah :*

klaire
03-10-2006, 11:47 PM
laki na baby ko..sbi ko nga sa husband ko paultrasound na kmi pra sure na healthy si baby paglabas nya..

mom22,im sure maffeel na rin partner mo yung mga paggalaw ng baby mo sa 5mos mo..kc 4 1/2 mos ko pa lng dati..naffeel na partner ko eh..likot tlga nya..hehehe..wait til u reach 6 to 8 mos mas malikot pa mga baby kulits na yan..sabay pa yung kmay tska paa nila na gumalaw :cheeky:..hahaha..
bye bye for now..more baby kick stories later!:laugh::banana:

Godbless mommies!

mom22
03-11-2006, 06:09 AM
hi mommy klaire!

hehehe early ako today ah!! naabutan kita! hahaha ~ ok na ung 'chicken pox' mo? mabuti naman at ok kayo ni baby,
i had tests done yesterday sa blood, urine & hepa-b, did you moms also have
that tests? Or what other tests did you do para ma-ensure na
safe and healthy kyo?

Cge gotta go muna!! punta muna ako airport!:up:

ingatz!!!

van

kazuna
03-11-2006, 09:39 PM
hi mom22, yah kuhanan ka ng blood test, urine... ako 9weekz p lng kinuhanan nko then, every check-up ko kinukuhanan pa rn ako ng urine and my bp, weight, ilang cm. ang tummy and so on kung ano mga nkalagay sa maternal book....baba nga ngaun ng bp ko cguro dhil sa pgtulog ko ng midnight na...ilang weekz kna?

mom22
03-11-2006, 09:44 PM
i am in my 19th week, tapos by tuesday next week.........20 weeks na! (5mos):up:
likot na nga ni baby eh! hehehe galing ang kuuulliittt!

klaire
03-13-2006, 02:40 AM
opo..we're ok now..herpes zoster gone!:banana:

yup..i've gone all those tests..and doc said that i have a v***** infection which is common daw sa buntis..binigyan nya lng ako ng gamot..
ayun,,mejo msama pkiramdam ng lola ngyn at di kumpleto ang tulog dahil sa init ng panahon..dagdag pa mga makukulit na pmangkins ko na maiingay,kya yun di ako nkatulog masyado..hai...:tired:

its good to hear ur turning 5mos nxt week mom22! hehehe..kulit na nya noh!hehehe..

Godbless po..ingat po lhat tayo mga pretty and sexy mommies!:sleep:zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz zzzzzzzzzzzzz..................................... ...............

mom22
03-13-2006, 10:21 AM
hi mommies!!!

nku bumibigat na talaga ako....98lbs na ako from 94lbs!!!!

yup, UTI and V-Infection is common, its also because ung bladder natin naiipit then palagi tayo naiihi..........
yup, ako rin, nkakainis ang init ng panahon!! kahapon nga ng nag brown-out punta kami kaagad sa mall at kain halo2x dahil mainit na ang ulo ko! ahahaha

mainit rin ang katawan ko kahit anong gawin ko, ganun din ba kayo?

cge, tc sexy mommies!

kazuna
03-13-2006, 01:15 PM
hi mommies..im now 47.5kg. dati 44..im gaining weight too...

wow halo2!! i miss that! pdala k nga d2 mom vanessa:laugh: buti p jan u can eat wat u want...ako pg sinipag lng ako mgluto ng fil fudz chaka lng ako nkakakain coz hnde kumakain tong bugoy ko! smells stinky daw lalo na ung fishsauce...but wla nmn brown out here lol *kiddin*
i dunno kng mainit b katawan ng buntis..bka sa weather jan? kase mee pg gabi sinisikmura nko, im blooted..d nyo ba nafeel un??! kya punta ko ng fil stores to buy efficascent oil...aun mejo dighay ako ng dighay...

tc mommies!

mom22
03-13-2006, 04:37 PM
hehehehe, sure padalhan kita djan! :)
2big nlang un pag dating sa japan..hahahaha
maybalak ka ba bumisita dito sa phils. anytime soon?
para mkakain ka ng lechon.....dried fish...bagoong etc..........
sarap kaya nun!

ung bellybutton ko nagiging outie na!! ahahaha nkakatawa!
after eating, parang bloated din, pero i just make 'utot' a lot!!!!!!!
hahahahaha :D
secret natin yan mga mommies! hihihihi

ang kinatatakutan ko eh ung mag fat ang fingers & extremities!
kase, i saw one buntis grabe cya naging bloated talaga........

nyay! good luck sa atin!

vanessa

mom22
03-14-2006, 03:30 PM
hi mommies na magaganda!!!

5 months ako today & had my check up........
ok naman results, slightly anemic nga lang daw ako.........
tapos ung baby ko daw malaki na for his age
but the good thing is healthy daw kse mlakas nang sumipa eh!
cute :luvstrk:
sabi ni doc, stay away na daw ako sa too much carb & sugar!!
bka kse daw ma C-sec ako dahil malaki si baby tapos maliit pa ako
imagine 102lbs kaya wt. ko from 94lbs!!!! can u imagine??

hehehe, pero OK naman lahat, happy ako healthy si baby!

cge ingatz mga mommies!

:love:
vanessa

klaire
03-15-2006, 12:49 AM
wow!! its good to hear those news mommies..;)

last check up ko im 54kgs tpos tom na next check up ko ulit..ksi twice a month nako ngyn needs to be check up eh..
5days from now am abt to turn 7mos..hehehe..u knw wat mommies nakakagulat na kng gumalaw sya ngyn unlike before kc mas malakas na sya sumipa ngyn..

hai,pareho tyo mom van sobrang init ng katawan ko..alm mo yung ang lapit n ng fan sayo pro di nmn kc daw pwede yung nkatutok kc dun nkukuha yung pagmamanas..kya pag ngigising ako,tumutulo na yung pawis ko sa likod tska sa leeg..kya naiiyak nako mnsan kc naawa ako sa baby ko,napuputol tulog ko..hai..:cry:..naaawa nga sakin bhebekoh ko eh..pati sya tinutulungan nya ko matulog..

right now,i need to refrain from eating too much sweet and malamig kc mahihirapan daw manganak..kng kelan masarap kumain at uminom ng mlamig dun nman bwal..hai..tiis tiis na lng pra kay baby..

Godbless po..always smile pra always ganda mga sexy mommies!:hah:

mom22
03-15-2006, 03:19 PM
hi klaire....

ung pagmamanas ba, ay ung pamamaga ng extremities ryt??
ano pa ang causes nyan? cz i know salt is the major factor ng pamamanas...
kse it retains water sa body......?
tama ba? cz ngaun marami na akong bawal na food....nakakainis :(
pero, i'l do it for my baby..nyahaha

Van

klaire
03-15-2006, 10:47 PM
yup..ng paa ng daliri sa paa tska sa kmay..
ate ko nagmamanas na sya..
di ko rin alm yung ibang rason ng pagmamanas eh..
basta lam ko lng yung nakatutok daw fan or ac,
kya dapat nkaswing sya lagi..
kc daw mnsan yung pagmamanas umaakyat gang tyan
kya kawawa si baby pag ganun..

just an additional tip..spinach is also good for the baby..:D

Godbless po..tc mga mommies!:p

mom22
03-16-2006, 10:47 AM
ok...........i'll stay away from direct contact w/ our fan!
hahahaha...........
how many months ung sis mo nung namanas cya?!
thanks!

:love:
van

marie
03-18-2006, 01:44 AM
Hi there !!! mga mommy beauties...

mom22,klaire and kazuna

Inggit inggit ako dati sa inyo kasi feel niyo na si baby! kahit di ako magpost binabasa ko naman ang post niyo ! he he he kasi wala po akong maishare na sipa. But now hmmm i feel kicking na rin ang baby ko mga 5 days na, kasi yung 1st and 2nd di pa ako sure but now sure na sure na si baby talaga yun, nakakaliti di ba mga mommies.

I had my ultra sound yesterday at nabago na naman due date ko instead na aug 16 naging 20.Inabot ang ultra sound ko ng almost an hour kasi sa sobrang likot ni baby nakita ko pa habang umiinom siya ng tubig,ang saya masyado daw active si baby sabi ng doktor, ganun pala ang ultra sound he he he ignorante 1st time ko pa lang kase... sinukat nila ang head ni baby ang arm, leg , forehead ,likod ang haba niya.tiningnan din ang loob ng katawan ang heart kung normal ang heartbeat at utak kung nadedevelop tsinek din ang labi kung may biyak......Ayun thank God normal si baby!!! I ask nga kung ano gender ni baby tumalikod naman at nagkrus pa ang leg. Basta sabi ng doktor the important is the baby is normal... pahiya tuloy ako , hindi kasi kasali sa ultra sound schedule ko na tignan ang sex. Kakainis doktor dito, buti pa nga kayo may mga vitamins na iniinom dito mahigpit sa gamot!

Goodluck sa ating lahat na mga mommies enjoy natin si baby habang nasa tiyan pa he he he!!! kausapin daw natin lagi at kantahan para lalo maging close.... Apple and orange juice lalo na pag fresh is good for the baby, and yah spinach is rich of iron.

Have a nice weekend!!!

morrphh
03-18-2006, 04:18 AM
Hello there mga mommies!

Not suppose to post kasi...obvious ba? =)

Gusto ko lang magbasa since my wife and I lost our first baby at hindi pa ulit kami nagplaplano to have another one yet. Kuha lang ako ng maaari kong matutunan sa inyong lahat and share it with her.

That is, kung walang protest kahit 1 sa inyo. =)

Goodmorningandgoodnight!

mom22
03-18-2006, 11:06 AM
hi morrphh!

anyone is welcome in this forum! you can post anytime!
i'm so sorry to hear about your loss...you loss your baby while
inside your wife's tummy?
i almost lost my baby nung few weeks pa ako pregnant,
buti at naagapan....

anyway..post ka lang ulit!
hope we can help your wife in any way!

ingatz

kazuna
03-18-2006, 05:49 PM
hi mga preggy momz* musta ang pregnancy nyo?

@mom22,tnx sa halo2! pg dumating d2 at tubig n lng kuha n lng ako sa labas nmen ng yelo lol..

@mom marie, im happy for you at nafeel mo na ren ang movement ni baby mo..and its normal dn nmn kng late mo na mafeel ung movement,lalo n kng first pregnancy..like my friend same kyo ng due but until now d pa rn nya nafeel it,meron kz cnasabi na malaman dw kz ang chan or malaki ang patubigan kya late na mafeel ung galaw ni bunchoy, ung iba nmn sisik dw kz kya mbilis mafeel and mejo d ganong lalaki ang tummy..
where u from nga pla? same here in japan d cla ngbibigay ng medz for pregnancy and tinanong ko khit vitamins d daw pede at wag na wag daw akong iinom ng gamot...try ko tinanong ob ko sa pinas and he said na ganun dw tlga here sa japan kase healthy ang mga foods na kinakain and fresh so kya hndi cla ngbibigay ng medz..tama nmn dhil msyadong strikto cla pg dating sa food na kinakain nila d tulad sa pinas lol

@morrphh, im sorry to here bout what happen to ur wife,its common sometimes sa mga womens un, like meeh i experienced missed miscarriage, ung alam kong tha baby is ok inside my tummy, no bleeding or pains i feeled and nung ngpacheck ako, 2weekz na plang wlang heartbeat c baby...... but dont u worry dadating ulet yan and im sure healthy pregnancy to ur wife na...like ng pgbubuntis ko ngaun=) bsta tutok ka lng here at marami kme maiadvice sayo lol


godbless momz!

marie
03-19-2006, 06:02 PM
Helow everyone!!!!

@morrphh...... sori to hear bout your baby, tama si kazuna its normal na mawala si baby siguro hindi pa para sa inyo.

Kazuna alam mo ba na yun ang fear ko na baka walang heartbeat si baby, nag end lang nung maultra sound ako at makita ko na gumagalaw at sobrang likot niya. Kasi marami ako kakilala dalawa sa officemate ko b4 na nung nagpacheck up walang heartbeat baby nila kaya di nawala sa isip ko yun. Nagbiro pa nga sila eh kumbaga sa itlog bugok daw! Ayoko mangyari sa baby ko yun?But now nakarelief na ako, at sabi kasi ng doktor after 12 weeks of pregnancy safe na raw si baby.

Andito ako sa Sweden, yah talagang sobrang higpit nila sa gamot dito. Grabe sobrang hirap ko dati kasi wala ako gamot sa vomitting sa sakit ng ulo, pumayat talaga ako kasi everyday and whole day wala na ako ginawa kundi magblow. 14 weeks lang ako feel ok at nakakain ng maayos at hanggang ngayon lamon na ang gingawa ko , bawi ako sa 3 months na hindi nakakain. Isa pa ang dami pinagbawal na pagkain sa akin dito i have a list.
Mga mommies:
Ganun pala ang feeling pag nafeel mo na si baby at nakita kahit sa ultra sound lang nawawala yung takot mo sa panganganak he he he. Bigla lumakas ang loob ko,parang lahat ng sakit eh makakaya ko basta makita lang siya, he he he kakaexcited kasi.

Ok doki! see yah mga beauty moomies.

kazuna
03-19-2006, 10:42 PM
hi Marie,

lam mo gnyan din ako until now may fear pa ren..everytime nga gigising ako lgi kng check ung breast ko kng masakit or observe ko kng gumalaw c baby sa buong araw, di ko na maiwasan mgisip ng kng ano pero im happy nmn dhil everyday nmn syang galaw ng galaw...but ang tha best thing tlga is to PRAY* yan ang wag na wag nting kalimutan, to say thank you for tha blessing He gve to us...and nagiging ok nako kpag tumatawag ako sa knya..

basta wag na tyong magisip ng kung ano! lets enjoy our pregnancy kz nkakasama din ky baby ang sobrang ngiisip or fears...and im happy for u dhil likot likot ni baby mo(= hndi b ngbgay ng video tape jan na recorded ung ultrasound mo, pra khit sa bhay ka mpapanood mo sya?

klaire
03-19-2006, 11:03 PM
hello mga mommies!!! namiss ko po kyong lhat..
3 days ako nwala dito sa forum ah..hehehe...
ikinasal po kc kmi husband ko kya naging busy ako dis past few days..
di nga ako pumasok eh..hehehehe...ayun ok nmn po, by God's grace..

@morrph..isa lng po ibig sabihin nun kng nwala 1st baby nyo..
may plano si God which is mas mganda,
im sure na bbgyan nya kyo ng baby na mas healthy sa susunod..
just kip ur faith in Him and always pray..:angel:

@mom22..ate ko nagstart magmanas 6mos po..
buti na lng di ko po nararanasan yun ngyn..
7mos na po bby ko sa tues..weeeheeee...:laugh:

@momkazuna..di ka po ba nahihirapan sa lamig jan?
buti ka pa di mo na klangan magfan or AC kse lamig na jan..hehehe
pwede karin gwa halo-halo kulang na lng ingredients..hahaha

@mommarie..nkakatuwa pag naffeel mo na yung first movement diba?
kala mo mga lamang-loob yung gumalaw pro baby na pla..hehehehe..
later on mas madalas na yan..

ayun,my kwento ako,natakot ako khapon ng umaga kc usually pag gumigising ako gumagalaw na rin baby ko..
pro dis tym di ko naramdaman paggalaw nya..
may ubo at sipon kc ako ngyn kya
mejo hirap ako sa paghinga..kya kala ko naapektuhan si baby..
thank God kc after an hour,gumalaw na sya..
kinabahan tlga ako..nsabi ko nga sa mama ko eh,sabi nmn nya bka
tulog pa sya kc d day b4 yesterday npagod ako sa pagaasikaso
sa mga klangan pra sa wedding nmen..hai..
tom magpapachekup ako OB ko bout sa ubo and sipon ko..

cge po mga mommies..tc and Godbless! :hah:

kazuna
03-20-2006, 12:23 AM
hi mom klaire*

first, CONGRATZ and Best Wishes on ur Wedding..mukhang biglaan ata at dka naginvite? lol *kiddin*

newei, d nmn msyadong mahirap,sanayan lng and beside my heater nmn sa loob ng house kya mainit p ren, un nga lng wag lng lalabas sa lbas kz prang pumasok ka sa malaking ref almost -2degrees sa lamig hihihi...but its already spring now and d na ngsnow yipeee*

u knoe minsan den dko msyado feel ung movement ni baby mejo mahina kya takot ako pero inisip ko na lng maliit p nmn sya kya dpa gano kadalasan ang move nya not like ur baby almost 6mnths na right? laki na! kelan first kick nya?
good luck on ur check tom. and get well soon!

marie
03-20-2006, 03:17 AM
Congratz Klaire.... ayan may pangalan na si baby after birth.

Kazuna malamig nga dyan sa japan! pero dito sa sweden grabee din ang lamig hanggang nagiisnow pa rin laging -8. kakatakot one time kasi sa labas ng school muntik na akong nadulas , madulas kasi yung snow na naging yelo. Nagcrams nga binti ko ilang beses na at napapaiyak ako sa sakit gawa siguro sa sobrang lamig.

May napapansin ba kayong kakaiba sa dibdib nyo? sa akin kasi medyo basa ang nipple ko then pag medyo pinisil ko may tubig at pag natuyo puti he he he sabi ni hubby gatas, ang aga naman! At isa pa pinagtataka ko , kasi malamig dito sa sweden pero bakit nagpapawis ang under arm ko, may connection ba yun sa pregnancy?

Walang ibinigay na video kasi hindi ako nagsabi picture lang, pati nga gender ni baby hindi ko alam, hindi kasi kasali sa ultra sound ko yun, huli na ako nung magtanong , pero alam nila ang gender hindi lang sinabi. Ganun daw minsan yung mga doktor dito pa suspense epek! Sabi kasi ng mader in law ko at yung mga kaibigan ko alam at nakikita na sa ultra sound, kung yun daw loob ng katawan ni baby nakikita yun pa kayang nasa labas.

Ang likot talaga ni baby sobra , pag sumipa nga eh tawa akong magisa kasi nakikiliti ako, ang sarap kasi sa pakiramdam na may buhay talaga na gumagalaw sa loob ng katawan natin!

O xia napahaba na ! more stories to hear from you mga mommies!

Tips na lang kung magpapaultra sound kayo at kung hindi pa nasabi ng doktor niyo.
Dapat 1 hour before ng ultra sound niyo bawal ang umihi. Why? para puno ng tubig ang bladder at dun mapunta at lumabas yung sound .

mom22
03-20-2006, 04:53 PM
20 weeks & 6 days today!!!:love:

hi mag mommies!! dumadami na rin tayo dito ah...........:D saya naman!!

@marie - pareho pla tau,ngaun kain na ako ng kain kaya bumabawi na sa first 3 months na hindi ako halos kumain! ahaha kaya nga sabi ng doc, bawasan ko daw ung carb intake ko.......
@kazuna - tama ka, dapat hindi tau magisip ng masama..........kse, kahit anong mangyari will un ni lord....dba?
@klaire - congratulations sa kasal!! mabuti ka pa.ako kse hindi pa eh...hindi pa handa! bata pa kse ako, 22 pa and then feeling ko di ko pa mkakaya.....kaya we decided not to rush nalang into it....

hmmmmmm...lito na ako sa due dates, ako july(5mos ngaun), si mom kazuna mag 5 months na rin yata!? ryt? tapos si mommy klaire ang nauna sa atin lahat dahil 7 months na cya!
mom marie? 4months ka rin ba?!

tc mommies!!

klaire
03-20-2006, 10:40 PM
thanks sa inyong lhat!

@momkazuna..7mos napo ako..first kick nya nramdaman ko nung 4mos plng sya..

@mommarie..buti kapa may lumalabas na gatas na syo..
ako,kinakabahan kc wla pa lumalabas sakin eh 7mos nako..
hopefully meron nmn pag lumabas na si baby..

@mom22.. dpat nga di pa ngyn ksal kya lng we need to cut the sin that
we have done and klangan mlegalized na pagsasama nmin..aku din po bta pa..am only 21..
prepared nako i think,kc andito na rin si baby eh..hehehe..

nga pla bout s checkup ko knna..
i gained 3kgs from my last checkup..57kgs napo ako..
mejo hinay hinay na daw sa pagkain sbi ni doc..
sa ubo at sipon nmn bngyan nya ko solmux..

hai..2mos na lng po mnganganak nako..wahahaha!
ntatakot ako na naeexcite..:-X:umm:X)

cge po mga pretty mommies..Godbless!

marie
03-20-2006, 10:54 PM
Hellow mommy beauties!!!l

Kakagulo nga ang due dates hindi pareho, after check up iba na naman ang sinasabi ng doctor na due date kasi ibinabase nila sa laki at gulang ni baby! supposed to be 19 weeks n 4 days na ako but after my ultra sound nagbago na naman kaya 18 weeks na naman ako he he he kakalito! But its ok baka mabago na naman next na check up ko, am lucky kase at 17 weeks na fefeel ko na si baby.

Mom22 : Sabi sa akin ng doktor ko na sa pagsapit ng 4 months above matakaw daw talaga tayo kasi lumalaki na si baby at xiempre dalawa na tayong kumakain. Sabi nga eh (you are going to eat like a horse!) he he he kaya nga sobra takaw ko mas marami pa nga ako nakakain kesa sa asawa ko.




kazuna : i dont know kung gatas nga im not sure eh pero siguro nga he he he medyo napaaga siguro! Mahilig kasi ako sa sabaw.

See yah !

mom22
03-21-2006, 11:50 AM
hello sa lahat ng sexy mommies ehehehe!

mom marie........ano madalas mo kainin? kase ako i can't stand the smell of poultry......or sometimes meat! except lechon hahaha!! i think i'll try cooking pasta later pag nka groceries na ako kse i read somewhere of a good recipe to have, combination of spinach and tuna, so may folate cya and protein:up:
kaw? may suggestion ka?
mom klaire, ako din eh un ang initial plan namin ng sweetie ko, but we both are not ready eh, mabuti ka at u are, ako kse ang may stable job sa amin dalawa, cya kakastart pa lang.......plan namin is feb2007! Well, na condess na namin ung sin eh, besides wer not living in man so it's ok i guess..un ung prayer ko evrynyt,na hindi si bby ang mag suffer sa kasalanan namin......but i know babies are a blessing kya ok lng yan.
kakayanin namin toh! ehehehe
ano tips mo sa pag plan ng wedding? how much kaya do we need to save for it?!!
thanks in advance! and congrats again!!

vanessa

kazuna
03-21-2006, 03:14 PM
hi mommies!

uu nga mom22 nkakalito mga due dates nten and i think sabay2 tyong mawawala pag labas ni baby lol but wait, hnde ba kyo sinisikmura bgo mtulog? 2 nights ng sumasakit sikmura ko and i dunno y? and ok bng uminom ng lemon tea? bka kz nalalamigan sikmura ko kya inom ako ng mainit..

anyway, ur planning ur wedding nex year too? were planning too but not really sure kng mgkasya savings nmen and ofcourse baptismal ni baby pra isang uwian n lng..lam mo nmn plane ticket sobrang mhal and i think khit new born baby half ng adult ticket..

wedding cost* depende sau kng anong gsto mo to ur wedding, kng simple lng d nmn cguro abot ng ganong kmahal and ingrande like nginquire ako sa diamond hotel coz dun ako ngdebut and dun n lng dn sna ang wedding.. worth of 500thou plus my wedding planner na un but dpa ksama ang wedding ring nyo...pro dun na rn kyo ikakasal ng bishop coz in my case my partner is not a catholic wla clang religion so kailangan nya pang mgpabaptize sa church pra pwede sa church wedding and my seminar pa dw na abutin ng 3mnths and hnde nmn sya pede mgstay ng mtagal sa pinas because of his work..
so,sure kna ba on feb 2007?

@momklaire,magkano ngastos mo? share some tips nmn jan smen ni mom vanessa..and ilang mnths or year mong pinaghandaan? hirap kz ng rush dba? den malayo pako sa pinas..lyk my debut b4 pinauna ko n frends kng mgpractice ng cottillion for 3mnths but ng stay lng ako sa pinas for 1 and half mnth buti nkabisado ko ang step for 1mnth..




*visit my page.. http://www.xanga.com/mz__anna

mom22
03-21-2006, 05:34 PM
mommy ann!

checked out your site...your really a pretty mommy! ehehe
ah, well lahat tau dito :up:
pareho pala tau, planning to get married pa! tentative ung feb2007.
kung mkakaya ng budget pwede, but kung hindi pa talaga ready, financially & emotionaly we will not rush into it!
checked your xanga! you inspired me to make my own weblog, parang diary ko na un sa important happenings sa baby ko & my pregnancy!!
ehehehe

tc

Mommy Vanessa

kazuna
03-21-2006, 06:45 PM
hi mom vanessa!

hope maayos nten our upcoming wedding hihihi (kla mo tyong dalawa ang ikakasal lol)

anyway, join xanga..tutal u luv making post and ur active sa mga words lol..create ur own weblog...ako un lng libangan ko 24/7 in tha house lol

if u want i can teach u how to design ur page...come on* join xanga...

mom22
03-21-2006, 06:56 PM
mom ann..........

nyahahaha i started my blog kanina!! uhmmm...can you still check it out ?
ehehehehe.....

try mo daw kung makita mo, ang teach me to make it beautiful.......

thanks!!

http://www.xanga.com/vannie_22 (http://www.xanga.com/vannie_22)

kazuna
03-21-2006, 07:38 PM
i saw it already..mejo my pgkasimilar ang colors ng blogs nten lol
anyway, tell me what do u want to learn and ill teach u...

ur welcome!

mom22
03-21-2006, 08:09 PM
hihihi ganun ba?!

un kase standard style ko sa myspace & friendster ko....................:up:
hmmmm...meron ka din nun ryt?
hindi pa kse lahat ng tao alam about my pregnancy, kaya hindi ako mka post
sa friendster & myspace.............dito nalang sa kuro and ofcourse xanga! ehehehehe
bago kong hobby!

add mo ako sa friendster!!
vannie_gwapa@yahoo.com

c yah!!

klaire
03-21-2006, 11:05 PM
hellow po mga mommies!!!

we just had a civil wedding..di pa po church kya mejo rush..:umm:
and family po ng asawa ko yung gumastos..
kya i don't have any idea kng magkano po ngastos..
but we're still planning to have a garden wedding someday..
hehehe..pagiipunan plang nmin..

sayang..blocked yung xanga site dito sa office..hmp!
di ko tuloy mview..

mga mommies,may npansin ako na pagbabago regarding sleeping ko..
sobrang antukin nako ngyn..
di na gya nung 1-6mos, ok lng kht di ko narereach yung
7 or 8hrs of slip..ngyn,almost 8hrs na tulog ko antok
parin ako..hai..

cge po..Godbless and tcare sa inyong lhat!:cheeky::p

klaire
03-21-2006, 11:07 PM
add nyo din po ako sa friendster

klakpr_1116@yahoo.com

btw,real name ko po is klarence..:wink:

mom22
03-22-2006, 09:01 AM
nice to meet you klarence! :)

added you na, my name dun is "VAN"!
ehehehe........bka you need more rest na talaga dahil nga
getting bigger na si baby, pero i dunno eh, hehehehe
as mo nalang sis mo? ganun din b cya?

balitaan mo lang kami!

vanessa

klaire
03-23-2006, 05:46 AM
cguro nga..cge tanong ko sya..
di ko pa nccheck frenster ko..bka mya..hehehe

cge po..Godbless! ingat po sa inyong lahat..:p

kazuna
03-23-2006, 04:27 PM
hi mga mommies!!

hi mom klarence, i dunno kng isa sa changes dn ba ang pgsleep twing pregnancy? bka ngkakataon lng? kase ako nmn evryday laging 8 to 10 hours of sleeping hihihi and same with u umaga nako natutulog around 3 to 4am and gsing ko na mga 130pm..bka ngkataon lng and u dnt need to worry coz good nmn ang sleeping for pregnant mommies..

add dn kta sa friendster ha.. Anna nmn po name ko*

hey mom vanessa, recieve my comment in xanga?

mom22
03-23-2006, 04:34 PM
hi mommy ann.........

yup, read it already, thank you ha!! touched naman ako
hihihi :D
nag comment rin ako sau dun!! ehehe
grabe likot ni baby ngaun!
i was able to buy the book 'what to expect when you're expecting'
its supposed to be good.......i will start reading tnyt na! ehehe

vannie

kazuna
03-23-2006, 04:52 PM
hi van,

rmember tha night we chat together? mga around 2am i feel tha babys move soo strong, i dunno ang likot likot nya that night and i thought bka sa soymilk na ininom ko b4 i go to bed..everytym tha baby moves,nkakagulat noh? npapagalaw dn ba ung ktawan mo sa gulat?hihihi ohhh ryt now my BEBE moves wow! *smiles*

anyway, ngaun ko p lng open ung blog ko..tnx dn ha..prang sharing stories tyo eheheh..



anna*

mom22
03-23-2006, 05:02 PM
hehehehe...ang cute naman!! likot ng babies natin ngaun!
yup, npapa dilat ung mata ko! ahaha :luvstrk:
sometimes, napansin ko lang, the baby would move around especially kung hungry
ako..........hahaha...para ba its saying na 'feed me'....hahaha takaw ni baby!

van

kazuna
03-23-2006, 05:24 PM
ahahah exactly! kaya nga sbi ng partner ko kawawa dw ako kz pag dko pinakain c baby, she gonna KICK me ahahha..


anyway tc!


anna*

mom22
03-23-2006, 05:51 PM
she gonna KICK me ahahha..

anna*

she??!! hmmm.................ehehehehe!!

kazuna
03-23-2006, 05:54 PM
bwahahahahah..SHE means.....she and he pinagsama lol

kaw ha! its already secret pa so be quiet! ahahahahahahaha

mwuah*

mom22
03-23-2006, 05:59 PM
ehehehehehe okie secret muna!!
*wink*

tulog na yata si baby koh, hindi na gumagalaw eh...
ehehe....

*hugs*

klaire
03-23-2006, 09:36 PM
hello hello mga mommies!!

momAnn and momvan..di ko pa po nccheck frenster ko..
blocked site kc dito sa station ko eh..kya di pwede
access..

ai nako..antukin napo tlga ako..i really can't help myself when
my work time reaches 3-4am..pumipikit tlga mata ko..
buti nga di ako nahuhuli dito na natutulugan ko
konti yung mga kols ko eh..hehehe..
kumpleto nmn tulog ko tlga..cguro nga pag gantong stage na..
ganun na tlga..

wow!buti pa kyo nkakapag xanga..
mhilig pa nmn ako sa mga ganyan..

btw,my baby's moving right now..hahaha..
lakas nya na tlga gumalaw tska sumipa..
makikita tlga na gumagalaw yung tyan..
natatawa nga mga officem8s ko eh kc nkikita nila
gumagalaw tyan ko..hahaha

cge po..ingat po and Godbless! :p

kazuna
03-23-2006, 09:45 PM
hi mom klaire..ok lng un bsta naadd ka na nmen...
kainggit k n nmn and as my advice kng d mo na tlga kayang mgwork dnt force urself kz bka mkasama sa pregnancy mo...

anyway, i want to ask u kng kelan mo nafeel first KICK ni baby mo? i knoe its around 5 to 6 they say, ung really strong kick tlga? and u knoe tha exact dates when?

im confused...hope all of you can help me..

klaire
03-24-2006, 03:32 AM
im not really sure bout the exact date pro 5mos na nung mlakas sya sumipa..
then lalakas pa if u reach 6-7mos..:laugh:hehehe...


cge po..ingat and Godbless!:luvstrk:

dkekai
03-24-2006, 11:21 AM
hello!!! matagal na ako dito... pero di lang ako nagpopost kasi nahihiya ako hehehehe. 7 months preggy na ako... next week 8 months na. kunti na lng hihintayin ko lalabas na sya. sa may 4 ako nakashcdule na hiwain hehehe. CS po kasi ako. hindi ako pede inormal kasi last year naoperahan ako sa left ovary. kaya di daw ako pede magnormal at baka bumuka yung tahi ko. kaya eto lakas ng loob kumain ng kumain kasi CS naman. medyo anemic din ako kasi last month nabiktima naman ako ng dengue. swerte at naagapan at di na ako nagbleed. safe naman daw ang baby ko. kaya di sya maapektuhan ng dengue. en 6 motnhs na sya en develop na. grabeh yung naranasan ko nung nahospital ako. gusto ko na sumuko at iniisip ko baby ko kasi naiinitan sya... kasi taas ng fever ko. at nagtatangkang lumabas yung baby. pero mabuti na lng love ako ng baby ko. hihihihi ngun galaw sya ng galaw sa tyan ko. parang may lumalangoy. nakakatuwa. sige hanggang dito na lang muna masheshare ko. take care mga mommies!!!

mom22
03-24-2006, 12:45 PM
hi mommy dkekai!!

congratulations sa bby mo!!! :D wow malapit ka na.......excited k na ba??
first baby mo rin? kase karamihan dito, first baby eh......
alam mo na gender ni bby?
grabeh rin pla pinag daanan mo noh? buti nalang safe si baby, kse un lang ang
important!! kaya kain ka lang djan para tabaching-ching si baby!! *cute*

cge, ingatz ka ha at ingatan mo si baby!!
keep on posting:up:

tc!

dkekai
03-24-2006, 06:43 PM
uu sobrang excited na nga ako... sa sobrang excited minsan may pagkanega na ako at praning hehehe.. pag di gumagalaw si baby... nagwowory na ako. kaya lagi ko kinakausap sabi ko galaw galaw sya palagi. madalas sya gumalaw pag nakahiga ako ng tagilid. first baby ko kaya super ingat at praning ako. mahirap lang kasi ako lang magisa. kasi yung asawa ko nasa japan. dun sya nagwowork. kaya pag pupunta ako sa doctor ko.ako na rin nagdadrive hehehe. like nung iconfine ko sarili ko sa makati med. ako rin nagdrive hehehe hinang hina na ako pero kinakaya ko talaga. ang layo pa ng bahay ko kasi taga cavite ako. pro happy na ako nung gumaling na ako. hrap magchill en fever. kala ko susuko na ako. minsan iniisip ko... si baby ko nagsave sa akin sa dengue.. kasi kung hindi ako buntis.... at nilagnat ako... di ako magpapadala sa hospital.... kaya nga nung after ko lumabas sa hospital... ilang araw lang... may namatay naman na bata dito sa amin dahil sa dengue.... naiyak ako.... kasi yung sa bata di naagapan. akala lng kasi ordinaryong lagnat lang. kaya sabi ng doctor ko swerte daw ako at lumaban daw yung katawan ko sa dengue kaya di na ako ng bleeding. kaya ngun super ingat na kami dito sa bahay namin. pag hapon super lagay ako ng off lotion. at araw araaw linis ng bahay. mahirap ng madale pa ulit. mom22 ty sa pagreply mo sa akin ha? natuwa talaga ako hihihihihi. nga pala.... may tanong ako. meron ba kayo vaginal discharge? yung puti. kasi ako meron minsan... lalo na pag naglalakad ako ng malayo. kunti lng naman.

dkekai
03-24-2006, 06:50 PM
ay nga pala ang gurl po ang baby ko!!!! kaya ayun!!! asawa ko tuwang tuwa. may prinsesa na daw sya hihihihi. malungkot lang sya kasi di daw nya nakita yung tyan ko habang lumalaki. pero uuwi sya dito sa araw ng panganak ko. manonood daw sya habang hinihiwa ako. pero di ako takot sa hiwa..... takot ako sa anesthesia sa spinal cord wwwaaaaaaaaaaaaaaaa

mom22
03-24-2006, 07:16 PM
hi mommy dkekai!

wow, grabe fighter ka talaga! dba 2 hour drive ang cavite??
i'm glad OK ka na, kawawa naman ung namatay sa dengue.........
walang kalaban-laban ung bata, hindi mo kase mapapansin, malala
na pla fever mo kala mo wala lang!
Sana wala nang problema, once month nalang po!!
Si mommy kazuna, she's from japan din!
tagal na ba asawa mo dun? kawawa naman cya, hindi nya ma-feel ung kick ng baby!
ehehehehe ngaun nga eh, ung bby ko malikot!
pareho pla tau, paranoid & praning minsan!
wow....baby girl!! ang *cute*......ako kaya noh?? hindi ko pa kase alam eh!

yup, meron din ako whitish discharge, normal lang po un! :D nabasa ko sa book.
ingatz ka lage ha?!
huwag ka nang mag ddrive, bka mka sama sau!! ehehehe

mom vanessa

marie
03-24-2006, 11:44 PM
helow there again!

Ang saya saya naman dito, puro sipaan ang usapan he he he!
Kakatuwa nga talaga pag sumisipa si baby minsan hindi lang sipa pati kamay isinasabay! Honga noh! pansin ko rin pag gutom ako andun din si baby ang likot likot niya, ganun din pag nadyedyingel ikot siya ng ikot. Sa skul nga pag kumilos siya napapangiti ako at medyo napapaliyad.
Nahihirapan lang ako ngayon maglakad kasi sa sobra lamig dito ang tiyan ko eh tumitigas. Nalalamigan siguro si baby he he he!

Vanessa ... sabi mo b4 spinat with tuna? Ipinagbawal s akin ang pagkain ng tuna at salmon eh! pati na rin yung mga isda na galing tubig tabang or fish pond dahil sa nakakain sila ng lumot at putik!
Masarap ihalo ang spinach sa monggo, sa sinigang haluan mo na rin ng carrots! Maglaga ka na rin ng brocoli sawsaw na lang sa toyo, parang wierd noh, expirement na lang na pagkain pero masarap yan kasi yung mga rich sa iron eh .Tutal nasa pinas ka na rin malunggay is replacement lang ng spinach wala kasi dito eh. Mas marami yata ang frozen vegetables d2 kesa fresh. White beans mga nuts ang pinapakain sa akin dito kaya nga siguro di na sila nagbibigay ng vitamins dito, dahil pipilitin mo talaga ang sarili mo na kumain.

Luv yah ! Mga mommies ...gawa pa ako ng homework.

klaire
03-25-2006, 12:05 AM
elow mga mommies!

@momdkekai..wow! kaw pla supermom eh..
kng my superwoman,syempre my supermom at kaw yun! hehehehe...
buti nkaya mong idrive sarili mo papuntang makati med..
galing galing nmn..hanga tlga ako syo..
and thank God nkaligtas kyo ni baby sa dengue..
buti n lng nsabi mo yan,ksi di ako aware ngyn na mejo
nauuso pla ang dengue..tanks!

u know wat moms! npapansin ko, na kpag knakausap at cnsabihan mo
baby mo na be strong at khit magkasakit si mommy
wag sya susuko,lumalaban tlga si baby..
kasi kht ako nung nagka mild chicken pox ako tska
yung ubo't sipon, indi ako nagkalagnat..
kht nhihirapan ktawan ko nung mga tym na yun,
si baby galaw pa rin ng galaw..
tska syempre dapat sasamahn lagi ng prayer pra
anjan lagi si Lord na magaalaga satin
at magbabantay..:luvstrk:

momdkekai..una ka pla sakin ng 3weeks..hehehe..
gudluck po..naku,natatakot nako sa panganganak ko..:x

bye mga pretty moms! Godbless!:cheeky:

klaire
03-25-2006, 12:49 AM
mom marie..nga pla nkalimutan ko kwento sayo anjan din yung
ate ko na buntis..sa stockholm sila ng husband nya..
cnisipon daw sya ngyn..ayun,lamig nga daw jan..

ingat po mga mommies! Godbless..:classic:

dkekai
03-25-2006, 09:27 AM
@mom22
salamat sa reply ulit heheheh mga 1 hr ko lng na drive ang makati med from cavite. kasi binilisan ko na, at nagskyway na ako hehehehe para derederetso lng takbo at di na maabala pa sa traffic. di ko na nga nagawang dumaan ng gasoline station sa pagmamadali. kaya ayun nung sinundo ng tyuhin ko yung sasakyan sa parking lot,(wala kasi free parking dun) naubos na daw gas at kailangan pang itulak hehehehe. asawa ko 5 months pa lng sya nagwowork sa japan, pagkapanganak ko at naasikaso na namin ng baby ko yung visa namin, susunod na kami dun. kasi baka mabaliw yun sa sobrang lungkot. naawa ako. ilang months na pala ang baby mo? anywasy, di ako makapangako na di na magdadrive kasi wala ako ibang maasahan dito kundi ako lang... :-( ayaw ko naman magtricycle kasi matagtag. pasaway mga tricycle dito... makadrive lang la na pakialam kahit sabihan mo na dahan dahan lang. di bale nagdadrive lang naman ako pag may impt naasikasuhin at pupunta sa doctor.

@klaire
nabasa ko na dati na nagka mild chiken pox ka. lam mo ba bago ako mabuntis yan ang kinatatakutan ko nuon. kasi last yr nung inoperahan ako.. lahat ng tao sa bahay namin nagkachickn pox. en since na may sugat ako bawal ako magkarun, (di pa kasi nagkakiachicken pox) kaya ayun nakitira muna ako sa haus ng friend ko. kaya nung nakarecover na ako sa operation ko. punta ako sa doctor ko at nagpavaccine ako. kasi praning nga ako. at gustong gusto ko na talaga magkababy. kaya pinaghandaan ko na. ang hirap magkaskit pag preggy... ako nga nung nagkafever ako... parang sinisisi ko sarili ko na di ko inaalagaan sarili ko. pasaway na lamok pala dumale sa akin. ako pa nagpagtripan!!! malapit ka na rin pala manganak!!! hehehe saya saya nu?? di na tyo makapaghintay!!! weeeeeeeeee

mom22
03-25-2006, 11:40 AM
hi mommies!!

ehehehe..ok lang yan mom dkekai! ofcourse reply ako agad! alam mo naman, tayong mga mommies eh. sobrang excited lage, simple kick lang or hindi pag kick ni baby gusto natin i-kwento sa lahat!! ahaha i guess ok lang naman ung driving basta short distances lang, i read kse sa book na pag 1 hour + na ung trip then ur in your 3rd tri na, whether or not kaw ang nag drive or not, dapat you stop & rest for a while, or you shift around sa seat...yah, mas grabe naman talaga kung tricycle..ehehe! bka maka anak ka ng di oras!

mom marie, yah thanks ngaun ko lang na read bout sa tuna, ang alam ko kse ung bawal sa buntis food that are raw or barely cooked, like (my fave) kinilaw, sushi, uncooked clams & oysters. ung seared tuna or salmon..........bawal din pla? cz i got that recipe sa isang pregnancy magazine eh...........now nalilito na ako!! pwede b ung tuna or not? fave ko pa naman un! :(

help!!

mom vanessa

dkekai
03-25-2006, 01:37 PM
wwoowwww ang bilis talaga magreply hehehe alam mo pareho pala tayo ng hilig sa food. pinagbawal din sa akin ng doctor ko yan. pero pagkapanganak ko... yari sa akin yang mga pagkain na yan heheheh pero di ba sabi nila ok daw yung tuna kasi sa iron. di ko sure ha! gawin mo na lng sinigang. para lutong luto. meron pang gulay hehehe nga pala... yung mga malalamig po? bawal din ba sa buntis? kasi araw araw ako naghahalo halo... at cold water. ang init kasi eh... waaaaaa

mom22
03-25-2006, 04:52 PM
waaaahhh..pareho pla tau, halo2x lang palagi hinahanap ko!! ang init kase.......
i don't think ung malalamig is bad for us, its the sugar content of halo2x ung bad, dba? kse nkakataba! ahahahaha pero di naman prob mo un dba? C-sec ka kse, ako i hope hindi C-sec kse hindi ko yata kakayanin! Also, mas gastos pa un!!! nyahahaha

van :love:

dkekai
03-25-2006, 07:17 PM
hehehe ganun ba? kaya nga pag bumibili ako ng halo halo di ko na pinalalagyan ng sugar hehehe. minsan nga natutukso na ako magsoftdrinks. di talaga ako nagsosoftdriniks pero sa sobrang init gusto ko uminum. pero nakakatawa kasi tuwing magtatangka ako bumili ng softdrinks sa tindahan, wala daw sila malamig!!! nyahahaha

klaire
03-25-2006, 10:10 PM
hehehe..ako nmn mnsan mnsan lng ako umiinom ng softdrinks
tska knti lng pag umiinom ako..ksi pag daw palaging softdrinks
magkaka-UTI baby paglabas..bout sa mlamig tska sweets nmn,
mbilis daw ksi mkapagpalaki kay baby yun..

@momdkekai..c-sec k nmn eh kya ok lng kmain ka ng mlamig..
hai nako halo halo na yan..gustong gusto ko kmain kya lng
pinagbabawalan ako..ksi nga mhihirapan daw ako,lalo na pag normal..

@mom22..prang nbasa ko na tuna is good..pro nalilito na rin ako eh..
hehehe..sabi nga rin,liver is good din daw for preggy moms..
tpos sbi nmn daw doc ng ate ko di nmn daw mganda..
nu ba yun?!:rolleyes:

gudluck gudluck na lng po satin lhat..kya natin to!
hehehe..excited nako,pro ntatakot ako sa pnganganak..:-X

Godbless po moms! :luvstrk:

kazuna
03-25-2006, 11:08 PM
halowww mommies! welcome mommy dkekai(=

wow! dumadami na tyo here..and sna more mommies to come and share their stories**

teka lng...who said bwal ang Tuna for pregnancy eheheh kiddin* I knoe tuna is good!! alam ko Mackarel and Salmon ang bwal...kase mackarel fish,whales are mercury fish and un ang tlgang bwal sa pregnant woman..(nung dko pa nga lam na preggy ako i ate whale sashimi hihihi) and salmon, its good to eat nmn but not often kz salty sya..not really bwal but dnt eat more often, paminsan minsan lng..and raw fishes is ok too like sashimi here.. d nmn sya pnagbabawal but paminsan minsan lng.....bsta dnt forget to put wasabi pra iwas sa poison...

and what else..ung raw squid yan ang bwal tlga kz daming bacteria kng di mo icook..and sabi din here dont eat too much sa mga fast foods na puro un ang kainin mo like burgers.....and sometimes u can eat nmn some foods like,,,ice cream, chocolate, instant ramens, colas, coffee but wag mdalas.....and yes, curry is good too, spicy food is good!

Try Asparagus too..Spring here, so month na ng asparagus hihihi

Wow Im 20weeks now..Im soo excited sa mga mangyare this mnth..like kicking, the babys gender... wat else...hmmm??


ok mga mommies...send more stories**
buhbaizzz!!

dkekai
03-26-2006, 10:29 AM
@klaire
hehehe ganun ba? takot lang kasi ako. saka ewan ko ba... yung mga ayaw ko ng dalaga ako... yun ang gustong gusto ko ngun hehehe. mommy klaire pag may kumain sa inyo ng halo halo.. makitikim tikim ka na lng hehehe.

@kazuna
waaaa yun ba ang dahilan kung bakit kailangan may kapartner na wasabi ang sashimi?? para iwas poison? wwoowww!!! ang galing!!! kasi nung nandyan ako dati hate na hate ko yung wasabi. ang sakit kasi sa ilong. hehehe simula ngun sasamahan ko na ng wasabi yung sashimi. tiis tiis na lng hehehehe weeeee 20 months ka na? mafefeel mo na si baby nyan!!!! ako 20 mnths ko rin nung na feel si baby ko.

kagabi grabeh yung nafefeel ko.. pag gumagalaw si baby. push nya ata yung bladder ko. hehehe masakit na nakakakiliti. tapos napasigaw ako ng aray pero nakatawa. hehehehe nakakatuwa talaga!!

mom22
03-27-2006, 11:14 AM
mom klaire - tuna is good!! i read in the book 'what to expect when expecting',
basta ung hindi seared na tuna, dapat well cooked cya walang problem un....

mom dkekai - ako rin, palagi ako nate-tempt mag softdrinks!! az in, sabi kse ng aunty ko masama daw un for the baby eh, kaya tiis kahit ang sarap2x uminom, same goes for coffee & iced tea...........may caffeine din kase so bawal....well not really bawal but take in small amounts lang daw.....ehehehe, ok lng basta healthy si baby....lahat ay gagawin! wow nyahaha:up:

mom ann - dba i told you lakas ni baby mag kick, lam mo sometimes hindi talaga cya gumagalaw, then i got worried!! mabuti nalang, OK lang pla ung paminsan-minsa bby natin wala rin daw sa mood so kaya hindi cya malikot! nyahahaha....lam mo naman tau eh konting changes lang na pa-paranoid!! xcited na rin ako sa gender ni bby para i can finally pick out the name! yipee...:banana:

nku, mom dkekai & mom klaire, malapit na kau!! for sure di na kau mkakapag kuro dahil sa sobrang asikaso sa baby!!

cge po, share pa kau ng stories, or concerns, i have a book kse, i can look it up for you!!!
cge ingatz!!!

vanessa :love:

mom22
03-28-2006, 03:46 PM
omg..got this pic from the email....nyahahaha
i can't wait!! hihihi :banana:

http://i21.photobucket.com/albums/b268/VAN_pictures/amazingbaby.jpg

mitchteryosa
03-29-2006, 04:44 PM
Grabe! Ang dami-dami na palang buntis dito sa kuro ahihihi! Ako eto at nakaraos na. Back to work na ulit. Miss ko na agad si bulilit.

Motherhood is really great and wonderful. Although sleepless nights pero fulfilling naman once na napangiti mo si baby at napatulog ng mahimbing. But when she gets cranky at times, naku napipikon din ako at naiiyak na lang.

Keep on posting! Enjoy every moment of your pregnancy. Yan ang magandang opportunity para makapaglambing sa mga asawa ng walang tanggi, 100% sure yan!

Have a nice day all!

Ciao!

klaire
03-29-2006, 09:57 PM
hello po!

tama si mommy mitch..kya samantalahin na natin to kc
lhat ng inilalambing sa asawa ginagawa nila eh..hehehehe..:p
nkakatuwa din mga asawa naten noh,lalo na pag nffeel nla sumisipa
si baby..hihihi..nkakatuwa mga reactions nila..:luvstrk:

oo nga mlapit na kmi ni momdkekai..by MAY cguro di na ko
msyado mkkapagkuro..cra kc yung PC sa bhay eh..

mga moms, suggestions nmn jan ng pwede pagkaabalahan
netong summer..wla kc ako gagawin sa bhay for sure..
gsto ko sna business kht mga halo-halo,or ice candy or barbecue or shakes..
dami bata sa compound nmen..suggestions nmn po..help!

thanks in advance!

nga po pla,si baby nkikikuro din ngyn..gumagalaw sya..ahihihi..:cheeky:

cge po..Godbless! ingat po mga mommies..

klaire
03-29-2006, 11:50 PM
mom22 inadd po kita sa ym..klakpr_1116 ako po yun..

mom22
03-30-2006, 12:05 AM
klaire??

add na din kita....add request pending nka sulat sa akin eh....
bakit ganun?

van

mom22
03-30-2006, 12:09 AM
mommy klaire,

mauna muna ako sleep ha?
12midnight na kse dito eh..........
pero na add na po kita :)

c u next time!!

muah!!:love

van

klaire
03-31-2006, 01:52 AM
hello po..add na kita..nga pla mga moms..
klangan po na may anti-radiation yung mga
monitor na gamit nyo ha! ksi lkas po ng radiation pla yung
nggagaling sa screen..

cge po..ingat po lagi! Godbless!