View Full Version : Pregnancy Tips


Pages : 1 2 3 [4] 5 6

klaire
05-05-2006, 03:35 PM
nakakatuwa mga officemates ko..lhat halos sila pinaglleave nako..hehehe..sila knakabahan para sakin..bka daw kasi dito ko manganak..sabi ko nmn,wag sila alala dahil bka abutin pako gang 3 weeks..:-] tpos team leader ko,sya na magffile ng leave ko..hehehe..

@mommitch..ganun po ba tlga?ang tagal nagcontract knna..mga 5-7mins tpos si baby ko di gumagalaw..kinabahan tlga ako..tpos mga after 2mins gumalaw na rin sa wkas baby ko..

@mom22..pano po ba mlalaman weight ni baby?pro for the past 3 check-ups ko..wlang nagbago..58kgs parin ako..so,mula tumuntong ako 7mos 58kgs nako..saya nga eh,ksi ibig sabihin nun effective yung pagdidiet ko..4-5 times ako kumain pro konti konti lng..ok daw sbi OB ko..:luvstrk:

ayun,yun lng po sa ngayon..Godbless!

mitchteryosa
05-05-2006, 03:40 PM
Yung contractions na di regular is normal, yun ang tinatawag na Braxton Hicks.

Kapag manganganak ka na talaga yung contractions (based from my experience ha?) every 5 minutes ay sasakit, sa loob ng 5 minutes na yun mga 2 minutes yung pain at matindi talaga yun. Tapos uulit na naman after 5 minutes. Saka di na gumagalaw ang baby kasi pumoposisyon na sila palabas.

Yang nararamdaman mo normal lang daw yan, di pa yan. Pero pag ganyang iba feeling mo, consult with your OB din kasi you'll never know, iba iba ang signs ng manganganak, like sa case ko my water didn't break. It was a dry labor, puro blood ang akin kaya mas masakit.

mom22
05-05-2006, 07:40 PM
mommy klaire...nalaman ko ang weight dahil un ang sabi ng nagpa ultrasound ako...:)
i heard nga normal ung contractions......ehehehe pero wala pa ako nun! nako sabi nga ni doc sa akin, i gained fast daw, so dapat dahan2 sa pagkain (halo2x talaga ang may kasalanan nito :-/ )

mommy mitch, tanong ko lang, 7 mos na ako eh bale 28 weeks, tapos si baby breech cya ngaun, kaya ung kicks nya, masakit! natatamaan ang bladder ko and feeling ko may pressure sa aking u know ehehehe!! when mo nalaman na ang baby mo head first na cya? kse sabi ni doc, i must walk daw 1 hour a day, para to help the baby din kse mabigat ang head tapos kusang babaliktad nalang daw...

mom22
05-05-2006, 07:43 PM
o0o masarap nga ang bawal!! o0o

http://i21.photobucket.com/albums/b268/VAN_pictures/Image046.jpg

hindi ko na pwede kainin....nkakataba eh....:-/
share ko nalang dito..ehehehe

mitchteryosa
05-06-2006, 02:40 AM
Naku Mommy Van di ko na matandaan eh. Basta ang alam ko nasa tamang posisyon si Derelle nung dapat eh head down na. As I remember nung tulad mong 7mos. ako nasa tamang posisyon siya. Pero yang nararamdaman mong masakit sa ano mo, naramdaman ko din yan, kasi habang lumalaki sila sa tiyan natin mas nagiging malakas ang kicks kaya ang nasasapol yung bladder natin, that's the reason why we pass water regularly. Lalo na kapag latter part na ng pregnancy mo, minsan pag kick niya feeling mo napaihi ka na talaga hahaha! Parang nagli-leak ba na feeling. Mas malikot na baby sa loob mas maganda, sign na healthy and active siya.

Kung breech baby man siya, nothing to worry. I was born breech hehehe! Forcep baby daw ako pero kita mo wala naman akong prob, eto at active sa kuro hahaha!

mom22
05-06-2006, 09:12 AM
thanks mommy mitch...worried lang kase ako...ehehehe!!
i'll start walking daily from now on, kse di tulad mo, wala akong regular walking
exercise eh....dito lng kse ako lagi sa bahay kaya ganun....
it would help daw kase if i walk regularly, bababa na daw ulo ni baby nun :)

thanks!!!

Van

klaire
05-06-2006, 04:08 PM
@mom22..normal lng po yung nraramdaman mo kasi sa mga stage na ganyan tlgang sa lakas ng paggalaw nila pati yung kidney naiipit kya prang naiihi o kya prang may sumusungkit sa ano naten..hehehe..sadyang ginawa lang tlga baby natin na makukulit..hehehe..
nakupow!!dapat mo n ngang iwas iwasan yung halo halo kung blak mo normal delivery ksi mbilis tlga magpalaki kay baby yan..fruits na lng pagdiskitahan mas ok pa..hehehe..

ako nga ngayon may pwesto ako sa pagtulog na ayaw nya..tlagang tinatadyakan nya tagiliran ko..kulit..:luvstrk:

nkapwesto na sakin nung last ultrasound ko..that was nung 7th month..kya i dont need to worry n ngayon bout sa pwesto nya..cguro dahil din sa paglalakad ko tska pagccommute ko papunta sa work..mbuti n lng isang sakay lng mula samin gang dito sa office..hehehe..bka next next week leave nako..yahoooo..:banana: klangan matinding lakaran eh..

cge po mga mommies..bbye..Godbless:luvstrk:

dkekai
05-07-2006, 09:35 PM
wweeeeee!!!! tapoooosss na!!!! hahahaha!!! grabeh!!! yung kinatatakutan kong anesthesia di pala masakit. actually sa iba masakit daw talaga pero ang galing ng anesthiologist ko. sanay na sanay na! para lang ako kinagat ng langgam.. nakakahiya nga kasi nanginginig ako masyado. eh mas masakit pa yung injection a akin sa braso hehe. mas mahirap nung matapos na operasyon.. masakit yung tahi. grabeh alam nyo ba? i ccs na lng ako... nagkaUTI pa ako!!! ang swerte ko kasi di naapektuhan si baby ko. naramdaman ko lang symptoms nung naoperahan na ako. nagpapasalamat ako kay Lord kasi kahit nagkadengue at UTI ako di naapektuhan ang anak ko. healthy daw sya sabi ng pedia, at ok ang hearing test nya. hintayin ko na lang result ng new born screaning. 6lbs nga po pala si baby ko en 50cm ang haba nya.^^ ATE mitch!!! ang sakit pala magpabreast feed waaaaahhh sumusuko ako. pero try ko pa rin. breast pump ko na lng kasi sobrang tigas ng breast ko at parang sasabog. sa ngaun yun lang po muna mashare ko!! sobrang happy ko pati ang asawa ko!!! sinosolo yung baby hihihihi!!

mitchteryosa
05-08-2006, 12:59 AM
Uy congrats ineng! Nakaraos ka na finally! Lakas ng energy mo, CS ka niyan huh at nakapagpost ka na agad, bilib ako!

Ay oo masakit talaga, ako nga nagsore pa nipples ko nun kais grabe maka-suck si baby, akala mo may kaagawa hahaha! Continue mo lang ha kasi pag naiipon mas sumasakit saka baka pag di nadede maurungan ka ng gatas. Pwede mo naman ipump tapos store mo sa fridge ng kahit 24 hrs it's safe pa din daw to drink.

dkekai
05-08-2006, 10:01 AM
hehehe kai nung 1 day after cs pinapalakad na agad ako. kaya lakad ako kahit hirap para lumakas agad . tapos bakasyon pa asawa ko kaya palitan kami ng bantay. lagi pa tulog si baby. peo puyat pa ako nito ha!! kasi every 3 hrs pinapadede namin sya. siguro pagalis ng asawa ko busy busyhan na hehehe. ate ano ba ginagawa mo pag nagosore nippl mo... ano gawa mo para mabawasan sakit. sa ngun di ko muna sya pinapadede sa akin, binebreast pump ko na lang. kaso 10 yrs bago mapuno ang bote. patak patak lang lumalabas. di ba dapat sumisirit yun sa dami?

mom22
05-08-2006, 04:01 PM
wow, mommy kekai!!! congratulations at nakaraos na din................nka pag post kana kahit CS! woah......lakas ng energy mo...!!!
salamat naman at OK si baby at normal lang lahat......sana we can see a picture of you & your baby!!
para may kalaro na si baby derelle ni ate mitch...

susunod na si klaire nito......tapos ako na....tapos si mommy anna!!! ang saya nman!
ang daming blessings...ehehehe

naku takot parin ako kse si bby hindi pa ka position, i guess, i'l give it 1 month more! dapat sa 8th month nya head first na cya, kung di pa talaga! whole day ako
maglalakad!!! ahahaha j/k

Van

mitchteryosa
05-08-2006, 11:58 PM
ate ano ba ginagawa mo pag nagosore nippl mo... ano gawa mo para mabawasan sakit. sa ngun di ko muna sya pinapadede sa akin, binebreast pump ko na lang. kaso 10 yrs bago mapuno ang bote. patak patak lang lumalabas. di ba dapat sumisirit yun sa dami?Hinayaan ko lang nun, kasi naman 3 days lang ako nakapagbreastfeed dahil inayawan niya, naliitan ata hahaha! Ang nangyari nanakit ang breasts ko kasi nga di nababawasan, tapos nung ika5th day siguro saka ko naisipang magpump, ayun tulad mo it took 10 years to make an ounce hahaha! Kaya tinigilan ko na kasi masakit. Kaya eto magastos, we are giving her S26 Gold, hiyang naman siya at malakas maggain ng weight kahit di siya ganun kabilog, sabi ng pedia niya healthy and tama ang timbang for her age. I guess nasa 13lbs na siya ngayon. Or maybe more.

klaire
05-10-2006, 02:24 PM
grabeh! superwoman ka tlga mom dkekai..hehehe..bilib na tlga ako sayo..:banana: Thank God ur both ok ni baby..dati pa bang may gatas breast mo bgo sya lumabas or nung paglabas nya na kaw nagkaron?kasi ako,wla pa rin gang ngyon..:-/ may aalagaan kna ngayon nyan..hihihi..ako nga sa sobrang excited napapanaginipan ko na nabutas na daw yung panubigan ko..tpos dinala na daw ako sa ospital..hehehe..

mommitch..eksakto ba yung week n sinabi ng OB mo sa delivery date?or sa mismong date?kasi sabi OB ko pwede din daw madelay or maextend pa ng isang week..

naku..ako na susunod...:-X tpos si mom van na..hihihi..abangan na lng ang susunod na kbanata..hehehe..

cge po mga mommies! Godbless!

dkekai
05-10-2006, 03:26 PM
wla rin lumalabas na gatas sa akin nuon.... basta ang sabi sa akin ng mga nurse at doctor. pasipsip ko lang daw ng pasipsip kay baby. kasi nung pinasipsip ko la naman lumalabas... kaya akala ko wala ako gatas. tapos di pa marunong si baby sumipsip. ang ginawa ng asawa ko pinump nya boobs ko. tapos may lumabas na napakakunti na parang transparent na katas. pero la pa rin.. sabi nila 3 to 4 days daw lalabas yung gatas. tapos tama nga sila.. kasi nung pauwi na kami... ang sakit ng boobs ko. parang sasabog. at ang tigas!! bongga!! parang may silicon!!! hehehe tapos ayun na! sabi ng mga nakakatanda pasipsip ko na daw! sakto!! natutuo agad si baby dumede hehehe pero nakakabaliw ang sakit ha!! pero di mo parin iisipin yung sakit kasi ang gugustuhiin mo yung ma drink ni baby yung unang gatas sa boobs mo. colostrum ang tawag daw dun. kasi maganda daw sa baby yun!! kaya yun agad inisip ko!! hehehe ngun di na masyado kasakit yung nipple ko. nakakaya ko na tiisin kasi di na ako sumisigaw hahaha!

mitchteryosa
05-10-2006, 08:44 PM
mommitch..eksakto ba yung week n sinabi ng OB mo sa delivery date?or sa mismong date?kasi sabi OB ko pwede din daw madelay or maextend pa ng isang week.January 24 due date na bigay ng OB ko, nanganak ako ng January 23. Just a day difference. Iba-iba naman kasi lalo na kung tagtag ka sa trabaho, pwedeng maaga. Pero mostly daw pag first child, either a week earlier or later.

shardanay
05-12-2006, 06:17 PM
Hi mga mumskis!!!

Im Sharon pala, tgal di me nkapost sa kuro busy ksi!!..I cant get on hold with Van sa yahoo lagi syang off to mall or kumakain!!!...Van dahan dahan lang sa halo2 bka lumaki bigla ung bub mo! ehehehe!!!

Ask ko lang c mum mitch(da expert), hello po, im 6 months preggy, my first baby, is it normal ba na laging nagsstiff ung tummy un ba ang braxton hicks?...and at night mdalas ung tummy ko naninigas.. and di ko mkatulog pag gabi ksi di mo alam wer to psition urself, hirap!!..

Looking forward for ur reply...Thank u po!!!..Congrats pla 2 dekekai!!!...

mitchteryosa
05-12-2006, 10:34 PM
Di naman ako ganun ka-expert sister, based lang yan sa mga experiences ko when I was pregnant, medyo bago pa kasi kaya I still remember them. Mas madaming ibang kuronians na expert dito kaso sa tagal na nilang nagbuntis di na maalala hehehe! :p

About the paninigas ng tiyan, it happens I guess when the baby moves, iba ang Braxton contractions. I have experienced that nung last month na ng pregnancy ko. Naninigas ang tiyan ko non kapag busog na busog or panay ang ikot ni baby, kung san siya nakapwesto yun ang matigas at masakit.

Dapat ang buntis sideways lang matulog. Wala kang choice kundi facing left or right. An older friend of mine once told me na mas better kung facing left ka matulog lalo sa gabi kasi andun daw ang heart natin.

mom22
05-13-2006, 02:03 PM
hi shar!!

i haven't heard from na ah!! ahahaha lage ba ako nasa mall? kase, un nalang exercise ko eh, ayoko kase dito sa subdivision namin mag walking cuz maraming aso...ehehe, bka makagat pa ako nun! sometimes sa park ako nag walking <<sabi kase ni doc, i need to walk 1 hour a day, 7 mos na kse ako at si baby footling breech pa>> buti nalang hindi na masyadong mainit ang panahon ngaun dito sa pinas, patapos na kase ang summer, at umpisa na ng tag-ulan! we had a typhoon nga 2 days ago....oo, stay away na ako sa halo2x, eversince nag 7 months ago, never na ako nag halo2x! hihi vegetables nalang! hehehehe

anyway, ako rin, masakit pag naninigas si baby! weird, nagiiba cya ng position tapos nag-iiba din hugis ng tiyan ko! aahaha natatawa nga sweetie ko!

hmmm....do you guys read to ur babies na? or play them music?
i play him music na, but hindi pa read.........na se-self consious kse ako, mag-isa lang nagbabasa! naku, pwede ba un? weird ko yata!!! am i bein' a bad mom?!!!!:-/ help!!

Van

mitchteryosa
05-13-2006, 02:20 PM
@ Mommy Van : I always play classical music when I was pregnant. Sabi nila maganda daw yun ewan anong effect nun hahaha! Basta sinunod ko lang, di ko nga naenjoy eh maliban kay Enya. Read? Nah! I didn't do it. Korek ka diyan feeling ko para akong sira nun hehehe!

I would advise na kung anuman nararamdaman niyong sa tingin niyo ay kakaiba, consult with your OB at wag lang din basta maniwala or magdepende sa sabi ng ibang experienced na, kasi iba iba ang mga nagbubuntis. Merong magaan at mabigat. Meron sa kanila normal yun sa iba naman may problema na pala. So, it's always better to be safe, ask the professionals. Eto namang dito sa thread natin eh palitan lang ng experiences and some tips that would give us an idea.

Have a nice day Mommies! And advance Happy Mother's Day na din esp to Mommy Kekai, nakahabol ka pa! :p

mom22
05-13-2006, 08:34 PM
oo nga...........HAPPY MOTHER's DAY MOM MITCH & MOM DKEKAI!!!!!
and ofcourse happy mother's day na rin sa atin mga expecting mommies!!!:up:

shardanay
05-13-2006, 09:35 PM
Thanks mitch!..Tma ka nga dpat tlga ask sa ob...

Hey Van, found this frm website storknet, hope the tip could help you..

Q. I was told that my baby (http://www.storknet.com/cubbies/childbirth/exbp40.htm#) is footling breech. I am 33 weeks. Both my belly and the baby are measuring 35 weeks. The doctor said we would watch it and see what happens but it does mean a c-section. However, this weekend I have had some women tell me that this is very serious and most babies in this position are born with cerebral palsy or other medical problems due to lack of oxygen. Is this true? What percentage of babies are turned in this way? My ob didn't give any hope that the baby would turn this late in the game.

A. A footling breech is a baby with both feet coming out the cervix first. Partial breech is with one foot up and one foot trying to come out the cervix. A "complete" breech is with the baby coming (pardon the expression) butt first, with feet up by the head or folded around the abdomen. There is no increased risk of CP just because the baby is positioned this way, but any vaginal breech delivery has an increased risk of CP and damage to the baby, more so than a vertex (head first) delivery.
I take it that your doctor (http://www.storknet.com/cubbies/childbirth/exbp40.htm#) is not willing to discuss "external version" or trying to turn the baby from the outside. I think it's worth asking about.
You can also try the midwife's trick--lay down on a 30 degree incline, with head down and feet up for 30 minutes twice a day. An ironing board propped up on the sofa seat works great. Lay with your head down by the floor, and your feet up on the "sofa" end.
You can also try heat/cold to persuade the baby to turn. Put a heating pad on the lower part of the abdomen and an ice pack where the baby's head is on the upper abdomen. They prefer heat to cold, and may turn to get away from the cold. Neither of these methods will hurt you or the baby, and they just might help--you never know till you try!!


Always take care, ul be alright...may symptoms ba pag breech ungbaby?

I tried playing Jazz music and enya , havent done reading stories yet!!..im always talking to him while taking a shower and esp. if he kicks we always ask him w/ my hubs like to give his dad another strong kick hehehe!!!, sna accurate ultrasound ko na boy baby ko..


Happy mothers day!!!

mitchteryosa
05-14-2006, 12:44 AM
Ako daw nung nagle-labor na ang mommy ko, hindi yung b*tt ko ang nakalitaw kundi mga paa talaga kaya mas mahirap, they had to forcep me for hours para maiayos muna, but thank God dahil normal delivery mom ko.

Kaya relax ka lang Mommy Van, pihado pogi yang baby mo paglabas nyahahaha! Kita mo ako! :p

klaire
05-14-2006, 10:37 AM
Happy Mother's Day mga mommies!!

Wag ka masyado alala mommy van may 2 mos kapa nmn pra isaayos baby mo eh..ipgpray mo na lng na umayos na sya and kausapin mo si baby lagi na umikot na sya at pumosisyon..hehehe..

last day ko na po ngayon sa trabaho..leave napo ako..yuhoooo..:banana:
ako nman,di ko sya napaparinggan ng music kasi lhat ng radio or sound system sa bahay sira..TV lng npapakinggan nya..di ko nga rin sya nkakantahan eh ksi lagi ako pagod,minsan din nkakalimutan ko kantahan sya..pro lagi ko nmn sya knakausap,pati husband ko..

hai..lapit nako..alay lakad nmn aatupagin ko ngyon..hehehe..

nga pla mom mitch..ano po mga dala mo na mga gamit ni baby derelle nung manganganak ka? ilang sleeveless,ilan yung may sleeve tska pambaba nya?sana mkareply ka kagad ngayon kasi wla ako computer sa bhay..matagal n nmn bgo pako mkakapagkuro ulit..:-/ thanks po!

cge po mga mommies! bbye.. Godbless!!:luvstrk:

mitchteryosa
05-14-2006, 12:56 PM
nga pla mom mitch..ano po mga dala mo na mga gamit ni baby derelle nung manganganak ka? ilang sleeveless,ilan yung may sleeve tska pambaba nya?sana mkareply ka kagad ngayon kasi wla ako computer sa bhay..matagal n nmn bgo pako mkakapagkuro ulit..:-/ thanks po!Di ako nagdala ng pangbaby sis. Lahat kasi dito eh libre. Ang bitbit ko lang damit ko saka yung panglabas na ni baby nung ika-3rd day sa hosp. Lahat dito libre from cotton, diapers, etc....

wilmatolentino
05-15-2006, 09:43 AM
hello! newbie here.. i find the forum interesting since im also preggy, 22weeks na =)
lots of inputs here are really helpful!

mom22
05-15-2006, 10:00 AM
hi mommy wilma!! :)

congrats sa baby mo, first mo rin ba?! ehehehe
post ka lang ng post! para we can get also tips from u or vice versa!

ingatz!

Van

wilmatolentino
05-15-2006, 10:08 AM
hi mommy wilma!! :)

congrats sa baby mo, first mo rin ba?! ehehehe
post ka lang ng post! para we can get also tips from u or vice versa!

ingatz!

Van

hi mommy van!! yup first baby ko din.. nagpa-ultrasound n nga kami last week but nakatagilig ang baby medyo malabo daw.. pero 60% na daw girl kasi wala nakitang lawit hehehe..

mom22
05-15-2006, 10:19 AM
wow..congrats..marami yata kayo bby girl dito.......:)
ako at si sharon lang yata ang may boy (tama ba?! nalilito na ako eh)....

si mom mitch, ikaw,mom klaire at mom kekai girl yata lahat!! ehehehe...

Mom Shar, thanks sa tip mo about ung sa footling breech ha..it got me really worried kase my family has a history of those....ung lola ang autie ko, both had breech babies...pero, i try to keep a positive outlook nalang tapos pray! eh, ganun talaga! ehehehe kinakausap ko nga bby boy ko, sinasabihan ko na bumaba na cya para naman hindi mahirapan si mommy nya! pilyo yata tong sa akin eh, kse malikot na malikot!! ahahaha

Mom mitch! sana nga maging OK rin bby ko, tulad mo kung sakali!! pero, huwag sana!! hihihi...bka mahirapan ako...sa ngaun, cut back ko na sweets ko para di masyado malaki si bby, kahit papano, ma lessen ko ang hirap sa labor kung maliit lang si baby!! later ko na xa matatabain pag nasa labas na! hihi

mommy klaire, malapit ka na!!! anong feeling?!!! hihi career mo na talaga ang walkathon ngaun! mkakabuti un sayo :)

van

mitchteryosa
05-15-2006, 02:49 PM
@ Wilma : Your name sounds familiar. Taga Olongapo ka ba? Kasi parang may kabatch akong kapangalan. I'd be happy kung ikaw nga yun.

@ Van : Most welcome. And stop worrying kasi nafifeel ng baby mo yun pag worry ka, masama!

Congrats sa mga expecting moms lalo sa malapit nang manganak!

wilmatolentino
05-15-2006, 03:55 PM
[quote]@ Wilma : Your name sounds familiar. Taga Olongapo ka ba? Kasi parang may kabatch akong kapangalan. I'd be happy kung ikaw nga yun.
[quote]

nope.. from fairview, QC ako =)

mitchteryosa
05-16-2006, 12:53 AM
@ Wilma : Ah ok. Thought ikaw yun eh! Anyway, welcome to Kuro Pregnancy Thread! Enjoy!

MGV
05-16-2006, 03:30 AM
Pag preggy ka daw ay huwag kang manood nang mga Cartoons para daw hindi magmana sa anak mo, yan ang sabi nang mother in law ko noon. Pag nanonod ako nang Cartoons ay pinagsasabihan akong ilipat sa ibang channel. Naniniwala ba kayo dito?

wilmatolentino
05-16-2006, 09:32 AM
Pag preggy ka daw ay huwag kang manood nang mga Cartoons para daw hindi magmana sa anak mo, yan ang sabi nang mother in law ko noon. Pag nanonod ako nang Cartoons ay pinagsasabihan akong ilipat sa ibang channel. Naniniwala ba kayo dito?

nope.. wala daw scientific basis to.. pero personally i still follow some of these mtyhs. wala naman mawawala s kin e.. and pag kasi naaalala ko mga kasabihan or mga myths s buntis, i have to admit na medyo may konting takot p din ako gawin yun kahit na di ako naniniwala hehehe. sa kin, basta it wouldn't affect me personally/physically/mentally/emotionally sinusunod ko n lng.

mitchteryosa
05-16-2006, 03:44 PM
Gusto ko nga pinapanood dati mga horror/suspense like Amityville, House of Wax etc, awa ng Diyos maayos naman ang mukha ng anak ko. :p

dkekai
05-16-2006, 05:23 PM
weee salamat po sa grretings nyo!! belated happy mothers day din po! sorry late na! kasi medyo busybusyhan na!! ^^ grabeh di ako sanay na binabati ng happy nanay!! pero nakakatuwa! kamusta na yung mga buntis at malapit na mangank? si klaire medyo matatatagalan bago magpost hehehe wala pa ako mashare about sa baby ko ngun kasi ang ginagawa nya lng ay kain, tulog, poo poo at jingle hehehe. di naman sya iyakin pero napupuyat na rin ako kasi kaiangan gumising sa madaling araw para padedehin sya at icheck kung may poo poo sya.^^

sa ngun stress ako! hahahahah! stress ako kasi walang magkasya na damit sa akin. mukang kailangan ko na ata bumili ng mga bagong size. lumiit naman na tyan ko pero may puson at malaki pa rin pwet ko! waaaaa pinagtatawanan nila ako kapag pinipilit ko suotin mga dati kong damit! buti pa Ate Mitch hehehe yun lang ang masarap pag dati ka payat at najuntis. .gumaganda ang porma ng katawan. di tulad ko na may balakang nga dati, lalo naman lumaki ngun hihihi.

yun lang po! kamusta na po sa inyo at always take care!! bb!!!

mitchteryosa
05-16-2006, 07:54 PM
Hahaha! Natawa ako sa post mo Kekai. Swertihan lang siguro sa pangangatawan. Kasi nasa lahi namin na tabain. Ang mother ko dati kasingpayat ko, nung nanganak na di na bumalik. Swerte ko at balik agad sa dati without effort na magdiet.

Uy, post ka naman ng pix ni baby mo. Ano nga name niya? :)

dkekai
05-17-2006, 11:14 AM
hehehe kagaya ngun check up ng baby ko sa pedia nya. inabot ako ng 1 oras kalahati sa paghahanap ng maluwag na damit hehehe. buti na lng marunong ako gumawa ng paraan hehehe. ate mitch di pa ako marunong magup load ng pic dito kuro. punta ka na lng po sa friendster ko. jhen_bautista@yahoo.com meron sya 2 pic dun nung sa nursery sya hehehe. di ko pa naupload yung ibang pic nya eh.

mom22
05-17-2006, 11:40 AM
wow, mom kekai....nandiyan na talaga ang matagal mo nang hinihintay!!!!
naku, feeling ko kase, iiyak ako sa first time na mahahawakan ko bby ko!
grabe kse ung feeling nun, kaw ate mitch naiyak ka?! ehehe

oo nga, sabi nila wag daw titingin sa pangit pag buntis bka malihi-an ang bby, ahahaha!! kaya watch ko lang ung si gerald at matt sa celeb-pbb kse, cutie na mga boys un eh!

sa ngaun 29 weeks na ako...ok naman ung feeling ko, wala pa naman akong constipation, hemmoroids, varicose veins etc2x...ung prob ko lang ung position ni bby boy ko! hmmmm....sana nga noh, balik agad sa dati ang katawan ko gaya ni ate mitch...pero dapat maiwan ung balakang at pwet! kase dati wala ako nun eh..ehehehe
ngaun may form na...wehehehehe pero ung boobs! parang ayoko yata ung size :P
sweetie ko lang yata may gusto nun!! wehehehehe jke!

mom dkekai, update mo lang kmi sa bby mo ha?!! add kita sa friendster!

Van

mitchteryosa
05-17-2006, 02:40 PM
@ Jhen : Thanks! Add kita later para makita ko baby mo.

@ Van : Naiyak ata ako nun sa sakit muna hahaha! Kidding aside, syempre naman kasi basta di mapaliwanag eh. Kaya nga mas gusto ko talaga gising ako na manganak para wala akong ma-miss na moment. Kahit siguro maging CS pa ako, pipiliin ko yung half eh gising ako.

mitchteryosa
05-17-2006, 02:56 PM
@ Jhen : Pinay byuti ka pala ahihihi! Cute ni Baby Andrea ah! Parang may style agad ang hair niya huh! Singer ka?

dkekai
05-17-2006, 04:22 PM
ako nung CS ako gising ako kaso nakakabangag yung gamot. nakakaantok. kaya yung asawa ko panay kalbit at kurot sa braso ko para di ako makatulog. hehehe nung patulog na ako nadinig ko lumabas na yung baby ko. nagising ako hehe. tapos gustong gusto ko makita. may nakaharang kasi sa harapan ko na tela eh. tapos nung nililinis na yung baby ko, para akong takam sa candy na pilit tinitingnan ko yung baby ko. pasaway kasi yung nurse kasi nakaharang hehehe. yung asawa ko rin nataranta. nakalimutan na nga ivideo yung pangyayari eh... hehehe wwwweeeeeee actually mommy van nakakaiyak talaga. di lang ako makaiyak kasi baka bumulwak dugo ko hehehe after nung nakatulog na ako... tapos siguro after 1 hr nagising ulit ako kasi siguro nawawala na epekto ng anesthesia.. nararamdaman ko na kasi na may gumagawalaw ng tyan ko. actually patapos na yung pagtahi niloa sa akin. ang comedy nga lang dun!! bigla nangati yung mata ko!!! hehehe eh hindi ko naman makamot kasi nakatali 2 kamay ko. eh nasa labas na yung asawa ko. mga nurse na lng nandun. kaya tinawag ko yung lalakeng nurse sabi ko kamutin mata ko kasi makati! sige kamot naman yung mokong hehehe. kaya nung dinala ako sa recovery room nagdaldalan kami. sbai nya first time lang daw nangyari sa kanya yun na pinagkamot habang sa OR hehehe. nagdadaldalan kami. kaso pinagalitan kami. wag daw ako kausapin kasi baka magkagas pain daw ako hehehe. lahat sila nagsasabi para daw ako di inoperahan. ganun ata talaga yun, nakukuha mo yung lakas mo sa anak mo hehehe.

@ate mitch, opo singer po ako dati, sa banda po. kaso nagstop na ako kasi nagasawa na ako hehehe.

mitchteryosa
05-17-2006, 04:32 PM
nakukuha mo yung lakas mo sa anak mo hehehe.Korek ka diyan! Ako matagal bago pa nakatulog. Imagine from 22nd January labor ako ng 12 hours, hanggang sa mailipat na ako sa room kinabukasan na ng hapon around 4pm. Pero nakatayo pa ako para magpalit ng hosp gown. Walang tulog yun. Kaya naman nung nalipat na ako sa room, lagi na lang akong ginigising pag oras na ng food at meds. Hahaha!

mitchteryosa
05-17-2006, 08:02 PM
Online Preg Test (http://www.thepregnancytester.com/)

mom22
05-18-2006, 04:08 PM
OMG mommy mitch, bakit tama ung preg test ko?!! ahahahaha sa gender din tama! joke ba un?!! or hula2x lang?! natawa naman ako sa 'who's the daddy' ahahahaha!!!

mom kekai, ganda naman ng lola ko! sexy buntis pa, ganyan na talaga ang bagong generation, hindi na pwede ung hindi hot-momma! ehehehe .... singer ka pla! ang saya cguro nun! bka si baby mo mag mana sayo, galing naman. oo nga pansin ko ang ganda na ng hair ng bby mo, parang bagong gupit xa........cutie ng bby mo, mana sau at sa hubby mo syempre!!
bilib naman ako sau, after operation dakipag daldalan kaagad!! ahaha fighter ka talaga!!! ahaha :up:

oo nga pla, may friendster na ang baby ko..hihihi add ko na lang kayo mga mommies!!

muah!!

mitchteryosa
05-18-2006, 04:12 PM
Biktima lang ako ng preg test na yan dito kahapon sa office, niloko nila ako hahaha! Sabi ko lokohin ko nga din ang mga kuro buntises. :p Gotcha!!

dkekai
05-18-2006, 05:10 PM
waaaa ako nga kakaanak ko lang buntis na naman hehehe.. baby boy naman daw hehehe. ang kulit! harharhar

mom van ikaw din sexy at puti puti hihihihi

ate mitch ang ganda ng pilik mata ng baby mo!! yung sa akin wala pa kilay at pilik mata! nakuha sa nanay ko hehehe. di ko rin makunan ng pic si baby kasi pag kinukunan ko sya nasisilaw sya sa ilaw ng cam ko. sumisimangot ang mukha. ate nung 1st month ng baby mo ayaw din ba nya ang lasa ng tubig? ska yung vitamins? naku pahirapan kami pag pinapainum ko ng tubig, tapos yung vitamins nya sinusuka nya. waaaaa

mitchteryosa
05-18-2006, 05:18 PM
Jhen, you're my victim no. 2! Nyahahaha!

Pinay
05-18-2006, 07:14 PM
Online Preg Test (http://www.thepregnancytester.com/)
am bored abit now so am roaming around --and what is this? is this really true? bakit nahulaan nya hindi ako buntis? totoo talga to?

oopsss mga mommy:
wear short heeled shoes or sandals after the first trimester.

mom22
05-19-2006, 05:27 PM
had my check up today....ok naman si baby boy ko!!:) ehehehe healthy sabi ni doc kse likot na baby daw! good news para sa akin, nasa baba na daw ulo nya!! wohhooo....:up: relieved naman ako, pero kailangan ko pa rin mag exercise para healthy buntis ako!

sabi din ni doc, maliit daw bby ko!!!!!! waaaaaa.....pano ba yan, eh dapat damihan ko na ang milk intake ko ngaun......ayoko kase ng lasa after awhile eh....ehehehe

o cya, yan lang muna balita ko eh.....
mom kekai, musta na si bby mo? saan na kaya ngaun si mommy klaire?ehehe!

dkekai
05-20-2006, 08:04 AM
si mam klaire siguro kasalukuyang umiiri na yun! hehehe ang pampalaki daw ng baby yung meat. kasi ganun din sabi ng doc ko sa akin nun.. kaya pinakain nya ako ng mga meat. kaya kinarir ko yung sa akin. nagkakain ako ng meat para lumaki baby ko. kasi maliit nga lang din yugn akin. nung lumabas ung baby ko 6lbs 2oz sya kaya pede na. napacheck up ko na baby ko. ok naman sya. healthy rin daw. hindi nga iyakin.. iiyak lang pag gutom at pag may poo poo. hehehe ano ba milk inum mo? ako naggerber chocolate na ako. nung 1 trimester ko gustong gusto ko yung milk... tapos nung 2nd trimester na ayaw ko na ng lasa.. kaya naggerber chocolate na ako. minsan hinahalo ko sa oatmeal. para kunwari champorado hehehe.

mom22
05-20-2006, 09:12 AM
ow.....meat pla?! ayoko kase masyado ng meat products ahahaha mas gusto ko ung full of carb...like spag, pizza or rice na marami w/ fish!!! waaaahhh...cguro dadamihan ko na meat & chiken ko..... (ayoko kase ng smell ng chicken ngaun, ewan ko ba, fave ko pa naman un before)

milk ko anmum, once a day kase ako before, ngaun sabi ni doc dapat twice na kse nga maliit si baby ko..ehehehe...kawawa naman bby ko...eh maliit naman kse kami ng daddy nya eh!! ahahaha..ako rin, nung una gusto ko xa, after awhile kase ayaw mo na!!

haaaaiiii...i can't wait talaga for my baby, inggit naman ako sa inyo, nahahawakan at naki-kiss nyo na bby nyo....i love the smell of babies pa naman! hihihi....

mom klaire, hindi na masakit tahi mo?! ano ba tahi mo, bikini cut or ung normal na vertical cut?

mitchteryosa
05-20-2006, 01:01 PM
Bakit gusto niyong malaki si baby sa loob? :paranoid: Hala! Mas mahirap manganak at umiri pag malaki ang bata. Mas okay na yung maliit basta healthy tapos paglabas saka niyo karirin ang pagpapalaki. When I was born I was only 5 lbs and 2 oz, lumaki naman akong matangkad ah :p. Hehehe!

Baby ko nga she was only 6 lbs 8 oz pero okay naman siya, kita niyo naman mga pictures niya di ba?

dkekai
05-20-2006, 01:10 PM
aaawww wag ka masyado sa carbohydrates!! kasi tataba ka lang.. pinabawas sa akin ng doctor ko yung rice kasi di naman daw sa baby napupunta yun. sayo lang at tataba ka pa hehehe. try mo na lang pork en beef. meat din naman yun di ba? kasi yung meat daw napupunta yun sa baby. 4th months ko biglang laki ako kasi puro rice en spag ako. nung nagcontrol na ako. yung tyan ko na lumalaki. milk oks na oks sa baby yun! pero tigas lang talaga ulo ko hehehe yung baby kahit di naligo mabango pa rin hehehe. kasi 2 days di namin napaliguan...kasi nagkasipon mama ko. ( mama ko kasi nagpapaligo) eh takot ako magpaligo ng baby. pero kahit di sya ligo sarap pa rin amuyin hehehe. wwaaaaa cs ba si mom klaire? bkit tinahi? oh ako tinatanong mo sa tahi hehehe. di na masakit tahi ko. bilis ako nakarecover. bikini cut ako( para makapaglabas pa daw ng tyan) kasi bikini cut yung dating opera ko. kaya dun ulit ako hiniwa.. kaso wala rin! hehehe kasi ang dami ko strecth mark hehehe.



mom klaire, hindi na masakit tahi mo?! ano ba tahi mo, bikini cut or ung normal na vertical cut?[/quote]

mom22
05-20-2006, 01:29 PM
mom mitch, hindi naman ung sobrang laki na baby, ung normal lang, sabi kse ni doc, maliit daw masyado bby ko...dapat daw kse hindi sobrang liit kase bka ipa incubate xa paglabas....3lbs pa daw kse xa eh.....ewan ko ba...damihan ko nalang ung gatas!! ehehe

oopsss..sorry mom kekai, kaw ung tinutukoy ko, nalito lang po ako...ehehehe!!! ako kse, iniisip ko, open naman ako sa lahat ng possibilities eh, bka kase (wag naman sana) ma CS din ako...ahahaha!! pero normal naman lahat...thank god..

mom22
05-20-2006, 01:33 PM
ask ko lang............did you store/donate ung cord blood ng bby nyo? kse daw rich in stem cells un tapos helpful daw sa pag treat ng diseases like cancer...so pede magamit ng iba or sa family nyo when the need arises?!

mitchteryosa
05-20-2006, 02:30 PM
ate mitch ang ganda ng pilik mata ng baby mo!! yung sa akin wala pa kilay at pilik mata! nakuha sa nanay ko hehehe. di ko rin makunan ng pic si baby kasi pag kinukunan ko sya nasisilaw sya sa ilaw ng cam ko. sumisimangot ang mukha. ate nung 1st month ng baby mo ayaw din ba nya ang lasa ng tubig? ska yung vitamins? naku pahirapan kami pag pinapainum ko ng tubig, tapos yung vitamins nya sinusuka nya. waaaaaWala din siyang kilay paglabas pero ang lashes talaga namang nagpapapansin hehehe!

Ako kasi I am using my cel camera for her kasi nga pag yung may flash laging ang resulta malaki ang mata niya hahaha!

Walang problema sa kanya ang tubig nung newborn siya. Ngayon ayaw na niya ng tubig, alam na kasi niya ang difference ng gatas at tubig. Yung vitamins naman nabigyan na siya etong after ng first immunization shot niya (2months) kasi di sila basta basta nagbibigay dito. Sa private Pedia nya nga ako nagpareseta. Sa Health Center kasi kami nagpapabakuna sa kanya dahil libre lahat. She's taking Mixavit right now at maasim ang lasa. Kaya pahirapan din siyang painumin. So far dun lang naman ako nahihirapan sa kanya na painumin, yung ibang gamot naman na natake na niya walang problema. Ang ginagawa ko binubuka ko talaga bibig niya hanggang di tapos saka unti unti lang wag biglaan. :p

mitchteryosa
05-20-2006, 02:32 PM
mom mitch, hindi naman ung sobrang laki na baby, ung normal lang, sabi kse ni doc, maliit daw masyado bby ko...dapat daw kse hindi sobrang liit kase bka ipa incubate xa paglabas....3lbs pa daw kse xa eh.....ewan ko ba...damihan ko nalang ung gatas!! Ay ganun?!! Maliit nga siya ano? Yung akin kasi dati at 7 months di ko na matandaan. :D May 2 months ka pa naman eh kaya wag ka alala. Ang babies kasi they could even gain 500gms in two days, yan ang sabi ng OB ko dati. If you worry about so many things, aba'y baka nga pati baby di mo lumaki ng tama di ba? try not to think of anything but happy thoughts, makakatulong yun sayo. Enjoy mo lang pregnancy mo kahit nakangiwi ka na maglakad dahil sa bigat, ngiti pa din. Hehehe!

mitchteryosa
05-20-2006, 02:37 PM
aaawww wag ka masyado sa carbohydrates!! kasi tataba ka lang.. pinabawas sa akin ng doctor ko yung rice kasi di naman daw sa baby napupunta yun. sayo lang at tataba ka pa hehehe. try mo na lang pork en beef. meat din naman yun di ba? kasi yung meat daw napupunta yun sa baby. 4th months ko biglang laki ako kasi puro rice en spag ako. nung nagcontrol na ako. yung tyan ko na lumalaki. milk oks na oks sa baby yun! pero tigas lang talaga ulo ko hehehe yung baby kahit di naligo mabango pa rin hehehe. kasi 2 days di namin napaliguan...kasi nagkasipon mama ko. ( mama ko kasi nagpapaligo) eh takot ako magpaligo ng baby. pero kahit di sya ligo sarap pa rin amuyin hehehe. wwaaaaa cs ba si mom klaire? bkit tinahi? oh ako tinatanong mo sa tahi hehehe. di na masakit tahi ko. bilis ako nakarecover. bikini cut ako( para makapaglabas pa daw ng tyan) kasi bikini cut yung dating opera ko. kaya dun ulit ako hiniwa.. kaso wala rin! hehehe kasi ang dami ko strecth mark hehehe. Alam niyo ba sa payat kong ito dati, ang taas ng sugar ko dahil sa katakawan sa kanin. Kahit kasi ano na sabihin sa akin dating balance lang ang kain at wag na kakain ng mabigat after 12mid di ako nakikinig. Kasi feeling ko nga dahil payatot ako di ako lalaki at magkakaron ng problema sa mga ganyan hahaha! Ang normal gain weight daw kasi ng isang buntis for the whole pregnancy at dapat 12kgs lang. Eh ako dati I gained 18kgs hehehe! Tapos ang gawain ko pa dati pagkakain tulog agad hehehe! Yun din daw ang cause ng feeling ng lagi kang gas bloated. Nung latter part na ng pregnancy ko di ako umiinom ng gatas, all of a sudden I just didn't like the taste kaya mega reseta ng calcium tabs ang OB ko.

Nung 1st month ni Derelle pinapaliguan namin sya once a week lang lalo na kasi malamig nung panahon na yun dito. It's okay naman kasi di naman nagdudumi at bumabaho ang newborn baby eh. Pareho tayo Jhen, mom ko din ang nagpapaligo, till now di ako marunong, pag pinaliliguan ko siya ako din parang naligo hahahaha!

dkekai
05-20-2006, 06:56 PM
wwaaaa liit nga baby mo. pero tama ate mitch kasi may 3 motnhs ka pa naman. hehehe yung sa akin nung 6-7 months ko biglang bilis ng laki ng tyan ko. 8 motnhs medyo ngdiet ako kaya bumagal laki. yung ob ko gusto nya talaga malaki baby ko kahit 6 lbs. ewan ko ba bakit ganun.kasi lahat sila sinasabi ok lang daw maliit ang baby pag lumabas kasi madali magpalaki. pero siguro dahil cs ako. gusto nya malaki! hehehe. ang alam ko yung mga normal pinagdadiet nya. yung cord naman... sa hospital na yun... di na binigay sa amin. hehehe inis nga asawa ko kasi di daw sya ang pinagcut sa cord hehehe. gusto nya sya magcut. isip ko kasi nakabukangkang yung mga laman kaya di sya pinagputol heheh.

mitchteryosa
05-20-2006, 07:23 PM
Sabi din nila sa akin noon na mas maganda kung maliit lang basta healthy. Mostly naman daw kasi kapag malaki ang tiyan maliit ang bata. Pag maliit naman asahan mo puro bata talaga yun. Kita niyo ba yung photos ko sa friendster yung madaming shots na kasama ko asawa ko? Would you believe 8 months na ako dun hehehe! Pero paglabas ng baby ko 6.8lbs siya. :)

kazuna
05-21-2006, 02:29 AM
hi mommies! musta na??! dami n pla tyo d2. WELCOME PO*
sori po mejo busy-busyhan ako kya d mkapost and net hihihi...

but first CONGRATS* to mommy dkekai! wow! nkaraos ka na rn. galing brave brave ahahaha..sna tulad mo rn ako! saludo ko sau day(= ehehe nga pla d2 hubby mo ryt san sya here? pra kunin ko ninong lol jk lng=P.. add kta sa friendster ha?? roxygurl_surf84@yahoo.com (roxygurl_surf84@yahoo.com) addy ko..tnx*

nwei, share ko lng. sobrang dami nmen blessings ngaun.. and im happy and dnt knoe how to thank tha LORD for all of this.. tama ata ang sinasabi nilang lucky tlga ang buntis*
first,WERE HAVING A BABY GIRL THIS SUMMER(aug. here)..
wow! cnt wait for that, especially her daddy coz he is expecting a baby girl and here it is:luvstrk: and now every 2weeks na check up ko.
more updates on my weblog.. http://www.xanga.com/mz_anna (http://www.xanga.com/mz_anna) feel free to visit me there. and i luv to hear from all mommies here..kitakits po tyo dun. ma-kapamilya o kapuso hihihi.

@mommy mitch, i agree with u..preho ata tayo. as in ang liit dw ng tummy ko, pero normal nmn ang laki and bigat nya in her age. minsan pgngsuot ako ng loose na damit d daw hlata and dpa nila alam n preggy ako kng dko pa sabhin sa knila eheheh.siksik nga dw mgbuntis and puro bata. meron nmn dw kakambal puro tubig kya laki mgbuntis. but khit mapalaki o liit normal nmn ang laki ni baby. and sa maliliit ang chan un dn cause ng imbes na tubig, dugo lalabas pg mnganak kna ryt??! sakit dw un.. yay!

hayy nako, nararanasan ko na ata feeling ng mga mommies na nsa pinas na init na init. painit na ngaun here. hnde pa sya cguro tulad ng init ng pinas pero grabe inis na inis ako sa labas ng labas pawis ko kng san2 parte ng ktawan ko ahahah minsan ako lng naiinitan ksama ko sa bhay hnde.

o sya, nex tym ulet, pg nakapanganak nako ahaha joke lng, pg ngkatime..

bsta always SMILE mommies ha! pra d mgalala c baby* mwuahh sa mga tummies except to ate mitch and dkekai, mwuahh nmn sa baby nyo hee. hee. ingats!!

mitchteryosa
05-21-2006, 02:59 AM
and sa maliliit ang chan un dn cause ng imbes na tubig, dugo lalabas pg mnganak kna ryt??! sakit dw un.. yay!Korek ka diyan Kazuna! Ganyan ako at 12 hrs lang naman akong dry labor, waaaaaaaaaaaaaaah!

dkekai
05-21-2006, 07:11 AM
hehehe tagal mo nawala ah! dito ngun hubby ko eh hehehe sa Monday babalik na sya dyan... bilis nga eh kaso walang choice kailangan magtrabaho hehehe.

sabi naman nila pag panganay daw ang pinagbubuntis maliit lang daw talaga ang tyan.. minsan nga daw 5 months na di pa rin daw halata. ^^
ako tyan ko puro bata.^^

mitchteryosa
05-21-2006, 06:30 PM
^^^ Saka depende din sa built ng katawan ng babae siguro.

mom22
05-22-2006, 01:26 PM
mom mitch/mom jhen,

naranasan nyo ba ung post partum depression?!
la lang curious lang ako...ehehehe

mitchteryosa
05-22-2006, 02:18 PM
@ Mommy Van : Until now..... :(

dkekai
05-22-2006, 04:25 PM
ay anu yun? san nabibil;i yun?^^ lolz! di ko ata naaral yun ah! ^^

mitchteryosa
05-22-2006, 04:27 PM
Depressions or should I say insecurities after mong nanganak bwehehehe!

dkekai
05-22-2006, 05:00 PM
hihihi yun talaga nasa isip ko! nagsisigurado lang! nyahaha palusot!

mitchteryosa
05-22-2006, 05:16 PM
Sige na nga nakalusot ka na!

mom22
05-22-2006, 05:20 PM
mommy mitch?!! sure ka?! bakit...........dapat u have support from friends & family para mawala yan! :up:

mitchteryosa
05-22-2006, 05:29 PM
Siguro ako na yung may prob kasi yung magswitch lang bigla sa responsibilities bilang nanay at housewife nakakapagod talaga tapos kami lang ng asawa ko, eh di naman ako sanay sa gawaing bahay talaga. Saka kasama na dun yung mga petty insecurities dahil di ko na masuot yung mga damit ko dati. Saka feeling ko talaga laki ng tinanda ng mukha ko. Siguro kung kasama ko ang pamilya ko at old friends di ko 'to mafi-feel. Iba kasi pag nasa iba kang lugar.

dkekai
05-23-2006, 05:51 AM
aaayy yung parang tumanda ang mukha, totoo yan!!! kasi ako din ganun!! :-( parang di na fresh nyahaha o parang nagmatured na. kasi dati kahit 25 na ako feeling ko bagets pa rin ako.di ko feel na im 25 na. pero ngun... iba na!!! nxt month 26 na ako! ni di ko na nga iniisip or excited na bday ko. yun na kaya ang tinatawag ng pagiging losyang? waaaaaa sabi ng friends ko, wag daw yung porke may anak na ako, pababayaan ko na sarili ko.^^ eh ang tamad ko na magayos ngun kasi katwiran ko sa bahay na lang naman ako. bihira na ako lumabas. tapos pag umalis naman ako ng bahay, nagmamadali ako umuwi kasi iniisip ko si baby ko. tapos sabayan pa nga ng di magkasya ang mga dating damit. maiiyak ka talaga sa inis! ayaw ko naman bumili ng size ko ngun, lalong di ako magpupursige. bawal din ako magexercise ngun.T_T kaya enjoy ko na lang pagpupuyat kay baby. kasi kahit papaano nakakapayat. un nga lang di maganda sa skin. at nakakatanda nga. T_T

mitchteryosa
05-23-2006, 12:46 PM
Totoo yan sis. Pag lumalabas kami ang ayos ko na lang ay ligo at suklay. Kasi aayusin si baby, ireready mga gamit niya atbp. Kaya pagkatapos mo oras na ng alis wala ng time. Ang katwiran ko, hmp alam naman nilang nanay na ako eh hehehe! Saka sabi naman ni mister you look fine, you're pretty for me. O di ba? But then di maalis na mag-inarte lalo't may nakikita akong mga damit na dati di ko na kelangan isukat, ngayon dapat sinusukat na bago bilhin. :(

mom22
05-23-2006, 01:29 PM
naku mga mommies sorreee at baka hindi na happy mode tayo dito ha!! i was just curious kse nga ngaun pa lang punong-puno na rin ako nga insecurities!! as in...eh i'm younger kase eh, tapos ako ung unang magka baby sa friends ko kaya wala akong makausap talaga........anyway, i guess lahat ng changes (sa lifestyle & body ng babae) ay overwhelming na for us kaya nagkaka ganun.........

don't worry mom mitch & mom jhen, nandito lng naman kami eh if you want anyone to talk to. I'm sure naman hindi kayo losyang!! ehehehe...basta, just be happy lang...! smile para hot momma pa rin...:up:

mitchteryosa
05-23-2006, 02:30 PM
Don't worry Mommy Van, I'm getting there, natatanggap ko na na nanay na talaga at di na lagi kelangan nakapustura hahaha! Pag naman ngumiti na sila, wala na lahat ng mga inarte na yan hahaha! Lalo na when she starts to appreciate things, aaaaaayyyy grabe nakakabaliw talaga.

4 months na baby ko ngayon, ahihihi! Pwede ko na siyang pakainin ng solid food. :p

mom22
05-23-2006, 02:51 PM
uu nga kailan ba pwede kumain ng solid fud si baby?!

hmmmmm...masama ba magpa kulay ng hair pg buntis??

mitchteryosa
05-23-2006, 03:30 PM
4 months pwede na pero konti-konti lang daw saka observe mo muna kung mahihiyang siya sa mga kinakain niya, kapag 24 hrs na walang masamang reaction, hala sige palamunin mo na. Joke!

Opo, bawal dahil sa amoy ng chemical. Wag din aamoy ng mga matatapang na chemical like paint at bleach. Masama.

dkekai
05-23-2006, 03:48 PM
hehehe ganyan din sinasabi ng asawa ko ah! hahaha! pagnaginarte ako sa stretchmark ko at laki ng balakang ko sabi nya ok lng daw! hehehe tapos pagaalis kami syempre bagong ligo, bagong make up as in fresh! pupurihin ako nun!! sasabihin nya "wow!! ang ganda!! ang gandang nanay!!!" pasaway di ba? hahaha di ko tuloy alam kung matutuwa ako or maiinis! nways ganun naman kami magbiruan. ^^

[quote=mitchteryosa]you look fine, you're pretty for me. O di ba?

mitchteryosa
05-23-2006, 03:50 PM
Para siyang asawa ko ah! Hahahahaha! Halata naman na nagpapanggap.

mom22
05-24-2006, 03:45 PM
busy yata mga mommies ngaung araw na toh ah......
wala naman ako balita eh..ehehe

hmmmmm updates sa akin, 30 weeks na ako.....malapit na rin ang BIG day ehehe.
wala pa akong gamit na nabili!!! nalilito kase ako ano uunahin ko, for sure kase, may magbibigay...! ewan ko ba, gusto ko bumili ng little clothes na po para sa baby BOY ko...

natatawa ako tawag namin sa kanya -ozzy-! basta super long story bakit ganun naging nick nya! ginawa ko xa ng account sa friendster eh, ehehe add nyo lang mga mommies if u want para pag laki nila ng babies natin, friends sila!! o dba? ang saya! it's vanessa_vgjo@yahoo.co.uk

sa ngaun kase nalilito pa kame sa name nya, but i think we like the name Joshua Xander na po...ok ba?! i'm open to suggestions! ehehe

mitchteryosa
05-24-2006, 03:53 PM
It's nice Mommy Van, sounds fafable! :p

dkekai
05-25-2006, 01:11 PM
hhehe lapit ka na!! yahhhoooo!!!

mitchteryosa
05-25-2006, 02:29 PM
Mommy Van : Just saw your new uploaded pix in friendster, laki ng tiyan mo huh! Dun sa goofing with Josh hehehe!

Mommy Jhen : I really like your beauty, exotic hehehe! Parang familiar mukha ng hubby mo, taga-san ba siya? School niya dati? Ganda ng family pic niyo.

dkekai
05-25-2006, 06:38 PM
wwwaaaaaaaaaaaa di ba sabi nila pag exotic di maganda! hehehe parang mga exotic food! kagaya ng palaka! bayawak! jk hehehe anyways, salamat po!! ^^ si Bruce taga hawaii sya, ewan ko kung san nagaral yan. pro di po sya purong pinoy... dami lahi yan!! filipino, chinese, portugese at hawaiian hehehe! kagaya nga ng sabi nya eh para daw syang aso. yung family pic namin, last day na nya yan... pabalik na sya sa Japan. nung Mon!

mom22
05-26-2006, 10:20 AM
mom jhen! ang ganda kaya pag exotic ang beauty..ahahaha ako rin naman, tinatawag na ganun kaya defend ko tlga! waaaa...

aalis na pla cya nun?! iwan na nya si bby nyo....kawawa naman xa, kailangan kase mag trabaho eh! susunod ba kayo sa kanya mom jhen?

dkekai
05-26-2006, 11:33 AM
yep susunod kami. pagkakuha ng ng birth certificate ni baby, kuha ko na rin sya passport. ang dami nga aasikasuhin. tapos kukuha pa ng visa, (sana di bumagsak) ana mga october dun na kami. kasi homesick asawa ko dun eh. T_T

mitchteryosa
05-28-2006, 08:25 PM
Naku! Ayaw magsipost ng mga buntis, hala baka manasin kayo! :p

mom22
05-29-2006, 12:02 PM
hello hello sa mga mommies djannnn!!!! :)

mom jhen, goodluck pla sa visa mo, sana maayos lahat, kawawa naman hubby mo dun magisa lang xa....si mom ann pla, nasa japan xa....pareho kyo, she's having a bby girl...!

mom micth, sana sana sana!! wag manasin!! kaw ba? minanas ka? nung anong month?
wala pa kase ako eh, i'm hoping na wala na at hindi na talaga mangyari un! ehehehe
uhmmm..kung sobrang likot ba si bby, mkaka cause ba un ng pagka entangled nya sa umbilical cord nya? kse naman tong si baby ozzy ang likot2x!!! takot tuloy ako bka ma sobrahan..pray ko nalang toh..hihihi

Van

mitchteryosa
05-29-2006, 12:53 PM
Oo minanas ako, lalo na sa mga daliri paa at kamay nung 8mos. na ako, nanganak nga akong suot ko wedding ring kasi di ko na talaga maalis eh di pwede yun. :p Kaso wala magawa doctor hehehe! Pati nga mukha ko nun halatang malapit nang manganak eh. :D

mom22
05-29-2006, 04:51 PM
ahhh...ok....feeling ko kase, papunta na dun ang extremities ko..ahahaha! ung angles ko, i dunno i think its getting bigger na, i'm not sure though if i'm only imagining it! ahahahaha

haaaiii....ka loka i can't wait na, ganyan ka din mom mitch nung 3rd tri na?
palaging nag dday-dream ni baby?

mitchteryosa
05-29-2006, 05:34 PM
Normal yan Mommy Van, the more it's approaching, the more nakakainip. Ako nga nun grabe talaga, kulang na lang magtatalon ako para lumabas na si Derelle hahaha!

Paranoid ako nun, konting sakit, akala ko manganganak na ako, atat kasi eh. At ang mommy ko at asawa mas taranta pa sa akin kaya minsan di ko na muna sinasabi.

Nung malapit na ako nun lagi akong nananaginip na nanganak na ako to a baby boy. :p

mom22
05-29-2006, 05:42 PM
ahahaha ano ba yan.......ganito pla maging isang ina........i did not imagine ganito ung effect..ahahaha, nakakapagbabago talaga....

ako kasi dati, parang 'party girl' lang at shopping ang inaatupag ko...now na i look back, hindi ko toh pagpapalit sa kahit na ano...

nyak, korni ko na ha! waahaaa :D

mitchteryosa
05-29-2006, 05:45 PM
Sabi nga nila ganun daw, pansinin mo sarili mo ngayon pag lalabas ka to shop, once nakakita ka ng baby stuff di ka na bibili ng para sayo.

At kahit wala kang alam about baby care, totoo yung sabi nila you'll easily pick up everything. Basta para sa baby mo, magagawa mo lahat.

Ako nga dati, I used to smoke and drink. Ngayon clean living na ako. As in wala na talaga completely.

mom22
05-29-2006, 05:48 PM
galing naman!!! i just hope i'l be a gud mom.........:-/

mitchteryosa
05-29-2006, 06:02 PM
You will be..............

mom22
05-29-2006, 06:05 PM
sweet mo naman mom mitch, thank you!!!

shardanay
05-29-2006, 07:48 PM
Hi sa mga mommies!!!... Musta kyo?... Hey van bat lagi kang idle and not on desk sa YM, busy ba?

I had my bloodsugar test today, tomorrow pa ung result, and im 50 kilos na,hehehe, gosh before di pa buntis 38 lang me underweight hehehehe!!!...laki na ksi tummy ko!!..Sana ok ung result crave pa nman me lagi ng choclates and cakes!!!..Yum!!!..Bt just control myself!

Mom mitch and mom van, ok lang ba mag use ng electric massager?.. Forgot to ask my ob earlier, ewan ko ba pag dun na me nakakalimutan ko lagi mga tanong ko, and i alrdy made a list and naiwan ko nman knina sa house, gnun dw ba tlga pagbuntis?...

Mom Mitch, dyo have prblems ba before , like on feeding and time ng sleep nya?..or dyo have a schedule?

U know im starting to buy clothes na and winter d2 ngyn i bought warm cutie stuff for him!..Sarap mamili!!..I have a stroller, baby swinger and a crib na, and all were gifts frm friends, so nkasave ako!!!...Mhal pa nman d2!..Dapt may carseat ka pa for ur baby required tlaga d2, hay grbe ang mahal pero ok lang ksi magamit pa til lumaki ung baby..Required din ba jan sa inyo mom mitch?...ewan ko lang sa atin sa phils kung gnun din....

Anyways, rest muna me, skit ng likod ko sobra, Take care mga mumski!!!

mitchteryosa
05-29-2006, 08:02 PM
^^^ Never tried elec massager eh. Sorry can't help you with that, di ko din alam kung masama or what eh.

About feeding my baby, never encountered a problem din, matakaw kasi siya hehehe! Kaso lang 3 days ko lang siya napadede sa akin dahil inayawan nya, naliitan ata. So far yun lang ang naging prob ko. Hiyang naman siya sa S26 Gold kaya di namin naranasan ang magpalit-palit.

Sa sleeping pattern naman, first 2 mos. niya hirap ako kasi she's awake at night like from 11pm to 7am, kaya 7am na ako nakakatulog. But as soon as she completed 2 mos. diretso na tulog niya from 8pm (pinakamaaga) or 10pm (pinakalate) till the next morning na yun. What I do kasi pinapatay ko na yung ilaw pag 7pm na so that she would know na gabi na. Naka-on lang ang dim lamp, I think it's effective. Saka 2 weeks na din na she sleeps on her own, di na kelangan ihele.

We didn't buy anything that we don't need. We bought her a crib coz we thought kelangan, ayun nakatiwangwang lang. Mas gusto ko kasi na katabi ko siya sa pagtulog. Parang nakakaawa naman kung kaming mag-asawa magkatabi tapos siya nakahiwalay.

Car seat, wala naman kaming car eh bwehehehe.

Moises basket, she had pero sa bilis lumaki ng bata, 2mos. lang niyang nagamit. Buti na lang gift otherwise it's a waste of money.

Stroller di na din kasi wala kaming car saka pati nasa 2nd floor ang flat namin, bitbitin pa yun. Pero we bought her a sling para masarap ang gala sa labas.

I followed Ate Madjissa's advice na maglatag ng comforter sa floor and turn the TV on. Been doing this for 2 weeks now, and it works. I can leave her alone, nakakagawa ako ng chores.

TIPS : Wag maexcite sa pagbili-bili ng kung anu-ano. Ilaan niyo sa gatas at diapers. Mas kailangan yun.

mom22
05-30-2006, 01:44 PM
hi mommies!!

mom shar? sorry po, pag sa gabi na kase, i'm usually away from the PC na, i'm infront of the PC..8am-6pm phil time.........! nyahaha nag buzz ako sau, wala ka na yata nun. ehehe..ilang weeks ka na ngaun? musta na ba si baby mo? lam mo na gender nya? nkalimutan ko eh, soweeee...! anyway, i think hindi advisable ung massagers...i'm not completely sure though..but i once remembered a friend told me not to have one nlang to be sure.

mom mitch, tama tips mo, ako i think i need a crib, kse liit lang ung bed ko eh...
hmmmmm..should i buy a bigger bed instead para kmi dalawa ni baby dun?! ung comforter or playpen nya later na un ryt? ung malaki-laki na si baby...? nkaka crawl aroung na ba si derelle?

wala pa akong nabibili kahit ano.....ano ba yan, friends ko kse tgal ng bby shower ko...! :P dapat by next month kumpleto na lahat....hindi naman marami kailangan dba? like ung essentials lang talaga....

mitchteryosa
05-30-2006, 02:13 PM
mom mitch, tama tips mo, ako i think i need a crib, kse liit lang ung bed ko eh...hmmmmm..should i buy a bigger bed instead para kmi dalawa ni baby dun?! ung comforter or playpen nya later na un ryt? ung malaki-laki na si baby...? nkaka crawl aroung na ba si derelle?Nasa sayo yan. Kung gusto mo siyang katabi sa pagtulog para kuha nya lahat ng amoy mo, mas maganda, then you don't need a crib. Yun nga ang mali namin sana bumili kami later on na yung play pen na dapat para di nasayang.

Di pa nakakacrawl si Derelle pero nakakaroll over at nasasakop na niya ang buong kama sa kakausad-usad nya at kakasipa. Di ko naman siya maharangan ng mga unan nya dahil magaling siyang manghila at baka matabunan.

ennaul18
05-30-2006, 08:39 PM
I'm a first time Mom din. I am 9 weeks pregnant already pero hindi pa rin lumalaki ang tummy ko, I'm quite worried kasi...:disappointed:

mom22
05-31-2006, 10:11 AM
hi mommy enna!!

first off, congratulations on your pregnancy, it's always a blessing pag may buntis!! nyahahaha don't worry too much bout ur tummy, at 9 weeks di pa talaga halata yan, especially first time mo, sa 4th-5th month pa yan makikita ang bump mo! kaya don't worry k?

kain ka lang ng fruits and drink lots of water! iwas sa mga raw fish, caffeinated drinks like coffee, tea and soda's!

yun lang muna ma advise ko sa ngaun, don't hesistate to ask...marami ka matututunan dito!:up:

mom van

mitchteryosa
05-31-2006, 02:29 PM
Korek ka diyan Mommy Van!

Ako nga 7 months na nahalata hehehe!

mom22
05-31-2006, 05:02 PM
lam nyo mga mommies, share ko lang experience ko last nyt, ang cute kase,
sweetie ko was singing for my baby, a rock song pa talaga, tapos si baby, galaw ng galaw as in grabe ung tummy ko para nang super weird ang shape....ahahaha! nagustuhan nya ung song ng daddy nya for him!!

nyahahaha....un lang for now!!
muah!

Van

mitchteryosa
05-31-2006, 05:50 PM
Hala! Mukhang rocker si ozzy. :p

shardanay
05-31-2006, 09:27 PM
Hello everyone!!!...


Mom mitch dyo have a feeding and sleeping patterns for ur baby?

My sis n law gve me a book "Baby Wise" highly recommended ung book d2 sa oz for new mums ung friend ko di nahirapan nung follow nya ung book. It says there na even we love our babies dw, wag dw tyo magpacontrol sa knila, thats why dw mostly ung problem ng new moms di mkatulog at night, kya dpat may routine ung baby na ifollow...

Pero sa experience nyo sa feeding every ilang hours mo feed c baby?...

Ksi sa book every 3 hours, and 30 mins ung feeding , pag tulog sya na feeding time na kelangan gsingin mo sya....

And mern pa dun nakalagay sa book types of baby cries...may demand cry and cry na gus2 nila ng attention. It says there na wag dw isanay ung baby na lagi kinakarga, and minsan dw ignore mo pag nagcry cla (ung mahina lang na cry), gnun ginagawa ng sis n law ko. I can see that theres an improvement nman.

Do u think it can help ba pag gani2 pattern mo or depende un sa parents?

Thanks!!


shar

mitchteryosa
06-01-2006, 02:14 AM
@ Shar : Nilipat ko sa Baby Care (http://www.kuro.ph/forums/showthread.php?t=2076) thread yung sagot ko sa mga Qs mo.

mom22
06-01-2006, 09:44 AM
ahahahaha honga! feeling ko si baby magiging spoiled sa lola't lolo & sa mga auntie's and uncles's tapos sa mga ninong at ninang pa!!! ano ba yan, dapat pla bantayan! ahahaha.........nku............:paranoid:

mom22
06-07-2006, 04:28 PM
hmmmmm......tahimik yata ngaun ang mga mommies ah!!
mom jhen? musta na si baby?

si mommy klaire, kumusta na kaya xa?

ako, 8 months na ~ 32 weeks to be exact! woah...can you believe that?!
in 8 weeks makikita ko na si baby xander ko! ehehehe....i can't wait grabe..
buti nalang i got to borrow a crib from a family friend, bawas sa gastos.
Inaayos ko na rin ang room ko for the baby...maybe **** ako SM later hanap2x ng
kung ano kailangan....like plastic storage bins na ma store sa ilalim ng bed, para
sa ibang gamit..ehehe
ung clothes ni baby ipagpaliban ko lang muna after the baby shower...
ano pa kaya essentials...?
haaaii, basta excited na ako! i took up knitting pla!! am making a blanket for my baby right now! ahahaha maliit pa nagagawa ko, but ang cute na tingnan!!

till here lang.........ingatz mg mommies!!

Van

dkekai
06-07-2006, 06:30 PM
ok naman si baby ko! palagi pa rin tulog na tulog. 1 month en 3 days na sya ngun. malaki na sya compare nung inuwi ko galing hospital. hehehe lapit ka na pala manganak! YAHOOO!! galingan mo ha! hehehe

kazuna
06-08-2006, 05:31 PM
hi mommies!!

mommy mitch my tnong lng po ako or sa mga ibang mommies pa na nkakaalam??

ilang weeks ka tinest ng OB mo dun sa pg buka ng cervix mo?? and tools ba gnamit sau jan?? sbi kz ng friend ko sa phils. kamay dw gnamit s knya ng OB nya.. and once nastart na ung pgtest na un tuloy2 na ba un hnggang sa manganak ka??

tnx!



anna*

mitchteryosa
06-08-2006, 05:38 PM
Seven months ako nung nagstart na i-IE ng OB ko. Walang tools, fingers lang hehehe!

mom22
06-14-2006, 09:53 AM
really? ako bakit wala pang ganun?!
ano ba ginagawa ng OB? check lang nya kung closed pa ba ang cervix?

mitchteryosa
06-14-2006, 02:54 PM
Internal Examination yun sis. Ipasok finger sa "ano" mo, para malaman kung ok din ang position niya, kasi nakakapa nila kung ulo ang nakabungad. :p

sabel
06-15-2006, 11:35 AM
ist baby ko po ito kya prang d ko maintindihan yung feeling ko...ganun po ba talaga lagi po ngahihina???? ska po nung ng pa check po aq sa hospital pinnapopsmir po aq...natural lng po ba yun..thankz po....

mom22
06-15-2006, 12:23 PM
yup2x sa first tri mo, manghihina ka talaga...tapos u'r always sleepy ?
congratulations pala sa baby mo!!!:up:

mom22
06-15-2006, 12:26 PM
nku mga mommies...............last nyt nakita ko sa tummy ko, sa ilalim ng pusod...dun, meron na akong stretch marks!!!!!!!! ??? arrgg.............meron na akong permanent remembrance ng baby ko....haiiii.....sana lang it would not get worse...ehehe! ayoko sana magka stretch marks eh...arte ko noh?! soweeee...eh gusto ko pa kase pumunta sa bora at mag 2-pc! ahahahaha!

sino ba dito may alam kung pano toh i-erase or how to stop it from getting worse??

mitchteryosa
06-15-2006, 11:46 PM
May cream for stretch marks sis, kaso wag mo muna ngayon apply kasi preggy ka pa, after na lang. Pero ako wala ginamit, ang akin eh trademark na yan ng isang "ina".

dkekai
06-16-2006, 07:26 AM
nyahahahaha!! magkakatatoo ka na rin pala sa tyan mo hehehe! buti ka pa ngun ka lng magkakatatoo... ako 6 months nagkarun na.. o siguro hindi ganun kadami sau. sa akin grabe... waaaaaah! may ginagamit ako ngun. cocoa butter moisturiing stick. mabibili mo yun sa body shop. bili ka nun after mo manganak. para mabawasbawasan. nung magmula nung gumamit ako nyan, tingnan mo sa akin! marami pa rin! nyahahaha!

mom22
06-22-2006, 11:38 AM
quiet na yata mga mommies ah?!
baka kase busy na ang lahat..ung iba busy sa paghahanda sa pag dating ng little angel nila, ang iba naman...busy sa babies nila! ehehehe tama ba?!

ako eh, naghahanda na rin eh...got a few things na, hopefully by the first week next week, completo na xa......! :) xcited na rin ako makita eh..

plan ko magpa 4D scan this saturday!! yipee...when i get the picture share ko kaagad dito sa kuro...;) sana kamukha ng daddy si baby para ang cute nila tingnan :)

may question ako, mom mitch or mom jhen or kahit sino djan, madalas ba kayong magtampo sa hubby nyo or partner nyo sa last weeks of the pregnancy?! ako kse, matampuhin lately, baka sa hormones? or nag-iinarte lang tlaga ako, kse nga naman...nagiging insecure na ako eh ahahahaha! pano nga ba nmn eh tumataba na tapos may stretch marks pa..tapos feeling ko ang pangit ko na ehhehe...ewan ko ba!
OA lang ba ako?! ehehehe

mitchteryosa
06-22-2006, 04:38 PM
Hindi ako ganyan noon, mas makulit ako kesa sa masungit. :p As in very naughty ako especially with my hubby, kahit sa harap ng nanay ko inaasar ko siya minsan kurot ko nipples niya hahaha!

mom22
06-29-2006, 10:20 AM
lately OK na naman ung mood ko, ung nga lang, lagi ako sleepy.....az in...kahit completo naman ung tulog ko...haaaiii.....ano ba toh!

ibang
06-29-2006, 02:33 PM
hey mom! about the stretch marks.. wag mong hayaan na rarami yan.. kailang mo haplusan ng lotion o oil yong katawan mo para hindi lumala.... meron kasi akong kaibigan na 4 na anak nya at may apo na rin pero ok parin body nya.. yon pala sabi nya maglolotion ka lng raw para pag mag stretch yong skin natin parang elastic lng...

mitchteryosa
06-29-2006, 02:46 PM
Ako meron pero di halata. :D Saka wala sa tiyan nasa bandang baba kaya pwedeng magmid-rib bwahahahahaha! Asa pa eh!

mom22
06-29-2006, 02:50 PM
palagi nga ako nag lolotion but, wala nangyari....nagka stretch marks talaga...
liit kase ako noon...hmmmmm at yeah, pareho tayo mom mitch, sa bandang baba rin sa akin....ung sa ilalim ng belly button, na notice ko, they started appearing nung nag 8 mos ako...un ang time na si baby bumaba na sa pelvic ko, kaya lahat ng weight nya nandon na sa ilalim...ehehehe..

i guess mom na talaga ako ngaun....may permament mark na!! haaaiii...sa ngaun pahid2x ko na lang xa ng oil para di lumala, makati din kase xa eh...at namumula-mula pa...ehehe

mitchteryosa
07-02-2006, 04:29 PM
Mga buntis, galaw galaw baka manasin hehehe!

mom22
07-03-2006, 02:31 PM
ehehehe had a fun3x baby shower last saturday!! got a few stuff na for the baby!:up:
tapos this weekend nalang ako hanap2 ng iba pa! xcited na tlga buong pamilya sa baby....malapit na kasi due ko, july 26th na po.....haaaiii...
lately...lumalala na ung pagka scatter brained ko! sobra, makakalimutin at laging confused ako lately..ahahahahaha ganun din ba kayo mga mommies?! kaw mom mitch?

sabi ni doc, ang baby ko, nka position na tlga..at sobrang baba na daw..also, mga 5 pounder lng ung baby ko kaya di daw worried ung doc ko na di ko kakayanin ang labor....ok lang naman daw maliit ang baby, paglabas na lang ko daw palakihin!
ayun...ehehehe:)

mitchteryosa
07-03-2006, 02:56 PM
kaw mom mitch?Naging makakalimutin ako nung pagkapanganak na hehehe!

mom22
07-03-2006, 03:04 PM
ehehehe ~ ako ngaun pa lang, makakalimutin..pano ba toh pag nanganak ako, amnesia na ako!! ahahaha

mitchteryosa
07-03-2006, 03:41 PM
Lalo na daw kapag nasaksak ka ni Anastacia. :p

dkekai
07-04-2006, 09:18 AM
sang ayon ako dyan hehehehe. 1 tym nangyari sa akin... magrerenew ako ng liensya. pagdating ko sa LTO hindi ko pala dala lahat ng requirements ko kasama lisensya ko. hehehe dati rin di ako makaalis pag di ko dala cell ko. ngun madalas ko na rin mkalimutan hehehe. sabi nila.. isa na lng daw ang hindi ko nakakalimutan hehehe.

mom22
07-06-2006, 02:06 PM
For Expectant Mother's Like Me hope this list will help!! Got this in metro gaisano yesterday :up:

Clothing
~The Side Shirts/Infant Shirts
1. 12 sleeveless
2. 12 shortsleeves
3. 6 Longsleeves
4. Abdominal Binders

Diapers
1. 24 Birds Eye <lampin ung makapal na kind>
2. 36 Gauze
3. 2 disposable (pack)
4. 12 Mittens
5. 3 Bonnets
6. 3 Booties (pair)
7. 3 Sweater/Sacques
8. 6 plastic panties
9. 3 socks (pair)
10. 12 bibs
11. 2 hooded towels/blankets
12. 3 pajama / frog suit

Beddings
1. 4-6 Fitted Sheets
2. 3 Crib Blankets
3. 1 Crib Bumper
4. 1 Comforter
5. 1 Pillow
6. 4 Pillow Cases
7. 2 Bolsters
8. 6 Bolster Cases
9. 1 Waterproof Sheets

Bathing/Grooming & Accessories
1. 3 Bath Towels
2. 4 Wash Cloths/Sponges
3. 1 baby Bath Tub
4. 1 Wash Basin
5. 1 Bathing Support Net
6. 1 Rubber Bath Mat
7. 1 Bath Thermometer

Toiletries
1. 1 baby Soap/Liquid Bath
2. 1 baby Shampoo
3. 1 Baby Powder
4. 1 Baby Oil
5. 1 Baby Cream
6. 1 Baby Lotion
7. 1 Baby Cologne
8. 1 Baby Alcohol
9. 1 Cotton Swab/Balls
10. 1 Mosquito Repellant
11. 1 hairbrush and Comb
12. 1 powder case
13. 1 Soap case
14. 3 Diaper Pins/Clip
15. 1 Nail Cutter/Scissors
16. 1 Petroleum Jelly
17. 1 Diaper rash powder
18. 1 Nasal Aspirator
19. 1 Ear Syringe

More Essentials
1. 1 vaporizer
2. 1 bed warmer
3. 1 water bag
4. 1 ice bag

For Bottle Feeding
1. 6 ~ for 8 oz
2. 3 ~ for 4 oz
3. 3-4 nipples
4. 2 caps
5. 1 bottle holder
6. 1 bottle warmer
7. 1 sterilizer
8. 1 sterilizer rack
9. 1 sterilizer tongs
10. 1 bottle brush
11. 1 nipple brush
12. 1 powder milk container
13. 1 strainer

For breast feeding
1. 1 Breast Pump
2. 1 Nursing Pads
3. 1 Nipple Cream
4. 1 Nipple Shield

Travel
1. 1 Nursery bag
2. 1 car seat
3. 1 changing pad
4. 1 Baby wet wipes
5. 1 disposable liner holder
6. 1 disposable liner (box)
7. 1 nipple
8. assorted toys

Furnitures/Furnishings
1. 1 Matress
2. Crib
3. Playpen
4. carrier/bassinet
5. Stroller
6. high chair
7. cabinet
8. lamp
9. trainer seat
10. safety gate
11. scale
12. hangers
13. clothes clip
14. mosquito net
15. diaper pail
16. diaper stacker

NOTE: Mommies, i know tempting ang bumili ng gamit for the baby, but always keep in mind to buy only the things you feel you need!! don't overbuy! sayang naman hihihi!! enjoy motherhood!!

muah!

Vanessa

mitchteryosa
07-06-2006, 02:24 PM
Sus ginoo! Dami gyud! :p Wag kayong magpanic buying, sa experience ko di man niya nagamit ang ibang infant shirts, nakaliitan lang. Hintayin ko na lang for our Myrick Andrei. :D

mom22
07-06-2006, 04:30 PM
wow, mom mitch, sundan na kaagad si baby derelle?? ehehe
may question ako....i bought 4 pcs each sleeveless, long sleeves and short sleeves nung side-tie na shirt, OK na ba kaya un? kase parang too much ang 12 each eh!
baka makaliitan lang....?

mitchteryosa
07-06-2006, 05:35 PM
Hahaha! Di pa no! After 3 years pa hehehe!

Naku oks na yan Mommy Van. Ako nga yung binigay ng friend ko 6pcs each ng shirt, sando saka long sleeves, ang nilabas ko lang dati tigagatlo, di na nagamit ang iba. Kasi lalabahan mo naman kaagad. Ayun bagong-bago pa yung iba.

dkekai
07-08-2006, 04:26 PM
aawww dami nun! hehehe ako yung mga longsleeves en pajama na binili ko di rin ganu nagamit. kasi iba talaga init dito sa pinas.. mas gusto nya magsando lng. buti nga ngun nagtatagulan hehehe tipid sa aircon. kung ako tatanungin ayaw ko ng aircon pero wawa baby pagnapapawisan. mommy van bilin mo yung medyo malalaki na sa baby mo. para matagal nya magamit. ako ngun, oa na ako mamili ng damit. hheh malalaki na kasi binibili ko. iniipon ko na lng. lalo na pagdating sa jaoan... naku po.. mahal ng mga damit dun....

mom22
07-12-2006, 01:11 PM
mga mommies,

musta?? grabe...my brain is processing a lot of info na!! ehehehe
do u know, i just came back from the doctor tapos un nga she did an ie on me....and i'm actually 2 CM dilated, can u believe that, anytime daw i will give birth na in 2-3 days or pwede din t'nyt!!!!!!!!
waaaaaaaa.......

dapat i do my walking na!!!!
good luck to me :D

mitchteryosa
07-12-2006, 10:22 PM
Ilang tulog na lang, lapit ka na.

Goodluck! Keep the faith! Galingan mong umiri! :p

mitchteryosa
07-13-2006, 10:13 PM
6 sleeveless (with strings)
6 shortsleeves (with strings)
6 longsleeves (with strings)
3 sets of sleeping "overall" suits
3 pcs pajama
12 pcs bigkis (abdominal binder)
24 Fabric Nappy - Curity <malambot at maganda quality for infants>
Disposable diaper (small pack lang, tingnan mo muna kung hiyang sa kanya)
3 Crib Blankets
3 pillows (pero di din nagamit agad)
1 Waterproof Sheets (kung gagamit ka ng lampin)
2 Bath Towels
6 Wash Cloths
Baby Bath Gel
Baby Shampoo
Baby Powder
Baby Oil
Baby Cream
Baby Alcohol
Cottons
Powder Container
Soap Dish
2 sets Nappy Clips
Petroleum Jelly
3 pcs smallest feeding bottles with nipples
Bottle and Nipple brush
6 pairs Washable Nursing Pads (useless kasi 3 days lang ako meron)
Diaper bag (very important)
Wet Wipes
Crib (tagal nabakante kasi katabi ko siya lagi, till now katabi ko siya, pag lang may gagawin ako, saka ko siya nilalagay sa crib - first 2 months niya, ngayon naglalatag ako sa lapag ng comforter para makaikot-ikot siya)

* Sa mga damit, konti lang kasi di mo naman paabutin ng matagal bago malabhan.
* Sa mga toiletries, yung importante lang kasi sensitive pa skin nila.
* Above were the things I bought for Derelle.

marie
07-14-2006, 12:35 AM
Van--- sana bukas ka na manganak para kabday ko xiempre sure behave pa he he he.... Good Luck!!!

Ate mitzi----- tenx a lot uumpisahan ko ng bumili sa monday.

mitchteryosa
07-15-2006, 03:45 PM
Most welcome.

Hope it helped you make up your mind hehehe! Pag kasi first baby talaga, halos gusto mo ng bilhin ang buong baby's section hehehe!

mom22
07-15-2006, 05:06 PM
hi guyzzzz........silip lang ako saglit para mag balita!!!

gave birth na....july 14, 2006 FRIDAY!! @ 7:04am was in active labor from 2am 'til 7am tapos 5 lang ka push, ayon na si baby! ang cute2x kamukha ko talaga! except the eyes :) may dimple pa cya sa ryt cheek na...!
5 lbs 12 oz lng po xa but ok na un, hindi ako nahirapan, healthy naman eh..:)

wala pang pix, di pa na upload..
wala pa ako sleep since weds na nagpa admit ako..nyahaha
ingatz kau ha!!
balik na ako sa baby ko..baka nagugutom na un :)

muah!!!!

Mommy Van

mitchteryosa
07-15-2006, 05:09 PM
Congrats 'day! Bilib ako sayo nakaonline ka agad, parang di mo ininda hehehe!

HappyMan
07-15-2006, 07:50 PM
Congrats Mom sana maging healthy ang baby mo lalo na ikaw kain ka ng madami para makabawi sa hirap, sana ganyan din kadali mag give birth ang mahal ko........

marie
07-15-2006, 11:35 PM
Hello!!! mom van yeheey gleng gleng mo naman,,, congratz tiyak di kita makakalimutan coz ka bday ko baby mo.. he he he
post ka na ng pix dale......... sana ako rin di mahirapan manganak hu hu hu medyo takot pa rin ako eh!

Mom mitzi---- ayun nakabili na ako sa list na ibinigay mo, but dyus ko ang hirap maghanap ng sleeveless d2 tenks talaga sa tips alcohol wala rin sila d2, Itatanong ko nga kay ate Madjz kung ano gamit niya b4.Kakagigil hirap bumili ng gamit d2 may pinay d2 na gustong ibang sa akin yung pinaglumaan ng baby niya like lampin at bigkis ayaw naman ng aking mahal na atapis na kunin hmmmp sayang mukhang bago pa naman at maayos pa itatapon lang.

mom22
07-16-2006, 09:49 AM
thanks guys!!!! sorry di pa ako nka upload..eto,checking my mails while dede si bby...ehehe! lakas na nya mag dede, sakit na nga nipples ko!! hihihi, pero ok na kysa hindi xa umiinom:)

grabeh high pa ako!!!

Van

mitchteryosa
07-16-2006, 02:32 PM
Mom mitzi---- ayun nakabili na ako sa list na ibinigay mo, but dyus ko ang hirap maghanap ng sleeveless d2 tenks talaga sa tips alcohol wala rin sila d2, Itatanong ko nga kay ate Madjz kung ano gamit niya b4.Kakagigil hirap bumili ng gamit d2 may pinay d2 na gustong ibang sa akin yung pinaglumaan ng baby niya like lampin at bigkis ayaw naman ng aking mahal na atapis na kunin hmmmp sayang mukhang bago pa naman at maayos pa itatapon lang.Kung may magbibigay bakit ayaw niyo kunin. Mas makakamenos kayo sa gastos kasi yang bigkis naman sandalian lang gagamitin, and I'm sure ang lampin di rin tatagal na gamitin niyo kasi magda-diaper kayo. Buti sana kung tulad sa atin na proper ang pagpapatuyo ng mga damit. Saka may kasabihan na mas maganda daw ang hands down na mga gamit for babies. :p

I had 2 dozens of bigkis, half of it puro gamit na ng mga pamangkin ko sa pinsan. 12 lang ang bago. Ni di man nagamit lahat.

mitchteryosa
07-16-2006, 02:34 PM
sorry di pa ako nka upload.I-upload na kasi hehehe! Oist, pahinga ka ha! Wag puro internet hahaha! Baka bumukha tahi sige ka! :p Mas matatagalan nyahahaha! My bad!

dkekai
07-17-2006, 02:36 PM
wwowww!! van congratulation!!! wwaaaaahh nacurios tuloy ako kung ano feeling ng normal delivery.. kung ano yung feeling nung mismong lumalabas na dun. hihihi nyways, eto lng masasabi ko!!! UPLOAD! UPLOAD! UPLOAD!! HEHEHEHE CONGRATS ULIT!