View Full Version : Pregnancy Tips


Pages : 1 2 [3] 4 5 6

mom22
03-31-2006, 09:37 AM
to all mommies..........

ask lang ako kung nkakatulong ba talaga ang lamaze classes?
or did anyone here attended those??

thanks a million!

van

dkekai
03-31-2006, 10:34 AM
waaaa ano yung anti radiation? yun ba yung nakasabi sa front ng monitor? yun lng meron ako... grabeh.... tagal pa naman ako gumamit ng pc... takot tuloy ako.. waaaaaaaa 8 months na ako ngayong araw na to!!!! 4 weeks na lng hintayin ko makikita ko na si baby ko. nakabili ka na ba ng gamit ni baby. hihihi ako nakabili na nung isang araw hehhe. grabeh!! ang saya saya!!! pro marami pa rin ako mga kulang. medyo kinapos na sa budget eh. sabi ng daddy nya.. paguwi nya sya naman ang mamimili ng iibang gamit ng princess nya hehehe.

mom22
03-31-2006, 01:45 PM
wow!! ako nga excited na mamili!! as in.............:D

mom dkekai can you give a summary kunga ano-anu kailangan essentials ni
baby para meron na akong idea kung ano bibilhin ko at magkano save ko
para dun......:)

thanks

dkekai
03-31-2006, 03:51 PM
hehe no problem!! actually sabi ng nanay ko mali daw diskarte ko sa pagbili ng gamit... kasi napamahal ako.. :ogre: kasi branded binili ko. kasi di ko naman alam... akala ko yun lang yung infant section sa SM. para makamura ka, wag na branded bilin mo. kasi mabilis naman lumaki si baby. anyways here's a list you will need ( ang pagkakaalam ko ha, kasi marami pa rin ako kulang)
*shirt/tie-side, short sleeve en long sleeve=mga P40-50 ang price
*lampin mga 2 dozena, pro 1 dozen pa lang nabibili ko. sabi ni mama yung parang net daw yung bilhin para mabilis daw matuyo= P250 6pcs
*pajama=nakalimutan ko na price eh hehehe
*yung pambalot sa baby
*booties en glabs, yung glabs dapat marami kasi lagi nya nalalawayan yun... may mabibili ka 3 pcs P40
*tapos bimbo ni baby... yung pamunas ng laway=2 pcs P35
*bigkis=di dapat mawala at dapat marami yan, kasi lagi nababasa pag wiwi si baby
*kulambo=140P
*then bumili na rin ako ng lactacyd baby bath= 170P
*baby bath=200P baby bath helper=yung foam=180P
*towel ni baby=200P *powder puff=100P
*then yung mga bottle na, kaw na pili nun kasi daming design sabi nila atleast 3 malaki en 3 maliit na bottle daw
*bottle en nipple brush=60P waaaaaaa ano pa ba?

yun pa lang nabibili ko heheh, madami pa rin ako kulang. kasi wala na rin ako budget hehehe mom22 share ka rin po ha? baka kasi may nkakalimutan pa ako.

klaire
03-31-2006, 09:25 PM
@dkekai..yup! yun n nga po yung anti-radiation..
eto nga pong PC na gamit ko dito sa office wla nun eh..
binababaan ko na lng yung upuan ko pra indi nkatapat sa monitor..
WOW! 4weeks n lng ipghihintay mo..buti kapa mkikita mo na baby mo
na makulit..bale 3weeks pla pagitan natin indi 1week..
my mga gamit napo baby ko..tatlo na ksi pmangkin ko,kya
yung mga gamit nila yung mga gagamitin n lng baby ko..
mga pamana ba!?hehehe..bumili ako mga bgo gamit pro konti lng..
kulang ko n lng is yung stroller tska yung tub..:laugh:

hai..nkikikuro n nmn baby ko..eto mgalaw na tlga sya..:cheeky:
sbi ng hipag ko mejo mlaki daw tyan ko for 7mos..ntakot tuloy ako..
kya knna bgo ko pumasok,konti lng kinain ko..pro ngyn nagugutom nmn
ako..eto kumakain ako turon..hehehe..

gudluck na lng po sating lhat!..ingat po mga mommies!
Godbless..:banana:

dkekai
04-01-2006, 09:23 AM
aahh buti na lng meron ako... kasi bumili ako nito dati kasi lumabo mata ko dahil sa kakacomputer hehehe. bili ka na lang nun. mura lang naman. 100P. buti ka pa meron pamana.... sa akin wala magbigay hehehe. sabi kasi nila maganda daw yung meron bago at luma na nagagamit si baby hehehe. para marunong daw sa buhay at hindi spoiled hihi. alam mo na!! mga kasabihan!!! hehehe ako din stroller na lang kulang ko.. di ko alam kung ano magandang bilhin. kasi gusto sana yung magaan para nabubuhat ko kahit buhat buhat ko si baby hehehe. siguro yung 7months ok lng yung size... kasi yun ata yung mabilis na lumaki si baby. ako nga 4 months pa lng laki na tyan hehehe. pero kasi di naman talaga ako payatot. kaya ok lng. nways wag ka takot... ayos lang yan!!!!heheheh nangaral daw ba ako? hehehe ako rin natatakot... takot ako sa injection sa spinal cord. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa bka umiyak talaga ako sa takot nun.

mom22
04-01-2006, 01:34 PM
mom dkekai,

wala pa kse ako nabili na gamit........masyadong early & di ko pa alam gender ni baby :) sabi din ng friends ko, huwag muna daw kase they will throw me a baby shower & i should buy after na....para hindi mag doble2x ang gamit...yup, hanap na din ako ng relative na pwedeng hingan ng stuff....para naman mka save, di naman kse habang buhay gagamitin un ni bby kse after a few months malaki na un! ano ung injection sa spine?? para lang un sa mag C-sec??

mom klare........

takot tuloy ako!! wala pa naman anti-rad ung screen ko, flat screen pa talaga so sobrang laki at nasa harapan ko talaga kahit na ibaba ko konti ang chair un pa rin...ehehehe...bili nalang kaya ako nun.........bka punta ako ng SM this weekend, may sale eh!! ehehehe bka bili na rin ako ng clothes, wala na akong masuot grabe, lalo na ung pants! :(

moms, sinu dito SSS and philhealth members? nka avail ba kyo sa benefits nila?

cge ingatz kau lahat ha!!! hugz na din sa bby!! *hugz*
mom van :love:

mitchteryosa
04-01-2006, 02:25 PM
Wag kayong bibili ng masyadong madaming damit kasi napakabilis talagang lumaki ng babies. Yung enough lang na panggamit niya everyday kasi masasayang lang talaga at di practical. I'm sure naman inaagapan naman ang paglalaba ng damit ng babies. I bought shirts yung may strings : half dozen ng short sleeve, sleeveless and full sleeves. Tigagatlo lang ang nagamit kasi pagkabihis naman niya nilalabhan agad, ayun yung iba bagong bago pa at nakatabi lang sa closet.

My baby is just 9 weeks old and now using No. 3 ng Pamper's. We bought stocks of diapers No. 2 for New Baby thinking na magagamit niya ng matagal. Ayun meron pang natitirang isang malaking pack, and kahapon bumili kami ng No. 3. Di naman pwedeng ipilit ipagamit yung No. 2 kasi kawawa naman si baby, masikip na yung sa may thighs baka magkarashes pa.

So advice ko lang sa inyo buy wisely. I know you can't resist kasi cute talaga ang damit ng infants pero isipin niyo na magsasayang lang kayo ng pera. And I'm sure madaming magbibigay sa little angels niyo. Kami nga till now nakakareceive pa ng grasya hehehe!

dkekai
04-01-2006, 02:26 PM
ilang months na ba yung sayo? bili ka pag mga 8 months ka na. wwoowww may baby shower si baby!! saya saya!!! hihhihi anyways, yung injection sa spine ay para sa c-sec lang po yun. nung inoperate ako before di ko naramdaman anesthesia kasi pinatulog ako nun.pero this time ata... bawal ata patulugin pag c-sec. ewan ko kung bakit. kaya nga bigla ako natakot. kasi i heard na masakit daw yun waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa sa buto kasi un eh!! malamang magiiyak ako nun hehehe
aba wala ka na masuot?? hahaha ako din eh!! ang laki na ng tyan ko... 3 pangalis na lang ginagamit ko palagi hehehe nanghihinayang naman ako bumili pa kasi lapit na lumabas.

mitchteryosa
04-01-2006, 02:33 PM
Alam niyo ba na dito sa Bahrain, ang normal walang pampamanhid, ang reason nila dapat maranasan ang natural birth talaga unless may problems ka. Ininjectionan lang ako ng pampamanhid nung tinatahi na ako. But during the delivery as in wala talaga. Pero wala na akong naramdaman na sakit, basta iri na lang ng iri kasi para makaraos na hehehe! I was conscious the whole time huh! Hanggang mailipat na ako sa room. Mas maganda yung ganun kasi alam mo ang buong pangyayari. Wala kang makakaligtaan na moment during your panganganak.

Kaya mga mommies to be, iri lang ng iri, the next thing you'll know nakalabas na pala si baby.

Ako nga di ko alam ang galing ko pala umiri. I had 12 hours labor pero sulit naman nung delivery na. Imagine nung 9cm na ako, wala man lang assistants yung doctor on my side to hold my arms at least. Sabi lang sa akin whenever you feel strong pains, push hard daw para bumaba na yung ulo. So I did twice then sabi ng doctor kita na ulo, one more big push, eh di ginawa ko naman then she told me to hold it for a while tapos isang malakas na iri na naman na walang hinto. I didn't even know she was already out, nakita ko na lang yung right arm ni baby nagwiwiggle under my left thigh, nakalabas na pala sabay iyak siya. Ayun tapos na pala ako ng di ko namalayan.

Kaya wag kayong matakot, sisiw lang! Just follow the doctor's instructions.

mitchteryosa
04-01-2006, 02:39 PM
Sa mga on the way pa lang, maybe gusto niyo ng pregnancy journal, visit my journal and pwede din kayong magjoin.

http://www.babycrowd.com/jr/online/mitchteryosa/

klaire
04-02-2006, 12:59 AM
tma si mommy mitch..kya konting gamit lng ni baby binili ko eh..hehehe!
mga konting anik-anik na lng ni baby klngan..hai anu pa ba kulang na gamit?!
prang mejo mrami pako kulang..:paranoid:

mga blouses ko na binili ko tlga nun,gang full term na..pro yung mga
pang-preggy pants ko mejo masikip na rin..kya klngan dress tlga gamit
pag gantong mga months na..pro nahihirapan ksi ako eh,ksi pumapasok ako
gabi pa..di bale mlapit nako magleave..di ko na masyado klangan panlabas na damit..

sana ganun din lng ako kbilis manganak gaya ni mommy mitch..
hmmmn..we have to be really brave huh! kaya natin to..hehehe!:x

mom mitch,ur really blessed coz u have a pretty at sobrang cute na baby!
hai..excited na rin ako mkita baby ko..:luvstrk:

ingat po mga mommies! Godbless..

kazuna
04-02-2006, 01:18 AM
excited n rn ako sa pgshopping sa mga goods ni baby...

and mommy mitch, same here, wlang anaesthesia even pg tinahi ka..its all-natural tlga! kya ung iba umuuwi cla sa pinas pra dun manganak..

pero khit gano kasakit p yan, worth nman! and mtapang nmn tyo! hihihi kya nten yun!!



tc momzz!

dkekai
04-02-2006, 02:15 PM
waaaaaa eh di totoo pala sabi ng doctor ko na wala daw anesthesia sa japan. waaaaaaaaaa sakit nun!!! paano yun? wala man lang pampamanhid... eh how about yung mga c-sec? meron ba ansthesia yun? balak kasi namin ng hubby ko yung 2nd baby dyan namin ilalabas.

mitchteryosa
04-02-2006, 02:45 PM
@ Klaire : Ahihihi! Thanks! Don't worry malapit ka na din ata eh! When I was pregnant ang gamit kong pants yung may string kaya umabot hanggang makapanganak or otherwise yung garterized kasi sayang naman kung bibili ka ng madami tapos di naman magagamit ulit. Even sa tops, ang pinagpapalitan ko lang dati saktong isang week na pamasok hehehe!

@ Kazuna : Korek! Wala ngang pampamanhid. Di niyo naman na maiisip ang sakit kasi gusto nya matapos na hehehe! Saka dito kapag normal delivery ka, once na nalinis na ang bata, katabi mo na siya the whole time na nasa hospital kayo kaya kahit nahihilo-hilo ka pa kelangan mong tumayo. In my case sa ward lang ako, pero kasi dito ang ward may partitions, di tulad sa atin na nakabuyangyang talaga. Imagine di pwede ang bantay. Visiting hours very limited from 4 to 8pm. Kaya kahit hilo ako at masakit ang tahi, kelangan tumayo para pumunta sa changing section para palitan ng diaper si baby. Ang kagandahan lang dito libre lahat ng gamit, di mo na kelangan magdala, damit panglabas ng hospital lang ang bibitbitin mo. From diapers, milk, maternity pads, cottons basta lahat lahat libre. Hindi tipid ang bigay, ikaw mismo ang kukuha kahit ilan gusto mo.

@ Kekai : Kayang-kaya mo yan. Pag CS alam ko merong yung tulog ka talaga or pwede ding sa baba ang manhid pero gising ka. Kung magpapa-CS ako, I would prefer yung gising ako. I don't wanna miss any moments paglabas na paglabas ni baby. Mas masarap sa pakiramdam yung madidinig mo siyang iiyak at makikita mo itsura nya paglabas na paglabas niya, dun mo mababawi lahat ng hirap na dinanas mo.

kazuna
04-02-2006, 07:24 PM
@dkekai, actually normal delivery lng wlang anesthesia pero sa C-sec same jan na inject ka sa buto mo..so kelan mo ba plan pumunta here?

@mommy mitch, tanong ko lng, pano kng sariwa pa ung stiches mo,pano ang wiwi mo? hndi b msakit?? and ilang mnths bago natuyo ung stiches?

mitchteryosa
04-02-2006, 07:31 PM
Sa pagwiwi di naman masakit kasi malayo naman sa tahi, ang nakakatakot ang dumumi. Perot gumagamit ako noon ng sterile cream saka anti-infection na cream. Tapos after washing ng mainit-init na tubig, pahiran mo ng rubbing alcohol, mahapdi nga lang hehehe! Yung dampi-dampi lang na para kang nagha-hot compress. Medyo mahirap lang umupo, ewan ko lang sa iba. In my case kasi kaya masakit dahil nga I had a problem siguro. Nag heal ang akin more than a month, pero sa iba normally 2 weeks lang daw, kahit mommy ko yun ang sabi eh.

kazuna
04-02-2006, 07:40 PM
so d pwedeng gumamit ng tissue pg ihi?

and kusa na bng ntanggal ung stiches?

mitchteryosa
04-02-2006, 07:43 PM
I'd prefer a face towel basta yung wag matigas, kasi ang tissue kapag nabasa malambot at baka may maiwan pa na magcause ng infection, otherwise yung paper towel kaso medyo matigas yun di ba?

Saka matagal din ako bago tuluyang nawala yung dugo na para kang may menstruation. Pero normal daw yun kasi yun pa yung natirang waste sa atin while pregnant tayo. Di ako nagnanapkin nun kaya magastos sa underwear, kasi mas nasasaktan ako pag may pads.

Yeah, kusa na lang natatanggal yung tira-tira na thread, natutunaw naman kasi yun eh.

Ilang months ka na ba?

kazuna
04-02-2006, 07:55 PM
5months pa lang nmn..pro syempre mrami kng maisip bout sa panganganak dba? dto kz b4 daw, ung doctor pa mgtatanggal ng tahi and ngaun prang meron na atang kusang matanggal...
ang gastos mo nga sa underwear, buti dka ntatagusan?

so ang period mo kelan ngstart? and lumiit na ba uli chan mo?

mitchteryosa
04-02-2006, 08:06 PM
May pangtahi naman na natutunaw talaga.

Pinapakiramdaman ko kasi agad kaya di ako natatagusan. Nagpapalit ako agad.

I had my period nung 17th lang. After 2 months. Pero mas matagal ka bago datnan kapag breastfeeding ka daw. Ako kasi 3 days lang nakapagbreastfeeding, inurungan ako ng gatas kasi ayaw ng anak ko. Naunahan kasi ng bottle feeding sa hospital. 24 hours kasi ako sa delivery ward bago ako nailipat sa room. Kasi inobserbahan pa yung pag-ihi ko, naka-catheter kasi ako for 24 hours pagtapos ko manganak. Sayang nga kasi madami akong gatas, tumatagas na nga sa shirt ko eh hehehe!

Maliit na ulit tiyan ko kasi payat naman talaga ako dati pa. Pero ngayon gumanda na katawan ko, di payat di rin mataba, in short sexy nyahahaha! Sabi nila yun ha! Yun lang ata advantage ng payat ka dati pag nanganak ka saka gaganda ang katawan mo. Pero lumaki talaga ang balakang ko as in!

mom22
04-03-2006, 09:40 AM
kakatako naman pinaguusapan dito............takot pa naman ako sa stitches!!

momy mitch - tama ba ang due date mo?? or na late ka pa rin?

dkekai
04-03-2006, 09:40 AM
@kazuna, punta siguro ako dyan mga october. or kung kelan matatapos yung visa namin. san ka po sa japan?

@mom mitch, di ba 3 days ka lang ngbreast feed? nagbebreast pump ka ba? kasi di ba sabi nila kailangan daw nilalabas yung gatas kasi pag di mo daw nilabas cancerous daw..... paano po ginagawa mo? hanggang ngun ba may lumalabas pa rin na gatas?

en paano mo po napaliit ang tyan mo? heheheh kasi ako naman tabain. pero bago ako mabuntis maganda naman katawan ko... iniisip ko baka di na bumalik sa dati kasi halos lahat ng kamaganak ko. matapos manganak, naging losyang na en tumaba na waaaaaaaaaaa....

nung last yr naoperahan na ako sa left ovary, so parang alam ko na ang feeling ng magiging c-sec. mdyo mahirap. kasi mas matagl ang recovery kesa daw sa normal. nahirapan lang ako sa pagdumi nun after ko umuwi sa bahay. tumigas kasi dumi ko na halos naiiyak na ako. kaya nagkaalmoranas ako ng dahil dun. en sabi ng doctor ko lalo na daw pagnaglabor ako muka daw bulaklak yung pwet ko hehehe.

mitchteryosa
04-03-2006, 03:01 PM
During the first two weeks nagbreast pump na ako, meron pa din akong gatas nun, pero after that kusa ng umurong kasi nga ayaw na dedein ni Derelle. Ang sakit-sakit na nga eh. Kusa naman mawawala eh. Pero sometimes kapag pinipindot ko yung nipples ko meron pa ding drops, pero mga 2 drops na lang tapos wala na.

About my tiyan naman, I didn't do anything. I didn't even exercise, lakas ko nga kumain eh. Siguro talagang ganun lang talaga katawan ko. likas na sexy nyahaha! Joke lang. But seriously, gumanda ang built ng katawan ko after giving birth. Saka siguro ang nakapaglose ng weight ko yung puyat. I don't think it's in the family, kasi bakit naman ang mom ko pati na mga tita ko, matataba sila after manganak, bakit naman ako? Nasa built and structure yan ng katawan mo. Kung tabain ka na talaga magiging mataba ka nga.

mitchteryosa
04-03-2006, 03:03 PM
@ Mom22 : Yung first due date ko na binigay was Jan. 24, tapos latter part ng pregnancy ko sabi baka Jan 21, pero lumabas si Derelle ng Jan 23.

mom22
04-03-2006, 03:25 PM
okie....:) hopefully between july 26-aug1 dadating si bby ko...:) haaaiii
di na tlga ako mkapag hintay!!

sana rin mka breasfeed ako, kse aside from mka save sa gatas, magandang bonding namin ni bby un.....
alam ko mom konahirapan sa pag breastfeed, masakit kse daw.......
lalo na pag si baby malakas mag suck..ehehe
pero kakayanin ko tlga lahat...
nyahaha

nku nku....xcited na ako for you mom dkekai & mom klaire, pics ha pag nka labas na si bby!!!

van

mitchteryosa
04-03-2006, 03:29 PM
When I was breasfeeding din nagsore pa nga yung nipples ko kasi si Derelle akala mo aagawan hahaha! You would know kapag gusto na niya dede saka pag puno na kasi masakit na masakit yung breasts mo.

Lahat naman ng sakit na dadanasin niyo, worth it.

mom22
04-03-2006, 03:33 PM
yes, feeling ko din eh....di naman tlga ako takot masyado sa pain,
takot lang ako tlga maging hindi mabuting mommy..........
ehehehe
hindi ko alam ko ano mangyayari, kung strict ba ako oh hindi!! wahahaha
bka ma spoil eh, hindi nmn mgnda un dba?

dkekai
04-03-2006, 07:29 PM
aawww sana ako magkagatas.... kasi bakit yung iba 7 months pa lang meron na sila gatas... bakit ako wala.... saka bfore ako mabuntis... nagpaultrasound ako sa breast... meron ako cyst sa right breast pero maliit lng.. sobrang liit lng daw... kaya di kailangan operahan... pero ang sabi obserbahan daw yun... pag lumalaki kailangan tangalin... kailangan lang iwas ako sa tea, caffine at chocolate. pro sana makapagbreast feed pa rin ako. at sana mawala yung cyst. nakalimutan ko kung ano tawag sa bukol na yun... kakaloka nu!! last yr tinangal sa akin cyst sa ovary.

@mom22 sige po, papakita ni baby ko pag lumabas na sya. alam nyo ang takaw takaw ko na ngun. hehehe try ko pa rin magdiet pero hirap... wala kasi ako ginagawa kaya pagkain lagi hanap ko... at saka madalas na tumigas ang tyan ko ngun... tpos sa kanan ng bandang pusod ko masakit... siguro nakaharang yung paa o tuhod ni baby din. tapos meron din ytime na di ako makayuko kasi parang yung paa nya nakaharang sa sikmura ko hehehe. talagang baby na baby na talaga sya hihihihi.

klaire
04-03-2006, 08:43 PM
oo nga..less than 2mos n lng ipghihintay ko..hai..

garterized din yung mga pants ko eh..kya lng yung dalwa gang
6mos ko lng sila nagamit ng di ako nhihihrapan..

1month and 2weeks n lng nmn n akong papasok eh..kya konting pagtitiis
na lng..by God's help kakayanin natin to..:luvstrk:

hirap nmn nung wlang pampamanhid:wah:..pro sabagay kng ako cguro nsa
klagayan nyo,ang iisipin ko n lng is mkalabas na si baby at mkaraos
na sa paghihirap sa paglalabor..hehehe..

Ang kagandahan lang dito libre lahat ng gamit, di mo na kelangan magdala, damit panglabas ng hospital lang ang bibitbitin mo. From diapers, milk, maternity pads, cottons basta lahat lahat libre. Hindi tipid ang bigay, ikaw mismo ang kukuha kahit ilan gusto mo.
wow! sana ganyan din dito sa pinas..naghihirap na bansa ksi tyo eh..


mga mommies, goodluck, ingat and Godbless! :classic:

klaire
04-03-2006, 10:25 PM
naku speaking of breastfeeding! ako din @dkekai wla pa din po ako
gatas..my history pa nmn ata kmi sa family na hirap mgpabreastfeed..
ksi sbi mama ko,dati daw samin,di nya kami nbreastfeed ksi wla daw tlga
lumalabas na gatas..pti yung ate ko dun sa pmangkin ko wla din..
sana magkaron pagkalabas ni baby..ksi magnda daw tlga breastfeed eh..
gaya nga sbi ni mom22 bonding moments na din yun kay baby..

just a tip: puso ng saging pampadagdag ng gatas if ur planning na
magbreastfeed..actually,kakakain ko lng knina..hehehe..

@mom22..cge po magpopost po ako pics ni baby..:luvstrk:..excited na ako!..
wuhoooooooo...

binigay na 1st due date sa 1st OB ko june 5,tpos nung lumipat kmi
tirahan at nagpalit ako OB june 7 nmn daw..
kya within 1st week of june ang EAD ko..sna nga..

Godbless po!:banana:

dkekai
04-04-2006, 09:09 AM
waaaaa bakit daw minsan nagkakaganun? di ba daw delikado yun? ano nga pala ang maganda o klase ng luto para sa puso ng saging? para sabihin ko sa nanay ko pagluto nya ako. hehehe di kasi ako marunong magluto eh hehehe. sana june 6 lumabas baby mo hehehe bday ko yun eh! hehehee jk pero malamang baka May na rin lumabas yan. estimated due date lang naman yun... pwede mapaaaga, pede rin malate pa. weeee ang saya saya nu? mamaya nga pala doctor's appointment ko sa doctor ko. lagi ako excited kasi gusto ko lagi napapakinggan yung baby sa doppler.

mom22
04-04-2006, 02:07 PM
ay naku 23 weeks na ako....lapit na mag 6 months....ehehehe sa sobrang xcited parang ang bagal ng panahon...ganun din ba feeling nyu?
104 lbs pa rin weight ko, tapos 82 1/2 cm ung circumference ng tummy ko...
sana normal lang lahat, i'm trying to cut down sa carb, pero ang hirap, parang ang sarap mag rice :)

klaire - ano pa maganda kainin para maraming gatas? hmmmm..........puso ng saging?
ano ba luto nun? parang i havn't tried that pa.....

dkekai - gudluk mamaya sa visit mo, ako rin eh, i look forward to check-ups! feeling ko hungry for info basta tungkol kay bby! nyahahaha ganyan tlga siguro yan kse first time natin lahat! grabe, iba na talaga noh pag naging mommy na...kahit ano pa sabihin mo, naiiba talaga ang priorities mo...

cge, ingatz lahat!

Van

mitchteryosa
04-04-2006, 02:47 PM
ano pa maganda kainin para maraming gatas? Almonds daw pampadami ng gatas. Tapos pag nakapanganak ka na, drink more liquid especially yung sabaw.

mom22
04-04-2006, 03:06 PM
thanks mom mitch!! ok ung fave ko almonds eh :)

mitchteryosa
04-04-2006, 03:21 PM
Most welcome!

Eat a lot of green leaf veggies, it helps maintain your blood pressure na nasa average lang, mahirap kapag high BP ka pag malapit ka na manganak, ma-c CS ka. Tapos kapag naman daw low blood ka (just like me) spinach naman saka my OB advised me to eat a little salty food. Pero wag yung lagi lagi ganun at baka ma-UTI ka naman. Hirap kasi pag buntis dapat alalay sa lahat ng kinakain mo. Pag sobra sa sweets, delikado ang sugar at baka magkadiabetes. Pag naman sa maalat, baka ma-UTI. Bwehehehe! Hirap no? Basta discipline na lang para oks lahat. And drink milk everyday. Kung di mo kaya inumin ang milk, ask for supplement from your OB like Calcium tabs.

mom22
04-04-2006, 04:05 PM
nko naman!! ehehe..kailangan pala mag bantay sa food.......green leafy??
hmmmm....di kase ako mahilig dun eh, hmmmmm.....ung fish? OK ba un?

mommy mitch IE ka rin pla, pareho pla tau!!:up:

dkekai
04-04-2006, 04:18 PM
@mom22 hehehe ako nga po pag lumagpas ang isang week masayang masaya ako, every week binibilang ko si baby ko. pero waaaaaaaaaaaaaaaaa 104lbs ka lang? ako 138lbs!! nakakahiya!! ang taba ko hehehe pero di sinusukat ng doctor ko yung tyan ko.

@mitch hihihi tinola, sinigang at sopas lang ang alam ko lutin na may sabaw hehehehe

mitchteryosa
04-04-2006, 04:25 PM
Kahit daw di sabaw basta more liquid like water and fruit juices, much better kung fresh fruit juices. Ang orange daw maganda for the baby's skin.

Pero sabi ng OB ko ang the best daw talaga na fruit na dapat kainin ng buntis ay apple. It contains all the vitamins daw kasi.

mom22
04-04-2006, 04:26 PM
mom dkekai, kase nman i'm short!! ahahahaha kaya ung...actually ung body type ko tabain, di gaya nitong si sexy mitch........so binabantayan ko talaga food ko ngaun!
waaaaa...nku likas pa naman akong malakas kumain, pano na toh, ang alam ko sa last 3 months eh, ang lakas2x na daw ng appetite natin....nyahahaha

mitchteryosa
04-04-2006, 04:27 PM
@ Van : Sa fish maganda ang sardines. Hayaan mo if I get a chance, scan ko yung mga food na dapat kainin, laki kasi nung book ko eh. Nakalagay din nga dun kung anong vitamins ang nakukuha doon.

Korek ka diyan sis! Lalo na pag 8 months ka na. During my 7th month, I had GTT, taas ng sugar ko. Sinabihan ako ng OB ko na cut down daw sa sweets. Lalo na ang rice kasi masugar pala yan. Di kasi ako noon conscious sa mga kinakain ko kasi akala ko porque payat ako di ako maaapektuhan pero mali pala. Dapat pala talaga balanced diet ka. Para less complications pag latter part na ng pregnancy.

dkekai
04-04-2006, 04:51 PM
@mitch sarap sana app;le en favorite ko... kaso nakakapagpatigas naman ng dumi..... medyo di ko naman trip ang orange... orange juice pede pa.

mitchteryosa
04-04-2006, 05:04 PM
Hehehe! Yun lang nga. :p Di ako kumain ng apple during that time, ang pinag-initan ko noong mga panahon na yun, saging at gusto ko yung malalaki na makinis ang balat, yung yellow na yellow talaga. Tapos I was craving for tocino na Pampanga's best, brownies, tortang talong na dapat ihawin munang mabuti. Kaya kawawa baby ko pag yung kaitiman lahat ang nakuha paglaki-laki niya. Sa ngayon kasi medyo fair pa kulay niya eh. Mas gusto ko ang matatamis noon. To think fave ko ang green mango pero hate na hate ko siyang kainin dati.

mom22
04-04-2006, 05:23 PM
ehehehe...ako kase nong 1st trimester ko....puro maaasim ang pinaglilihi-an ko, ung green mangoes w/ salt or bagoong & anything salty or maasim, un lang gusto ko kainin...ngaun sa 2nd trimester ko, hindi ko na pinapansin ang green mango kahit fave ko pa, gusto ko naman ung sweets!!! as in ice cream, cake & halo2x.............
hmmmmmmmmm ano kaya sa 3rd tri?! nku i just hope hahanapin ko by that time green leafy vegetables.........waaaaaahhhhhhh

alam nyo mga moms, madalas kse ako kumakain ng ponkan (ung maliit na version ng orange) or i always drink orange juice, tapos after a few minutes galaw na ng galaw si baby........ewan ko lang, i read somewhere kse, i think dito ba un, na eat orange before sa utrasound para likot si bby...........

ganun rin ba kayo??

kazuna
04-04-2006, 06:48 PM
hi mommies!

mangugulo lng!! ahahah

cguro mommy mitch sagana ka sa vitamins and other healthy foods kase sbi ng tita ko nurse pag sagana ka dw malago buhok ng baby pglabas then kng kulang ka kalbo c baby ehehhehe share ko lng....lago kz buhok ng baby mo e hihihi...

tc alwayzz god bless!

mitchteryosa
04-04-2006, 06:52 PM
Nyahahaha! I was born bald. Ibig sabihin ba nun kulang sa bitamina Mommy ko? Nyahahaha!

kazuna
04-04-2006, 06:53 PM
cguro! ahahahaha

anyway snob mo ko sa ym, pm kta e...

mitchteryosa
04-04-2006, 06:59 PM
Uy! Wala akong resib ah! Baka naka-sms ako nun kasi naglunch ako kanina. Nasa bahay naman yung celfone hehehe! PM mo ko ulit pls.

kazuna
04-04-2006, 07:05 PM
ok! pero d nmn ngaun un e, cguro nung kamakalawa pa...

mitchteryosa
04-04-2006, 07:07 PM
Huh? Di ko matandaan. Sensya na. Toxic kasi eh. Ano pa YM mo?

By the way kelan ba kabuwanan mo? How's your pregnancy naman?

klaire
04-04-2006, 09:23 PM
luto ng puso ng saging:

pwede pong adobo..like yung sitaw na may sahog na karne..pwedeng ganun yung pagkakaluto..

pwede rin po yung ganto: psensya na po kng lutong ilokano..ilokana po kasi ako..hehehe! mas masarap pag may ksamang saluyot na dahon..tama ba yung term ko?! hehehe..psensya na kung lutong ilokano ha! pro msarap sya lalo na yung sabaw..

magpakulo ng 3cups water with bawang ksabay ng prinitong isda like galunggong or tilapia..lagyan na rin po ng bagoong or patis pra mlasa yung sabaw..pwede rin po na yung pinagprituhan ng isda ilagay din dun sa papakuluan na tubig pra mlasa..tpos pag kumukulo na,ilagay na po yung puso ng saging..nga po pla yung puso ng saging, strips ang cut nya, mga 1 and 1/2 inches ung haba..so bgo maluto yung puso ng saging timplahin na sya kng tama na yung lasa..then pag luto na po yung puso ng saging ilagay na yung dahon ng saluyot..nga po pla ang tawag sa lutong to sa ilokano is dinengdeng..

mahilig po kasi ako sa veggies lalo na sa green leafy..fave ko din po apple ngayon..but im not aware abt it na mrami pla sya vitamins..hihihi..:luvstrk:sa ngyon po ang hilig ko sa sweets tska ice cream or shakes..basta mlamig at mtatamis..pro pnipigilan ko tlga sarili ko lalo na yung mlalamig..bawas na rin ako ngyn sa kanin..laki na raw kasi tyan ko..:bored:

bout nmn po sa liquids na iniinom natin..any liquid na intake natin pag nalasahan ni baby gumagalaw sya,lalo na pag juices..advice sakin OB ko pag ngyari daw yung di mo nraramdaman ang paggalaw ni baby,inom lng daw ng juice or yung mga susi, patunugin lng daw mlapit sa tyan..nagrereact daw mga babies sa ganun..

sa mga isda nmn po,di daw po mganda yung mga isdang tabang or isdang galing sa ilog..healthy daw po yung mga isdang dagat..ayun lng po..

cge po mga mommies! Godbless and ingat!:hah:

mom22
04-05-2006, 02:28 PM
yipee...........ate my green leafy vegetables & apples today!!:)

mitchteryosa
04-05-2006, 03:35 PM
Yung mga mahihilig sa sashimi at raw food, iwas-iwasan muna.

mom22
04-05-2006, 03:47 PM
check mo sa xanga ko mommy mitch, tummy pics ko.... www.xanga.com/vannie_22 (http://www.xanga.com/vannie_22)

mitchteryosa
04-05-2006, 03:59 PM
I did visit your page, group pic lang nakita ko saka profile pic mo. :(

mom22
04-05-2006, 04:01 PM
ehehehe....sa lower right ng page, may next naka sulat, pindot mo un kse, ung newest ung nkita mo :)

mitchteryosa
04-05-2006, 04:06 PM
Malaki ang tiyan mo huh! Ako nahalata 8 months na ata :p. Kabuwanan ko na nga yata nung halata na na buntis ako. Here take a look, 36 weeks na ako diyan if I'm not mistaken.

http://img301.imageshack.us/img301/2199/albanderresortdec090217ms.th.jpg (http://img301.imageshack.us/my.php?image=albanderresortdec090217ms.jpg)

mom22
04-05-2006, 04:25 PM
nku un din sabi ng mommy ko!! waaaaaa......
sabi nga ni doc, malaki daw si bby for his age............tsk tsk.......
ano ba yan, pero di pa nmn ako tumataba, ung tummy ko lang talaga
at patulis ang tiyan ko, pansin mo ba?? ahahaha

ahahaha...hindi nga halata!! payat mo kase eh....:) para lang ung ako nuong pre-preggy weight ko!!! ano ba yan! kakainggit naman!!

mitchteryosa
04-05-2006, 04:27 PM
Di ko napansin. Sabi nila pag tulis daw boy.

Gusto ko nga nung buntis ako malaki tiyan ko eh. Hehehe! Siyempre parang ikaw ang hari ng kalsada pag buntis ka.

mom22
04-05-2006, 04:44 PM
ano ba yan...parang charriot??? wahahaha.....ako rin nmn. masaya ako sa tummy ko, cute kase.......:)

really??? ok din ung boy, pero di ko mabibihisan parang doll......waaaahhhh
hihihi...

mitchteryosa
04-05-2006, 05:04 PM
May kasabihan na wag daw muna bibili ng gamit ni baby hanggang di pa 7 months ewan kung bakit. :p

mom22
04-05-2006, 05:12 PM
kase hindi ka pa naman sure sa gender, sayang lang ang gamit eh.....ahahahaha
ako nga eh...tagal ko na hinihintay darating ang panahong un......:D

grabe hawig si derelle sa hubby mo no? may kasabihan din tungkol djan, kung sino daw kamukha ni baby ung ang mas nag mamahal sa relasyon???

hmmmmmmmmm??

mitchteryosa
04-05-2006, 06:44 PM
Ahh oo, tama yung kasabihan na yun nyahahaha!

Ang kasarian lang nga ang nakuha sa akin pati ang malapad na noo niya, maliban dun wala na talaga.

dkekai
04-05-2006, 07:22 PM
waaaa mga mommies di ba kau nahihirapan sa init ng panahon ngun? ako hirap na hirap.... halos magtutuok na ako sa electric fan... at kahit yung fan... ang init ng labas ng hangin. kakaloka. kunting kilos ko lang pinagpapawisan na ako. huhuhu hirap tuloy matulog sa tanghali.

hehehe wala lang. yun lang share ko hihihi init kasi eh

kazuna
04-05-2006, 07:37 PM
mommy mitch tnx kahapon ha! dami ko natutunan kaso bglang ngaya tong 'boss' ko kya naputol tyo hihihih...

mommies musta na pregnancy nyo??!

mitchteryosa
04-05-2006, 08:29 PM
It's alright Anna. You're most welcome! Anytime basta di busy at walang bantay.

klaire
04-05-2006, 10:07 PM
sobrang init po..cnabi mo pa @dkekai..npuputol tuloy tulog..haii..

@mom mitch..liit nmn tyan mo..ntakot tuloy ako..naku tlgang observed na po ako ngyn sa pagkain..mlaki ksi tyan ko..patulis din..pareho tyo mom22..hehehe..

cge po mga mommies! ingat and Godbless! :luvstrk:

mitchteryosa
04-06-2006, 02:34 PM
Kasi naman payat ako talaga kaya maliit tiyan ko noon.

mitchteryosa
04-08-2006, 05:26 PM
Mukhang nanahimik ata ang mga buntis? :paranoid:

mom22
04-08-2006, 05:37 PM
hi momy mitch na likas naman ang ka sexy-han!! :)
oo tahimik yata.....bka nasa mall or sa labas, namimili na nga gamit for bby!
ako naman galing ako sa mall....ang init kse sa bahay, di ko nkayanan!
sumasakit na ang ulo ko, kaya go kaagad kami and ate halo-halo!
woooohoooooo :banana:

may work ka saturday?

mitchteryosa
04-08-2006, 05:48 PM
Ahihihihi! Pinanindigan ng sexy ako ah! Tenk yu!

Yup, I work on Saturdays, kasi yun ang first day of the week sa MidEast. We don't work on Fridays, yan ang pinaka-Sunday dito.

So how's your pregnancy?

dkekai
04-09-2006, 12:50 PM
hehehehe naubusan na ata tayong mga buntis ng mga tanung at mashashare hehee... tahimik eh!! yyuuuhhhhooooo!!!

mitchteryosa
04-09-2006, 07:29 PM
Listen to classical music daw while baby is inside your womb. At sabi nung mga Brit dito na office mates ko, they believe daw na kung ano ang pinapakinggan niyo madalas na songs nung buntis pa kayo, yun din daw ang madaling makakapagpatulog na kanta kay baby paglabas niya.

I would always listen to Classical Songs kahit di ko masyado type pero bakit ang nakakapagpatulog kay Derelle lagi yung How Did You Know? Nyahahaha!

dkekai
04-09-2006, 07:52 PM
eh kasi mas updated si baby mo sa music hehehe. ang madalas namin pakinggan ng baby ko mga opm hehehe ska RnB. minsan nga sumasabay yung sipa nya sa beat hehehe. o baka naiingayan lang hahaha ang sabi sa akin ng kapitbahay ko nung butnis daw sya, pinagalitan daw sya ng doctor kasi bakit daw himas ng himas sa tyan nya eh di pa daw sya nanganganak. kasi nabubulabog daw yung baby kapag panay ang himas daw natin sa tyan.. eh ako pa naman mahilig akong maghimas ng tyan.

mitchteryosa
04-09-2006, 08:26 PM
Bonding nga yung himas sa tiyan eh. Basta loud music talaga nabubulabog ang babies pero ang himas di naman.

Nung malapit na akong manganak, lagi ko siyang kinakausap na wag ako pahirapan sa pag-iri, nakisama naman.

dkekai
04-09-2006, 08:36 PM
uu nga eh hehehe sabi ko bka masyado naman sya maghimas ng tyan nya... ako kasi di ko mapigilan di ko himasin kasi misnan pag tumitigas sya.. parang mabigat at kunting masakit... parang yung paghimas ko na lang nawawala yung sakit. ^^

mom22
04-10-2006, 10:02 AM
hiya mommies!!

sobra naman ung hindi pwede himasin ang tiyan.....natural lng un for us to hold our tummies! dba? baka ang ibig sabihin ng doc ung rough na himas, ung sister ko kase, palagi pinipindot or hinihimas ng malakas tummy ko, nkakainis nga! nanggigigil kse cya! pero takot ako magulo/magising ang baby ko........? masama un kay bby ryt?

ako din, nkikinig ng classical music...waaaaa......or ung kay enya! sana nga naman magustuhan ng baby ko :)

and init sa 'pinas~! aaaarrggg.....

Van

dkekai
04-10-2006, 10:37 AM
wwaaaaa ganun ba yun? kasi nung last month ko di sya masyado magalaw... gumagalaw naman kaso ang tagal minsan.... kaya minsan parang kinakatok o tinatapik ko yung tyan ko. para magising o gumalaw. wwaaaa

shardanay
04-10-2006, 07:25 PM
Hi Van!!!.... Hi sa mga mumski's!!!!


Mejo mrami na pla preggys d2 !!!... Im Sharon, 5months, first baby.....

Share nman kyo if u feel smething flutters like wind sa tummy nyo , nagmmove ba ang baby pag gnyan?...Bit scared iniisip ko na bka twin ung baby ko, ksi minsan nagkkick then un ung prang wind nga....Dyo experience that as well?

Thanks!!!

klaire
04-10-2006, 08:54 PM
hello mga sexy at pretty mommies!!!namiss ko kyo..hehehe..:luvstrk:

@shardanay..di nmn po..nfirst ultrasound kna ba?dun mo mkikita kng twin or inde..

nagpaultrasound na po ako!! and its a kulit baby girl..nakabukaka pa nga sya eh..prang cnasabi nya na "ayan mama oh!gurlaloo ako.." hehehe..

sobrang happy husband ko kc girl gusto nya..ayun,,yun lng po kwento ko ngyn..:luvstrk:

excited na tuloy ako mamili ng iba pa nya gamit..haiii...hihihi..

ingat po mga mommies! Godbless..:up:

chaching
04-11-2006, 02:07 AM
Hello Everyone! I'm new to this site! Enjoy ako sa mga postings nyo. I'm 26 weeks pregnant and I'm due on July 27th. My husband and I live here in Michigan!!!

mitchteryosa
04-11-2006, 04:55 AM
Mga Mommies To Be,

Pag tuntong niyo ng 8 months pakasawa kayo sa kakagalaw ni baby. Minsan baka makiusap pa kayong dahan-dahan lang muna. And they deliberately do it when you are about to sleep or while you are fast asleep. Hehehe! Kaya in the meantime, enjoy those little kicks coz once you reach the last stage of your pregnancy, you won't feel comfortable anymore. You'd be anxiously waiting for the big day to come plus the fact that you are tired of the weight you've been carrying especially kung may kalakihan kayong magbuntis.

mom22
04-11-2006, 08:25 AM
hi sa lahat ng sexy mommies dito!!

hi shar, yup....at first ung movement parang wind lang, pero ako kse at 5 months lakas na rin ung movement and kick ng baby...feeling ko nga ang lakas ng baby ko...
pano na kaya toh sa 8th month nya?! ahahaha bka hindi na ako mka tulog....

hi mommy klaire!! it's a GIRL.....congratulations! aba, eh dalawa na kyu ni mommy mitch, princess ang first baby, sino kya sa atin ang boy?? ang dami mo nang pinks nyan sa bahay! ehehe

hi chaching!! ako din eh, july 26 and due date ko.........pero nga +/- 2 weeks un dba?
pero bakit 24 weeks pa sabi ng doc ko? pano ba yan kino-compute? baka kase mali ako...........haaaaiiiii.....

ingatz lahat!!!! muah!
:love:

chaching
04-11-2006, 08:36 AM
hi mom22.. sabi sa kin ng doctor ko, I'm 26 weeks daw, they calculate it from the first day of my last menstruation, which was October 20. I think tama din ang sabi ng doctor mo na you're 24 weeks, that's if they calculated it from the date of your conception. kung un ang basis, I'm 24 weeks din.

Anyway, boy ang baby namin. Nalaman namin nuon pa, I was just 16 weeks. Kasi nung nag-paultrasound kami, ayung kitang kita na boy ung baby namin.

We're really excited. My hubby can feel his kicks on my belly. Tapos kanina, we can actually see my belly moving. Ang saya, grabe!!

Ingat lahat!!

mitchteryosa
04-11-2006, 08:40 AM
I think tama yung 26 weeks kayo, kasi yung akin dati it was calculated from the first day of my last menstruation and so far tama yung bilang, maaga lang ako ng one day nanganak. Pero sakto talaga!

mom22
04-11-2006, 09:31 AM
thanks mom mitch & mom chaching....kaya pla.....:) ako last menstrual date ko october 19...wow....kasunod lang talaga tau noh??
ano kaya baby ko!!!!

i'm excited to know may kasabay ako dito ...wohooo :banana:
ehehehe
tagal ka na djan sa michigan?
malakas na rin ba ang kick ng baby mo tulad ko?
ano shape ng bump mo? patulis ba?

ako kse, next month pa magpapa ultrasound! para sure na ung gender, hindi kse mkita ni doc eh....huhuhu kaya wait lang ako...........

Van

dkekai
04-11-2006, 10:25 AM
hello mga nanay!!! wwooww mam kalire!!!! congrats!!! puro pala tayo baby gurl dito hihihih si mom22 kaya? hihihihi shopping ka na klaire hihihihi!!! grabeh malamang hindi mo alam kung ano mga dadamputin mo sa sobrang dami ng pagpipiliian hehehe.

@mom mitch tama ka po!!! mas magalaw ang baby sa 8 months. minsan may galaw sya na nagugulat ako hihihi. en tama ka sinasabi ko rin sa baby ko na dahan dahan kasi nakikiliti ako na kunting masakit hehehe. pero ok lng yun sa akin hihihi. kaya yung asawa ko di na makapaghintay.. gusto na umuwi para kahit sa huling sandali mafeel nya daw yung paggalaw ng baby nya sa tyan ko. sa ngun di naman ako nabibigatan sa tyan ko... mukang tama lang ang size ng tyan ko sa katawan ko. feel ko pa nga payat ako eh hehehehe.

mom mitch naranasan mo ba yung nagigising ka sa hatinggabi at hirap na makatulog? kasi ako every 2am... nagigising ako. at tagal ko ulit bago antukin kaya watch na lng ako ng tv. siguro mga 4am bago ako makatulog ulit... pero after that mga 830am na ang gising ko... worried lang ako... kasi medyo anemic na ako... kaya advise sa akin ng doctor , 3 times a day na yung inum ko ng iron ko. minsan nga lang 2 times a day lng nagagawa ko .

mitchteryosa
04-11-2006, 08:42 PM
@ Van : According sa Chinese calendar, boy ang baby ko. Kalokohan hahaha!

@ dKekai : Ganyan din ako nung latter stage na ng pagbubuntis ko. Naiiyak nga ako nun kasi imagine I'm up from 2 a.m. hanggang 5 a.m. and makakatulog ng 2 hours lang dahil gigising na naman para pumasok ng 7 a.m. Kasi yun yong dating ng hubby ko from work kaya nagigising ako sa mga sipa ni Derelle. Siguro alam niya dumating na Dada nya ahihihi!

I was anaemic din pero as long as nacocomplete mo yung 8 hours, I think it's ok, I make sure that I sleep kahit 9 p.m. pa lang para magising man ako in the middle of the night may laban kahit paano.

O sige later tayo chika ulit, uwi na ako.

Ciao!

klaire
04-11-2006, 08:59 PM
thanks po mga mommies!!oo nga po eh..excited napo ako mamili iba nya gamit..hihihi..may mga gamit na sya na pink..tpos yung iba,hihingi ako sa ate ko na may anak n babae..haii..can't wait to see her..:luvstrk:nkapuwesto na nga pla baby ko,ready na sya lumabas..

nga po pla,my mga stretch marks na po ako,sa my bandang puson ko..sobrang kati kasi eh..:disappointed:di na nga yta tlga mtatanggal sa buhay ng mga mommies yun eh..mommitch klan ka po ngka stretch marks nun?

ako po 7 1/2 mos na po ako..pro sobrang galaw nya na, kpag patulog na nga ako dun nya ako kinukulit,nkakagulat sya gumalaw..tpos kinakausap ko sya na paggicing na lng nmin sya laro ulit..gaya ngayon,eto n nmn po kmi..hehehe!mnsan yung tlampakan nya ata yun or tuhod nya ginagalaw nya,prang bolang maliit na bumubukol sa chan na nagpapahabol..twa ng twa husband ko..hehehe!

cge po mga mommies! hai sarap sanang kumain ng kumain ng ice cream at halo-halo sa init ng panahon..:bored:Godbless po!

mitchteryosa
04-12-2006, 03:53 AM
Hehehe I can't remember anymore, basta bago manganak meron na, Di naman kasi ako conscious diyan dahil I don't wear midrib naman eh hehehe!

chaching
04-12-2006, 06:55 AM
Hello mom22.. ang galing noh? almost sabay tayo :laugh: Yung chan ko bilog, as in bilog na bilog parang bola. Hindi ako familiar sa mga kasabihan tungkol sa shape ng belly. Ano ba ibig sabihin pag matulis ang chan?

Matagal na kami ng hubby ko dito sa Michigan. Pero every year umu-uwi kami sa Pinas kasi parehong parent namin nasa Manila pa.

Malikot na yung baby ko. Galaw ng galaw. Nakikita ko na rin yung chan ko na gumagalaw..nakaka-aliw. Si Ron (my hubby) nung nakita nya first time na gumalaw ang chan ko gulat na gulat. Ang cute.

Mahirap na rin ako makatulog sa gabi. Madali akong antukin, kaya lang I wake up like every 2 hours to go to the bathrrom. Tapos pag-balik ko sa bed, it takes me a while to go back to sleep.

Tapos narin naming gawin yung nursery room ni baby. HInihintay ko na lang yung mga curtains and yung bedding para sa crib. My mom bought me lots of stuff pang baby dyan sa Pinas. Mostly yung white na shirt na parang kimono. Dami nya nga binili. Pero okay yun para tipid ako diba?

Nga pala, alam nyo ba yung name nung parang oil na pinapahid sa chan ng baby kapag may kabag? I will ask my mom to buy me one, kaya lang I can't remember what it's called? Alam nyo ba?

chaching
04-12-2006, 07:15 AM
Nga pala, here's my picture site with piczo (http://marie1104.piczo.com). Yung nursery room, kulang pa ng curtains and bedding.

dkekai
04-12-2006, 01:04 PM
kung sa paramihan ng stretch mark siguro ako na yata yung pinakamarami at ang lalaki nung kamot sa akin... mga nagkukulay pula! wwaaaaa grabe ako 6 months pa lang meron na! nung una ayaw ko magkarun nun. talagang super pahid ako ng mga oil. pero wala ring nangyari... pero ngun ok na sa akin. heheh tanggap ko na... basta ang impt healthy ang baby ko. eh sabi naman ng asawa ko ok lng daw sa kanya yun hehehehe kasi nung una ang drama ko.

dkekai
04-12-2006, 01:10 PM
@chaching
wwowww pareho tayo ng dog. chow chow!!!! kamukha ng aso ko hihihih ska ang ganda mo rin!!! at halatang halata ang hubby mo na excited sa baby nyo!!!

mitchteryosa
04-12-2006, 01:22 PM
@ Chaching : Pag matulis daw ang tiyan ay boy, kapag bilog na bilog girl naman.

@ dkekai : Ang stretchmarks ay trademark ng isang ina kaya don't be shy kung meron kayo niyan.

mom22
04-12-2006, 01:54 PM
hi mga beauting mommies!! :)

@mom chaching - cute ng aso nyu ah!! ehehehe ang cute ng hubby mo, xcited na cya sa little boy niya! ako kse ung tummy ko patulis ung shape........ehehehe at malikot din, lakas sumipa ha! gusto ko na yata magpa ultrasound para malaman ko na ang gender......hmmm............inggit ako sa inyo eh, lam myo na yata lahat! ako nalang yata hindi..................

@mom dkekai - pareho tayo, sobrang bantay ako sa stretch marks, 6th month ko na, so i guess it will start na anytime........ayoko rin sana eh, kse nasa type ng skin talaga un ng girl eh...i read somewhere 90% of women get stretch marks talaga! parang sign of motherhood :)

see mali-mali naman talaga mag hula2x eh.....kaya ako, hintay nalang...ahahaha
sino dito ang lumalaki na ang ilong?! at namamaga na ang feet pag matagal naglalakad?

ehehehe

Van

mom22
04-12-2006, 01:56 PM
mommy mitch.............

ok na ba po ang lagnat ni baby derelle?! ang cute talaga ng baby nyo noh?
ehehehehe
laki2x ng eyes nya, pano mo cya napa pose ng ganun?
ano-ano mga ipina vaccinate mo sa kanya?
marami ba? wawa naman si bby, bka masakit ung needles ni Dr. Menang!
*hihihihi

Van

mitchteryosa
04-12-2006, 02:10 PM
Medyo bumaba na lagnat niya. BCG Vaccine yun. isnag oral isang injection. After 2 months another one na naman ewan kung ano naman at para saan yun.

Di ko siya pinapapose basta kuha ng kuha. Minsan tawagin mo lang sya sa pangalan niya at tangu-tanguan ngingiti na siya. Smiling face eh wag lang totopakin at aarkuhan ka ng kilay! Hehehe!

mom22
04-12-2006, 02:26 PM
ganun pla un? dami naman pla vaccination kailangan....bibinyagan mo ba si baby?

nku si baby derelle may pinagmanahan talaga!! i wonder sino..............hmmmmmmm
ehehehehe! duda ko personality mo nakuha nya mom mitch tapos ung face ni daddy, perfect combi! :)

un ba iniisip mo before? kase ako ngaun, parang nililihi-an ko sweetie ko! parang mas na gwapo-han ako sa kanya now, tapos gusto ko bby namin kamukha nya!!
ehehehe ~ weird!

Van

mitchteryosa
04-12-2006, 03:47 PM
Yup pero wala pang schedule kasi wait pa namin na completely maayos yung papers niya dito, inaapply pa lang namin passport niya eh. Nakaattend naman na kami ng seminar for baptismal, ganun kasi dito otherwise di nila tatanggapin at di ibibigay ang baptismal certi.

dkekai
04-15-2006, 11:42 AM
hhooyyy galaw galaw baka manasin hehehehe!!!!

mom22
04-15-2006, 11:51 AM
hello mga mommies!! :)

quiet yata tayo ngaun ah? bka kse holy week kya ganun..........
nothin' much has changed naman for me, malikot pa rin si baby!
ehehehe tapos i was thinking, being pregnant & all, pwede kaya ako excused
sa fasting?! ahahahaha....gutom kase ako lage ngaun eh! kainis! feeling ko tuloy
ang taba ko na........aaaaahhh......
anyway, parang may varicose vein na yata ako.....near my angle.........
liit pa naman but i'm scared na lalaki cya!
may ganun din ba kyu?!

wala lang..ehehe..ingatz po kyo lahat!

Van

kazuna
04-18-2006, 05:44 PM
hi mommies..musta na pregnancy nyo?

anyway, just want to ask if 141/83 bp is normal for pregnancy? ngworry kz ko ngaun, laz check ko kz yan ang bp ko...
and any tips na food pampababa ng dugo to avoid hypertension?

pls help...im worrying bout my condition..







http://www.xanga.com/mz__anna

mitchteryosa
04-18-2006, 07:49 PM
Garlic ay pampababa ng dugo, but it's always better to ask and consult your OB before taking anything para mas sure ka. Mahirap na may bata sa sinapupunan mo.

klaire
04-19-2006, 01:11 AM
hi mga mommies!!!

@kazuna..the best nga is consult ur OB..tska fruits po..:cool:

sabi doc ko 2-3weeks from now, anytime pwede na daw ako mnganak..waaaahhhhhhh..tatakot ako..

niweis..isang preggy pants na lng kasya sakin..:-]

nga po pla,namili nako ibang gamit ni baby..puro pink..ahihihi..tpos mejo inaayos ayos ko na rin mga iba nya gamit..excited na kmi bhebekoh eh..hehehe..:luvstrk: pti mga dadalhin sa ospital..hihi..

cge po..yun lng muna sa ngayon..blitaan ko na lng ulit kyo sa ssnod..

ingat po mga mommies! Godbless..

mom22
04-19-2006, 10:03 AM
wow.............mommy klaire, malapit ka na.........:)
grabe, kainggit ka naman!

mommy ann....i think to avoid hypertension, you should:
1. have a good diet - moderate sodium intake, eating plenty of fruits & veggies, low-fat or non-fat dairy products and grains may be especially helpful in keeping your blood pressure down.
2. adequate fluid - gotta drink up to 1 gallon a day...(don't drink more than 2 cups --16 ounces -- at a time)...ths will flush excess fluid retained in the body.
3. plenty of rest - preferably feet up...ehehe

and yeah...consult your doc para sure! don't worry, everything will be fine!

mga mommies, every morning just when i'm about to wake up, i have these leg cramps! sa left leg ko...........i've been trying to eat banana para i hae potassium pero i still have the cramps, sino may alam dito how to avoid this??

thanks!!

Van

mom22
04-19-2006, 03:42 PM
by the way, got thie info about hypertension from the book 'what to expect when you're expecting'. :)

mitchteryosa
04-19-2006, 04:28 PM
I did subscribe to that when I was pregnant, it's really helpful, everyday merong info based sa kung ilang weeks ka na.

mitchteryosa
04-19-2006, 04:31 PM
mga mommies, every morning just when i'm about to wake up, i have these leg cramps! sa left leg ko...........i've been trying to eat banana para i have potassium pero i still have the cramps, sino may alam dito how to avoid this?? I had the same problem and it's normal daw kapag preggy ka. I asked my OB sabi niya better to eat apple daw kasi it contains all the nutrients that we need. Saka itataas daw yung legs when you are sitting para di ka magkaganyan lagi. Buti ka nga when you are about to wake up, ako dati when I'm asleep bigla na lang parang naninigas legs ko, ang sakit saka nakakagulat.

dkekai
04-19-2006, 08:02 PM
wwooww mom klaire sinabi sau ng dcotor mo un? ako mag35 weeks na sa fri... pero sabi nya sa akin maliit daw tyan ko... gusto nya pag hiniwa nya ako malaki daw si baby.... nung una may 5 ang sked ko... ang gulo nya... bka mga 6 7 8 nya daw ako hiwain. pinapakain nya ako ng meat para lumaki daw si baby. waaaaa naliitan pa sya sa tyan ko. sya daw 2 times nya iniinum yung elevit(vitamins) nya.para daw lumaki baby nya. ( BUNTIS AT CS DIN SYA) hihihi paano kaya kung maglabor ako after 2 weeks or before ng CS ko.ano kaya gagawin ko, ang layo pa naman ng hospital ko. :-( napaisip kasi ako nung sinabi ng doctor mo na 2-3 weeks manganganak ka na. kelan po ba due date mo?

klaire
04-19-2006, 09:20 PM
@mom22..pangiwas cramps and manas ang beans,like munggo,black beans or sitaw..nagkakaganyan din ako dati eh,pro nung twice or thrice a week nako magulam ng beans di ko na nraranasan yun..excited n nga ako na ntatakot sa paglabas ni bby...:luvstrk:

@dkekai..sabi nya possible na pwede na mnganak or pwede pang lumagpas if u reach ung 36 or 37 weeks..pro due date ko is june 4,5 or 6..kya yun,gusto ko n nga magleave ngyon pra mkapaglakad lkad na ko pra mas mdaling manganak..hehehe..kya lng sabi doc ko,tska na lng daw ako leave pag mejo nagoopen na yung cervix ko..sayang daw kasi yung time na ilalagi ko sa bhay ng wla nmang ginagawa..nkakaranas kna ba ng contractions?yung tumatagal sya for a minute or 2mins?
advised ko po sayo,sa week na expected mo na due date mo confine kna agad sa hospital..lalo na wla ka pa nmn ksama..pwede rin nmn daw biyakin basta u reach 39th week..ayon sa kakilala ko,2nd baby n ksi nya yung lalabas and CS ulit..kya papaconfine n lng daw sya on the week na expect nya or due date nya..:up:

ayun,yun lng po sa ngyon..tc po sa lhat and Godbless!

dkekai
04-20-2006, 07:53 AM
ako nagmana ako mga 4 to 6 months... pero ngun hindi na... baligtad nu.... lagi lang kasi ako nakahiga at di kumikilos nun.... lahat ata ng klase ng katamaran na sa akin na.

@klaire siguro kaya gusto ng doctor ko na palakihin ang baby ko kasi sa 36 weeks nya ako iCS. kasi naman.... sabay pa kami nabuntis.. eh gusto ko sya pa rin magopera sa akin. 2 days old lang ata ang baby ko sa kanya hehehe. yep nagcocontract din ang tyan ko... normal lang daw yun. pro sabi sa akin ng OB ko pag madalas daw magcontract tawagan ko sya at paiinumin nya ako pampakapit... kaso di naman madalas sa akin. kaya ok lng. siguro kapit na kapit naman ang baby ko sa akin. pati siguro paa nakakapit sa akin hehehe nga pala!!! meron na ako makakasama pag nanganak ako!! hehehhe uuwi kasi hubby ko hehehe!!! yaahhooo!!!

kazuna
04-20-2006, 01:49 PM
hi mommies! wow palakihan na ng mga chan ha??! and paunahan n kng cno unang manganak hihihi but nauna p rn c mommy mitch ahahah

anyway, tnx sa advice bout dun sa bp ko. actually mejo bumaba n sya, i-noobserve ko kz everyday, so mejo normal na ngaun..but sometimes, feeling ko prang highblood ako? dnt u feel that mga moms? ung pg nkahiga ka prang iba ang feeling? i cnt describe how, pero prang high blood ang dting? tama b un? lol and isa pa, d ba kyo nkakaranas ng gas pain? inatake nnmn kz sa skit ung sikmura ko dnt knoe y?


ok tc mommies! and goodluck sa mgdeliver this month or next month. god bless*

mitchteryosa
04-20-2006, 02:32 PM
Yung parang feeling mo gas bloated ka? I had that feeling. I told my OB, sabi niya try not eat too much daw at one time, tapos pag busog wag agad higa. Konti konti lang daw ang kain, at least 6x a day para di mabigat sa tiyan, yun ang reason kung bakit nagkaka-gas pain.

Nung latter part ng pregnancy ko, nagha-heart burn pa ako, umiinom lang ako ng cold fresh milk, oks na ako. Nawawala na siya.

Once you reached 8 mos. talaga mahirap na kapag nakahiga, ako nga maliit ang tiyan pero nabibigatan. Saka masakit yung sakong pag naglalakad kasi yung weight natin eh. Kaya dapat daw sideways lagi ang higa, mas ok daw kapag facing left kasi andun ang heart natin.

kazuna
04-20-2006, 02:45 PM
yah, bloated na masakit? bsta prang humihilab sya sa sikmura ko..gnun dn ba feel mo? and sa gabi bgo ko mtulog, grabe ung beat ng heart ko. as in prang ang bgat ng feeling hbang ngbeat ng mabilis and mlakas?

cold fresh milk? u mean tha cows milk? un kz iniinom ko nalalamigan nmn chan ko:( kya pinapainit ko pa un. d kz cla umiinom ng milk for pregnancy d tulad sa pinas.. gnun dn b jan?

mitchteryosa
04-20-2006, 02:54 PM
Don't worry about your gas pain, wag ka na lang inom ng softdrinks para di sumakit lalo. Yup, ganung feeling nga. Nung nasa pagpasok na nga ng 8mos ko may contractions but not the regular ones saka light lang yung pain, it happens especially kapag busog na busog ako. I was advised to diet na kasi esp. sa rice, kasi tumaas ang sugar ko. I was not concern of my diet kasi sabi ko payat naman ako, kaso nung nag-GTT ako, taas ng sugar.

I didn't drink pregnancy milk, couldn't find one here. Yup, cow's milk or even yung whole milk will do. I don't drink hot milk kasi saka nung early stage ng pregnancy ko, di ko type uminom ng gatas lalo yung mainit at tinitimpla, I just hate the taste of it. Kaya binigyan akong calcium tabs ni Dok.

mitchteryosa
04-23-2006, 02:31 AM
Mga buntis, lakad lakad sa kuro baka manasin kayo hala sige!

dkekai
04-24-2006, 09:16 AM
palagi ako dito pero wala nagpopost! hehehe siguro naghihintayan lang. ^o^ wala rin ako mashare ngun eh. wala nga magawa kundi tumunganga at manuod ng tv. nakakatamad naman lumabas at maggala kasi ang init ng panahon. nakakasunog ng balat at nakakapagod ang init. kaya tiis tiis na lang sa loob ng bahay. ang BABY ko naman magalaw pa rin. lalo sa gabi. nagpapahiwatig na paglumabas daw sya pupuyatin nya daw ako at di patutulugin hehehe. malapit lapit na rin ang CS ko... medyo kabado sa injection hehehe pero sana makaraos na. sana buksan na nila ako sa May 5 kasi uuwi ang asawa ko at gusto ko matagal nya makapiling ang baby namin. ^^ pero kung maliit pa rin si baby. baka iurong ung sked ko. ano bang mga food na mabilis lumaki si baby?

mitchteryosa
04-24-2006, 02:51 PM
As far as I know, puro milk lang ang pwede from birth to 4 months, 4 months onwards pwede na ata solid food paunti-unti. Pero siguro kung breastfeeding mas mabilis lumaki si baby saka mas healthy.

dkekai
04-24-2006, 02:57 PM
i mean pag nasa tyan pa si baby.. ano pa bang pede kong kainin para lumaki sya agad? yung baby mo? ilang pounds sya nung lumabas? kasi isip ko rin baka kaya liit lang tyan ko kasi nagdiet na ako tapos mallit din naman yung katawan ko. sabi lang ni doc bawas lang ako sa rice kasi di naman daw yun napupunta sa baby. sa akin lang napupunta.

mitchteryosa
04-24-2006, 03:13 PM
Nyek! Di bale ng maliit siyang lumabas, mas okay yun kasi baka mahirapan ka pa lalo, sabagay kung CS ka walang prob. 6.8 lbs lang si baby ko, but in just 3 months she gained half of her birth weight, kaya kahit maliit siya dati okay lang basta healthy, anyway madali lang magpalaki ng baby.

Tama yang less rice kasi ma-sugar ang rice. Ako din dati pinagbawalan kasi tumaas ang sugar ko when I was on my 7th month. Normal delivery pa naman ako.

mom22
04-24-2006, 05:15 PM
halo mga mommies!!!

sorry, busy-busyhan sa trabaho eh...........di na tulog ako mkapag kuro everyday! :(
may 3 ka manganak mommy dkekai, para ka-birthday ko!!!! wahahahaha
magaganda/gwapo daw ang ppl born in may!! ahahahahaha

mommy mitch, ginagawa ko exercise ung walking, ok ba un? kase may nag sabi na wah muna daw ngaun (26 weeks pa ako) dahil it's too early bka bababa na si baby agad!
anyway, i do this kase napansin ko, lessened ang heartburn ko & bloating na feeling pag i sweat or i walk around.............:)

kayu ba mga mommies?? nag e-exercise din ba kayo? or walking?

Mommy Van

mitchteryosa
04-24-2006, 06:28 PM
Okay din yung walking sa ngayon basta wag masyado yung kaya mo lang. Gawin mo ag walking na dibdiban kapag kabuwanan mo na. Para matagtag ka at mabilis ka manganak.

Wala akong ibang exercise noon kundi walking, kakatamad eh hehehe!

mom22
04-24-2006, 08:09 PM
ako din eh!! walking dahil tamad din ako!! ehehehehe at keggel minsan2x........
did you do that also??

mitchteryosa
04-24-2006, 08:10 PM
Walang ibang exercise akong ginawa kundi maglakad, sapilitan pa nga yun eh hahaha!

mom22
04-24-2006, 08:20 PM
ahahahaha......when did you start walking religiously?kse ako nung 5 mos pa......tapos sabi sa akin wag daw sobrahan.....tingin mo? 30 mins ok lang dba?
nasa haus lang kse ako always!! i mean dito kse ako work..kaya limited ung walking ko compared kung nasa labas ako nag o.office or something............

mitchteryosa
04-24-2006, 08:27 PM
Nung kabuwanan ko na especially the last two weeks of my pregnancy. Higpit ng bantay eh, andito ang mommy.

Pero everyday kasi I get to walk talaga, I had no choice kasi yung pick-up point ng service namin talagang lalakad ako from house to that point. Tapos every Friday nun pag off naming mag-asawa, sapilitan din akong pinalalakad. Sakit nga sa sakong eh, bigat kaya maglakad.

dkekai
04-24-2006, 08:34 PM
aawwww ako naglalakas sa loob ng bahay... paikot ikot lang sa isang lugar. (pero di malaki haus namin) paikot ikot lang ako maglakad kasi ayaw ko lumabas... sobrang init eh... ToT so sa haus na lang ako. sabi nila di ko na daw need magexercise kasi CS naman ako... pero gusto ko mapagpawisan habang naglalaks kasi sarap ng pakiramdam.... ayaw ko naman nung pinagpapawisan ako ng dahl sa init ng panahon... yung tyan ko mataas pa rin... mom mitch? ikaw 8 months mo mataas pa rin ba tyan mo?

mom22
04-24-2006, 08:39 PM
mabuti ka pa, ako nga i have to go to the mall to walk around!! ehehehe wala na kase ako malakaran dito sa haus.........
kaya pag nasa mall na. sus..........nkakakain ako ng halo2x! ahahahaha
ako nga eh, pag 1 hour na, masakit na ung likod ko :)

mom22
04-24-2006, 08:40 PM
mom dkekai, ano na circumference ng tyan mo?? :)

mitchteryosa
04-25-2006, 01:14 AM
mom mitch? ikaw 8 months mo mataas pa rin ba tyan mo?Sobrang baba na tiyan ko nun, kaya nga daming nag-akala na maaga akong manganganak eh one day earlier lang naman. :p

dkekai
04-27-2006, 01:38 PM
weeeeeeeeeeeeee bukas 36 weeks na ako!! 9 months na!! weeee cant wait pero takot!! kasi iniisip ko pa rin gabi gabi ang anesthesia sa spinal cord hehehe! sana magaan ang kamay ng doctor para di masakit! o kaya maliit na karayom lang gamitin baka matiis ko pa hehehe!!! ate MITCH siguro lagi ka kumikilos at naglalakad kaya mababa ang tyan mo!! ako kasi TAMAD! kakatamad kasi kumilos ang init kasi eh! waaaaa di naman makagala! kasi init sa labas hehehe si KLAIRE kaya ano balita? di na nagpaparamdam.. di kaya nanganak na yun hehehe naunahan na ata ako hehehe.

mom22
04-27-2006, 04:09 PM
hi mommy dkekai!!!!!! wow......congrats at 9 months kana....a few more days na lang ang hihintayin nyo ng hubby mo :)

oo nga ang init kaya ng panahon ngaun! sobra! ayaw ko rin lumabas, kaya pag i do my walking sa mall nalang, tapos kain ng halo2x waaaaaaaa, parang wala tuloy effect ang exercise ko...ahahahaha!!!

bawal din ba ung iced teas? kase diba may caffeine din un? umiinom kase ako nun minsa eh...........

Van

dkekai
04-27-2006, 05:53 PM
OPO! bawal din po yun! dahil may caffeine po. kaya wag muna inom... adik adik din ako sa ice tea pero iwas muna kasi ang ice tea dito sa atin matamis din. pero sabi naman ng pinsan kong nurse... ayos lang daw uminom ng ice tea or softdrinks wag lang daw sobra... yung araw arawin daw ba... wag daw ganun. kaya ako minsan pag di talaga napigilan nagsosoftdrink din ako.. pero sobrang minsan naman. kahit yung ice cream en cake.. ok lng din daw kumain wag mo lang daw araw arawin. kaya ako. .makatikim lang ayos na! masaya na ako! pinakasafe talaga inumin TUBIG hehehe. kahit yung mga orange juice like TANG etc... di rin daw maganda nun kasi puro sugar lang naman daw yun. fresh juice talaga pinakamainan. ^^ kaso hirap naman.

mitchteryosa
04-27-2006, 06:24 PM
ate MITCH siguro lagi ka kumikilos at naglalakad kaya mababa ang tyan mo!! Kasi tagtag ako nun sa trabaho, everyday biyahe for like 30 minutes, so in a day, an hour ang byahe ko from house to work, tapos lakad pa from kanto hanggang bahay. It helped though. Mabilis siyang lumabas kahit na nagtagal ako sa labor.

mom22
04-28-2006, 04:20 PM
mommy mitch!!

happy birthday po........ :cake:
you deserve all the blessings that are coming your way
'cuz you have a kind heart!

thanks for the tips & the friendship! take care sayo & sa family mo!

mommy Van

dkekai
04-29-2006, 08:46 AM
wwoowww happy bday pala ni ate mitch!!! weeee happy birthday po!!! salamat din sa mga tips!!! syempre salamat din at gumawa ka ng topic na ganto!!! mrami kami natututunan!! hihihhi happy birthday!!!

mitchteryosa
04-29-2006, 04:40 PM
Thanks sa pagbati niyo!

And welcome sa pagthank you niyo dahil I made this thread. Nakatulong din naman sa akin ito dati.

Be safe everyday! Lalo na yung malalapit nang manganak.

klaire
04-30-2006, 12:07 PM
Happy birthday po mommy mitch! Uu nga, thanks sa pag-open ng thread na to..dami ko natutunan!!:up:

Hellow po mga mommies! pasensiya na kung nagdisappear ako..hehehe..
35th week ko na po sa tuesday..waaaahhh...

Panay ang contract po nya ngayong araw na to..hai..
gusto ko na tlga magleave,kung di lng sayang yung oras na nkastay
lng ako sa bhay..:disappointed: sayang kasi yung time na mkakasama ko si baby eh..
sinasabi din sakin doc ko syang yung time..tska na lng daw ako leave pag open na yung cervix ko..

Mejo mababa na po yung tyan ko..pro klngan pa din ng matinding lakaran
para mas bumaba pa sya..

ayun,yun lng po balita ko sa ngayon..bbye po..uwi nako!
hehehe..

ingat mga mommies..Godbless!:luvstrk:

klaire
05-03-2006, 07:56 AM
@mommy mitch..tanong ko lng po kng what week kna nagleave dati?
or what week kna nhirapan pumasok sa work?thanks po..

Godbless!:luvstrk:

dkekai
05-03-2006, 09:48 AM
helloo!!! bibiyakin na po ako bukas!!! saya saya!! pero takot pa rin sa injection hehehe mamaya 6pm papa admit na ako. then tom 10am ang biyakan hehehe. excited na ako at happy kasi dito rin asawa ko magbabantay sa akin. ^^ nagpaultrasound ako 6lbs si baby. pero pede na sya ilabas. nakapulupot nga lang sa leeg nya nga lang yung cord pero ok lang naman daw kasi maluwag naman daw. kaya pinapabantay sa akin galaw ni baby. o tsige na po!! gtg na po!!! babalik ako pag malakas na ako!! bb!!!

mom22
05-03-2006, 11:43 AM
wowowowow!!! mommy dkekai congrats and gudluk po sau and hav a save delivery po :)

had my scan today............... guess what mga mommies!!! we are having a BOY!!!!!!!!!!!!!! :D

mitchteryosa
05-03-2006, 02:12 PM
@ Kekai : Goodluck ha? Lakasan mo ang loob mo, you can do it! :up:

@ Mom22 : Congrats! I'm sure super happy si daddy! :)

mitchteryosa
05-03-2006, 02:15 PM
@mommy mitch..tanong ko lng po kng what week kna nagleave dati? or what week kna nhirapan pumasok sa work?thanks po..Godbless!:luvstrk:Nagleave ako 2 weeks before my due date coz my mom was coming that time, pero kung hindi I would have just waited at work kung kelan ako abutin kasi mag-isa ako lagi sa bahay, I'd rather go to work kesa naman abutin ng mag-isa lang. Di ako nahirapan nung pumapasok pa kasi magaan naman akong magbuntis eh. Di rin ako hirap gumising sa umaga, and I didn't have to wait for a bus dahil may service kami. Kaya everything was easy for me.

Thanks nga pala sa pagbati ha? :)

klaire
05-04-2006, 02:28 PM
@mommy mitch..welcome po..wow buti ka pa! ako kasi papalit palit ng sked ko sa work eh kya mhirap tska mejo masakit na paggalaw ni baby ngyon..di nmn ako mhirap gumising sa umga..and gud news nga po pla mga mommies,pang-umaga na sked..haii..mejo napapadalas na rin pagcontract nya..klangan ko rin mejo lakad lakad pra bumaba pa sya lalo..pro sabi doc ko sa 37th week ko na lng daw isagawa ang paglalakad bka daw kasi mapaaga masyado eh di pa nya naabot yung right time na maturity nya..tska mejo mabigat po kasi sya..pro di nmn mukang iCCS..hehehehe..

@mom22..wow baby kulit boy! im sure tuwang tuwa husband mo nyan..lapit kna din noh! hehehe..

Nakupo! musta na kya si mommy dkekai..bka nabi-ak na sya..hehehe..let's pray na lng cguro sa safety delivery nya..:luvstrk:

Dalawa na pla na mga mommies na manganganak dito sa kuro thread na to noh! saya-saya..at pasunod na pla ako..wahhhh...:wah:

cge po mga mommies..Godbless!

mitchteryosa
05-04-2006, 02:51 PM
Musta na kaya si Kekai? Naisip ko siya bigla!

Naku Klaire dapat lang bigyan ka nila ng considerations no! Ako pinanay-panay ko ang lakad 2 weeks before I gave birth.

mom22
05-04-2006, 02:56 PM
hi klaire....oo nga tuwang-tuwa ang daddy nya! hehehe dream nya kase boy baby nya :) ngaun ang names nalang ang pinagka aabalahan ko!
malapit ka na rin............wow....exciting!! ang saya ng feeling noh?? ehehe
ano na weight ng baby mo ngaun? ako kse, sa ngaun, 2.20 lbs pa cya...ehehe liit pa!

oo nga, musta na kaya si mommy dkekai! nasa hospital na ung nagun.........
nag check in kase un kahapon dba? let's just pray for her safe delivery

mommy mitch, dba marami dito nagpo-post dati nung buntis ka rin?
saan na kaya un? bka na busy na sa baby nila!

Van

mitchteryosa
05-04-2006, 03:03 PM
Mommy Van, wala ako lang lagi saka yung mga nanay na dito, sila bigay tips sa akin, saka si Berdeng Lason kaso busy na siya sa baby niya eh! Si Grasya din busy at work. Tatlo ata kami dati bago kayo mga nabuntis hehehe! Ay meron pa pala si Maureen pero di siya buntis nun, kakapanganak ata.

mom22
05-04-2006, 03:19 PM
ahhh..okie....i met berdeng lason...ehehehe :) cutie rin ng baby boy nya! tapos ang laki pa!

mitchteryosa
05-04-2006, 03:52 PM
So ano pang updates sa inyo?