View Full Version : Pregnancy Tips


Pages : 1 2 3 4 5 [6]

mhycharles
05-04-2007, 02:03 PM
thanks Pinay.. :D sabagay ang stretch marks nman are signs of being a mother..hehehe.. hndi ko na lang masyadong papansinin..hehehe.. pnipigilan ko nga ang sarili kong kamutin ang tummy ko kasi baka lalo lang dumami. thanks for the tip.. ;)

mom22
05-09-2007, 03:40 PM
hi myh!

wow...congrats on the new baby boy!:) first baby mo?
ung stretch marks, pareho tau ng issue nung i was preggy, i didn't want
any talaga, but sa 8th month ko, di maiwasan kahit ilang garapon na
ng lotion ang ipinahid ko, lumabas talag kase di na nakaya ng skin ko
ang paglaki...

anywhoo.....sabi ni lucy (torres-gomez) nabasa ko somewhere she used cocoa
butter..i used that it didn't work on me, maybe it will on you...
i think palmer's cocoa butter.....it's sold sa rustan's or watsons :)

anyway.....ok na ako sa stretchmarks ko, my hubby don't mind naman...
he just jokes bout it, but ok lang sa hubbies naten un.

enjoy ur pregnancy kse iba naman ung joy pag nasa labas na si baby!!

Van

Michelle Aleli
05-10-2007, 06:14 PM
hi mommy mitch

wow...bilis ng panahon noh, due ka na....the next time i open kuro..bka may picture na ang baby mo sa kuro babies!! yey :)

basta don't forget to do exercises like walking cz it helped me talaga ... ehehe
ire ka lang at hwag kang mag alala..kay mo yan!!

ako rin noon nagka cramps...kainis yon...balitaan mo pa kame!



Hi Mommy Van,,

'Yeah, you're right, nakapanganak na nga ako. Actually magtu 2 months na nga si Baby Marchelle next week. Ngayon lang ulit ako nakapa post kasi kababalik balik ko lang sa work at syempre, sobrang busy sa pag aalaga ng baby. Normal naman ang delivery ko. I labored for almost 10 hours. Akala ko nga, 'di ko kakayanin, eh! But sa awa ng Diyos, nakaraos din. Thanks for your prayers and advices mommies, ha? Ngayon, isa na ako sa magsi share ng experience at mag aadvice sa mga bago nating mommies to be! ...

Michelle Aleli
05-10-2007, 06:26 PM
hello i'm mhy.. i was searching for sites pra s mga pregnant and found this.. i read some of your posts and it really helped me understand some things.. thnk u.. :cool: btw, i'm 21 weeks pregnant. hope to have chitchats with some moms here.

Mhy

Hello mhycharles,

Welcome to Kuro mommy! Yeah, ganyan din ako dati! Sobrang laking tulong 'din ng kuro sa 'kin... just keep on posting ha??

Tungkol naman sa stretch marks, sobrang worried din ako noon na baka magkaroon ako nyan. Kaya nga araw araw kong pinapahiran ng baby oil ang tummy ko nung preggy pa ako. Kainis lang kasi di ba, mainit 'yung oil sa katawan? Pero tiniis ko, para 'di ako magkaroon although sabi sa mga nabasa ko eh, hindi naman daw talaga nakakatangal 'yang mga pinapahid na 'yan... pang pabawas lang sila ng appearance ng stretch marks pero hindi daw sila totally naalis no matter how much oil and lotions you put on your tummy.
Lucky lang ako kasi hindi talaga ako nagkaroon ng marks after giving birth. Siguro dahil sa maliit lang ang tyan ko nung preggy ako, depende daw kasi 'yun sa elascticity ng skin. Kaya, 'eto pwede pa rin akong magbikini at magsuot ng hanging shirts and blouses (hihihi). Pero ok lang din naman sa akin kahit nagkaroon ako ng marks. Syempre sign kaya 'yun ng motherhood, so we should be proud of it!
Well, goodluck po sa pregnancy mo... God Bless!

mom22
05-11-2007, 03:46 PM
wow mommy alleli.....inggit ako....buti ka pa walang marks!! ehehehe

mhycharles
05-15-2007, 10:41 AM
Hi Mommy Van,

Thanks for the tip.. :D Actually my nkpgsbi n rn skn about s palmer's cocoa butter. It minimizes nga dw ng mga stretch marks and I'm going to try it..hehehe.. sna mging effective skn.. sbi nga dn nla hndi dw tlga maiiwasan lalo n pg mlaki ung tyan mo. mdyo maiitim lng kz cya ngaun at ntkot ako at first n bka hndi n mtnggal..hahaha... pro sbi nmn nla pg nnganak n, mglilight n rn cya.. super thanks p rn po.. :)

Mhy

mhycharles
05-15-2007, 10:45 AM
Hi Mommy Aleli,

Thanks for welcoming me.. Kaiingit k nmn wla kng stretch marks.. flawless ever k p rn..hehehe.. i'll try using ung cocoa butter n sinuggest ni mommy van.. bka effective skn..hehehe.. ngtry kz ako dti gmmit ng avon lotion s tyan ko kya lng isang gmitan ko p lng ngkrashes ung tyan ko kya pntigil ng hubby ko.. super kati p nya.. kya ntkot dn ako gmmit ng any lotion eh.. pro this one ittry ko..hehehe..

Mhy

louiese
05-18-2007, 07:46 AM
hi momies...
im am now on my 27th weeks and so far wala pa naman akong nakikitang marks coming out of my tummy however ineexpect ko na un kc nga sabe nila hindi mo na naman un mapipigilan and it's normal not unless ur very lucky not to have it..hihihi... nways happy ako kse maraming tips and advices d2 na pedeng makatulong sa mga momies...thanks pow!! :)

christine
05-18-2007, 08:08 AM
WELCOME to KURO MOM LOUISE..............
i'm sure madami kang pointers na makukuha dito, at maalaiw kang magbasa ng mga momy experience, which is very helpful and elightening.

speaking of stretch marks, it is not visible pa pagmalaki pa tyan mo, it will dominantly showed after you gave birth.... mostly nakukuha mo yung maiitim-itim na mark pagkinakati mo tyan, which is talagang makati, especially sabi nila pagmakapal daw buhok ni baby sa tyan mo, or it maybe from the pawis which is likely to occur basta buntis ka mapawis ka talaga.... instead using hands to alleviate the kati, advise nila sa akin use comb na lang, kaso for me, di talaga maiwasang wag magkamot lalo na paggabi na malayo ang suklay... hehehehehe

GOD BLESS sa'yo... hope you can post more!

mitchteryosa
05-19-2007, 02:28 PM
Buti na lang pala ako kahit makapal masyado buhok ni Deye, di maitim ang marks sa tiyan ko. Dati kasi pag nangangati talaga at di ko mapigil, hinahaplos ko yung part na makati using "lampin" na Curity (promoting pa hehehe), kasi super lambot yun db?

Michelle Aleli
05-22-2007, 03:15 PM
Normal lang na medyo mangitim 'yung tummy kapag preggy ka. But don't worry, matatanggal din 'yan pagka panganak mo. Ako nga eh, it's been 2 months since I gave birth pero hindi pa rin totaly nawawala ung discoloration ng tyan ko. But napapansin ko naman na nagiging lighter na ulit siya so 'di ako masyadong nagwo worry. Andito pa nga rin 'yung Linea Nigra ko ('yung itim na line), although nagpe fade na rin naman siya pa unti unti.

Michelle Aleli
05-22-2007, 03:21 PM
Hi MhyCharles...

Ako, noon baby oil lang ang ginamit ko. Siguro somehow, effective din kasi nga 'di ako nagkaroon ng stretch marks. Basta pinapahid ko lang 'yun everyday tuwing pagkatapos maligo. Kaya lang, minsan kailangan mong tiisin kasi di ba, greasy siya at saka mainit sa katawan. Ang init pa naman ng pakiramdam natin kapag buntis. Anyway, depende rin siguro kung anong product ang hiyang sa 'yo... Hopefully maging effective din 'yang ginagamit mo. But kung hindi man, ok lang 'yan. Kung nagkaroon din ako ng stretch marks eh, ok lang din naman sa akin kasi 'di ba parang 'yun yung proof na naging mommies na nga tayo, hihihi. Who knows, sa susunod na pagbubuntis ko, eh, hindi na ako makaiwas sa pagkakaroon nun, hehehe...

Michelle Aleli
05-22-2007, 03:24 PM
Hi MOM LOUISE,

Welcome po sa Kuro. Yeah, you're right ... Sobrang helpful talaga mga 'tong forums dito. Dito rin ako nagahahanap ng tips and advices nung preggy pa ako...

Keep on posting po ha? Update mo lang kami lagi ...

maureen26
05-22-2007, 07:21 PM
Hello mga mommies,

Well so far 20 weeks na akong buntis at 2nd baby ko na to wala pa namang lumalabas na stretch marks. Nakachamba lang ata ako non sa first baby ko kasi hindi ako nagkaroon ng stretch marks. Ewan ko lang ngayon well inaalagaan ko ng lotion palagi kapag nangangati 3x a day ako naglalagay. Good luck sa mga new mommies. :)

dkekai
05-22-2007, 08:06 PM
ako dami ko stretch mark.... as in ang lalaki pa at itim.... kaasar di tuloy makapaglabas ng tyan hehehe. pero tanggap ko na. sabi nila olive oil daw ang ilagay sa tyan.

mitchteryosa
05-22-2007, 08:10 PM
Siguro swerte swerte lang na makakuha tayo ng puti at itim na stretch marks bwehehehe!

Michelle Aleli
05-22-2007, 08:26 PM
Welcome po to Kuro Mommy Maureen!!!

mhycharles
05-28-2007, 01:11 PM
Hi Kuro Mommies,

Help nmn!! my alam po b kaung remedy s manas? kasi po minamanas n ung paa ko.. as in mtaba n cya unlike dati.. delikado po b toh? any suggestion paano cya bblik s dti? as in d n ako mkpgclose shoes..hehehe.. thanks po. :D

Mhy

mitchteryosa
05-28-2007, 02:38 PM
Ilakad mo lang yan regularly at itataas mo mga legs mo when sitting, mababawasan yan, pero not totally mawawala kasi may mga buntis yata talagang manasin.

mhycharles
05-28-2007, 03:42 PM
Thank Mitchteryosa.. nagtataka nga ako kz araw-araw naglalakad tlga ako ppntang ofis siguro mga 10-15 mins walk un. Ginawa ko na siyang routine. Siguro nga manasin lang talaga ako.. hhaayyy.. katakot lng kasi dhl ang taba nya..hehe.. pero cge try kong itataas ang paa ko pg nkaupo.. Slmat.. :D

Mhy

mitchteryosa
05-28-2007, 03:47 PM
Pagdating mo sa bahay, kung uupo ka sa sofa to relax/rest, ganun din gawa mo, kuha ka ng chair na kalevel ng inuupuan mo tapos patong mo dun legs mo.

Michelle Aleli
05-28-2007, 10:51 PM
Hello Mhycharles...

Normal lang yang manas or edema during pregnancy... You don't really have to worry unless sobra sobra ang pamamanas lalo na sa face or on other body parts ... Para maminimize ang pamamanas iwasan mo ang pagko cross ng legs or pagdekwatro kapag nakaupo ka. Tama rin si Mommy Mitch, nakakatulong talaga ang madalas na paglalakad. You should also refrain from sitting and standing for long hours. Kung hindi mo naman maiiwasan, make sure na kahit pano eh, naii stretch mo 'yung legs mo. Drinking plenty of water could also help.

But don't worry, mawawala rin 'yan after you gave birth. In my case, hindi ako gaanong minanas. Medyo lumaki lang ang face ko (though hindi naman talaga siya edema), but bumabalik na rin paunti unti after kong manganak...

mhycharles
05-31-2007, 04:06 PM
Thanks Mommy Mitch and Mommy Aleli!!

Ngayon medyo ok n cya.. d n gaanong mtaba..hehehe.. gngwa ko lng lgi ung cnbi nyo.. onti-onti nmn feeling ko nbbwasan cya.. hhaayyy.. excited n akong mnganak.. kya lng 26 wiks p lng ako eh..hehe.. mdyo mtgal p..

Mhy

Michelle Aleli
05-31-2007, 05:08 PM
Yeah, medyo matagal pa nga ang 26 weeks, but you know what? Mabilis lang din 'yan ... 'Di mo mamamalayan kabwanan mo na pala! Enjoy mo lang ang pagiging preggy for the meantime ... Goodluck po to your journey as a mom...

dkekai
09-16-2007, 05:40 PM
hhmmm kailangan buhayin ang thread na to.... waaahhh!!

mitchteryosa
09-16-2007, 05:45 PM
As 2nd timer mom ba ha Jen? Weeeeeeeeeeeeeeee!

dkekai
09-16-2007, 05:47 PM
uu!! pero ikaw pa rin ang tatanungin ko dito! nyahaha!

mitchteryosa
09-16-2007, 05:50 PM
Nyek! Dapat nga ako na ang hihingi ng advice sayo hahaha!

anlic
09-21-2007, 11:04 AM
Hi Kuro Moms! I'm so glad I saw this forum. I'm looking kasi for forums that could help first time mom like me. I'm on my 12th week. I really am enjoying this forum! Hope you can help me if ever there are any queries from my end...

Ciao!

dkekai
09-21-2007, 01:02 PM
ure very welcome here anlic. ^^ ako naman 5 weekds preggy pa lang. at eto lupaypay sa paglilihi. lagi nakahiga at bedrest. tara! chikahan tayo dito! hehehe

anlic
09-21-2007, 04:40 PM
ure very welcome here anlic. ^^ ako naman 5 weekds preggy pa lang. at eto lupaypay sa paglilihi. lagi nakahiga at bedrest. tara! chikahan tayo dito! hehehe

thanks ha! ako nung 6 weeks pregnant i was advised by my ob to have bedrest for 5 days kasi nga i have spotting pero few lang naman. pero matigas ulo, pumasok pa din sa work, ayun after ko magpacheck up nung sunday the following monday sinugod ako sa hospital. nagkaroon kasi ng spotting at severe back pains. tapos i was hospitalized ng 4 days then pinag complete bedrest ng 14 days...grabe, yun. pero okay lang basta safe na si baby....so far, okay naman na kami...no more spotting, super ingat nga lang sa lahat ng gawa...

dkekai
09-23-2007, 05:46 PM
nakakaloka maglihi.... nakakahilo at sakit sa sikmura... :-( sana matapos na paglilihi ko.

reigna16
09-24-2007, 09:22 PM
Congrats Mom Dkekai! Ate na si Andeng! (",)

dkekai
09-25-2007, 07:51 AM
tnx reigna!!! habol ka na rin dali!!! hihihi!

Michelle Aleli
09-27-2007, 10:24 PM
woooooooooowwwwwww!!!

congrats mommy jen!!! ... ate na nga si Andeng! hehehe, ako, matagal tagal pa siguro, maliit pa si Masheng ko eh!

Michelle Aleli
09-27-2007, 10:26 PM
hi mommy anlic,

buti naman at okay na ang babymo... welcome to this thread!

christine
09-28-2007, 04:22 PM
nakakaloka maglihi.... nakakahilo at sakit sa sikmura... :-( sana matapos na paglilihi ko.CONGRATS JHEN!!!! damihan mo na kasi para masaya! GOD BLESS sa inyo ni baby....

dkekai
09-29-2007, 04:50 PM
nakakalungkot... nagpaultrasound ako kanina... wala daw nakitang baby... nainis ako sa naguultrasound... feeling ko di sya marunong... feeling ko di maganda yung gamit nila... pero ang totoo... di ko matangap na wala silang nakitang heartbeat... pinadala ko result sa doctor ko. yun nga daw wala pa daw nakita at meron daw kasi nangyayari yung nabubugok daw. di nabubuo... sa tue check up ko... sana good news na.

mitchteryosa
09-29-2007, 10:22 PM
Naku wag ka muna magworry Mareng Jen kasi baka lalo ka ma-stress. Think positive!

christine
10-01-2007, 12:10 PM
yah.... tama yan! think positive ika nga ni mitch! and constant PRAYERS! GOD surely will give what's the BEST for you...................

mitchteryosa
10-03-2007, 07:34 PM
Get well soon, Mommy Jen. Sabi ng dok bedrest kaya sundin mo.

ateshawie
10-05-2007, 02:33 PM
hi!! bago lang ako dito and i'm also a 1st time mom. i'm 4 months pregnant. sabi ng sis in law malaki raw ang matutulong ng forum sa akin kaya ako nandito hehe. :cool:
tnx

christine
10-05-2007, 02:40 PM
CONGRATS MOMY SHAWIE! nad WELCOME to KURO.PH....

you are right....... you will surely learn a lot from this forum......
Please feel free to visit and post, i'm sure excited kang magiging future mom, surely, you'll have a lot to share..... keep on posting masaya dito!

GOD BLESS sa inyo ni baby........

ateshawie
10-05-2007, 02:57 PM
tnx sa pagwelcome!! binabasa ko nga ung mga old posts para mas marami akong matutunan. pwede magtnong??:-/ sabi ng OB ko mataas ang white blood cells ko at may discharge ako,ung white lang at la me UTI. wait ko pa resulta ng pop smear, sa thu pa un. nakalimutan ko kasi itanong sa OB ko kung ok lang un, kung normal sa nagbubuntis kasi nagwoworry na ako. :paranoid:
sana matulungan nyo ako, ayaw ko lang talaga magworry baka makasama sa baby ko..
tnx ulit ng marami ..

christine
10-05-2007, 03:04 PM
@momy shawie:la ka naman cgurong dapat ipag-worry..... as long as di dugo yun... wait ka na lang sa findings nag-OB mo at keep on Praying.... cguro yung mga white cells or discharge is also part of the hormonal changes na na-naandergo pag-buntis ka.... syempre madaming pagbabago sa atin.... ganun lang cguro yun...... wag ka masyado mag-isip ng negative, dapat positive, para you attract positive energy, ika nga..... mafi-feel kasi ni baby pag-worry ka eh....

her julieness
10-06-2007, 08:49 AM
I am currently 1 month pregnant and my face is breaking out. I applied sebo de macho yesterday and my huge zits are almost gone today. My concern is, is sebo de macho safe to use during pregnancy?

Thanks :)

mom22
10-08-2007, 04:36 PM
congratulations to the new mommies!!

~take it easy you guys and rest, crucial and 1st trimester! mommy jen...we are praying for u & ur baby's safety.

:luvstrk: :luvstrk: :luvstrk:

enaj
10-13-2007, 07:59 AM
hi everyone! im a new member here coz i find this forum very helpful to me.Im now in my 4mos pregnancy & would like to ask some advise in what im experiencing now.Lately I have "pulikat" attack from time to time.Hope ul be advised me on what to do to avoid this...Thanks mga mommies.:kiss2:

ateshawie
10-13-2007, 04:53 PM
hellow mga mommies!!!

gusto ko lang itanong, safe ba ang salonpas sa preggy?? masakit kasi ung hips ko kaya i decided to put salonpas :x . ok lang ba un?? heheh

Michelle Aleli
10-15-2007, 10:49 PM
congrats sa mga new mommies and welcome to kuro!!!

dkekai
10-20-2007, 09:03 AM
mga bru!!! im back! juice ko! 1 week sa hospital!! hirap ah. walang tayuan as in. at ang nakakastress pa dun eh kahit ay gamot na eh may spotting pa rin. ayun hanggang ngun bedrest pa rin. salamat kay Lord kasi wala ng spotting pro bedrest pa rin. kakaloka!! hirap ako sa paglilihi. sana boy na to hehehe minsan 3 times ako nasuka. minsan pagkakain suka kona agad. nakakapanghina. naawa akosa sarili ko. haayy naku sana matapos na tong paglilihi. lumolobo na rin ako sa kakahiga. yuck! magiging losyang na talaga ako hehehe.

mitchteryosa
10-21-2007, 08:30 PM
Good to know nakauwi ka na sa bahay.

Ingat lagi!

mitchteryosa
10-21-2007, 09:56 PM
Mukhang manghihingi ulit ako ng tips ah! :D

mom22
10-23-2007, 02:27 PM
nku maganda ka pa rin momy jen! good to know nka uwi kana..! get some rest ha:up:

~mommy mitch? ikaw rin? on the way???:luvstrk:

mitchteryosa
10-23-2007, 03:18 PM
Di ko nga alam eh! Nagtest ako kagabi, negative naman, hmp!

novemberrain
10-23-2007, 04:22 PM
no worry Mitch. pa positive din nya in 2 weeks time.ha ha ha:laugh: :up:

mom22
10-23-2007, 04:39 PM
:up: well..keep us posted pa rin! xcited na kami sa results! ahihihi

mitchteryosa
10-23-2007, 04:52 PM
Atat kasi eh no? :p Wait ko na lang muna....

christine
10-23-2007, 05:07 PM
uuuuy magiging ate na ata si prinsesa D!!! that';s good news!
*********

@momy jhen: buti naman okay na kayo ni baby mo.....jus take it easy...... follow docs' order and CONSTANT PRAYERS....

Michelle Aleli
11-21-2007, 02:30 PM
Wow, congrats Mommy Jhen! Ate na si Andeng!

@ Mommy Mitch! Ano na po balita? Positive din ba? hihihi! Goodluck!

dkekai
01-12-2008, 10:02 AM
kalungkot naman... wala akong kachitchat na buntis dito...

dkekai
01-22-2008, 04:16 PM
hanggang ngun di pa rin ako nakakapagpamonthly check up sa dcotor. next week 6 months na ako. mukang malabo pa rin ako makapagpadoctor kung hindi pa ayos sponsorship namin. nagaalala na ako sa baby ko... :-( malapit na rin maubos yung baon kong prenatal medicine... :-(

pogitaz
02-21-2008, 09:44 AM
Does anyone know where can i buy preggy lollipop here in the PHilippines for my wife? she is having a hard time with her first pregnancy. Hope someone can help me.

BrownAngel
02-22-2008, 11:49 AM
What is a preggy lollipop? I never heard of it.

pogitaz
02-22-2008, 03:09 PM
saw it in the internet. search it at google. they say that it helps a lot.

dkekai
03-10-2008, 07:21 AM
haayy naku hanggang ngun confuse pa rin ako kung magnonormal ako o mag CS. nasa akin ang desisyon. takot ako magnormal. hindi ako marunong umiri. baka mapaano si baby. at magkakumplikasyon. CS naman, alam ko na kasi ang hirap eh pero dahil alam ko na ang hirap, kinatatakutan ko na rin yun pagdating ng araw na yun. kakatakot.... waahh...

cutebaby
04-01-2008, 09:43 AM
girl hwag kang matakot, before ako ganon din, sobrang takot ako. Pinipilit ko kasing mag-normal, pero hindi kinaya... sobrang laki ni baby sa tummy ko... 9.13lbs di talaga kayang i-normal. kaya yon CS nalang. hwag kang matakot madali lang pag CS though matagal gumaling ang sugat.. Good luck sayo. San ka manganganak?

dkekai
04-02-2008, 05:58 AM
d2 sa jpan. sa loob ng base. bka sa may 12 n ako hiwain. sabi ng OBgyne, kasabihan na lng daw ng matatanda na hanggang 3 lang pede iCS. gulat ako. kc sabi ko sa OBGYNE kailangan na ako iligate. pero sabi nya pgisipan ko daw kc khit pa nga daw hanggang 6 pede. bigla akong naconfuse ngun. hhehehe khit gusto ko lng 2 anak. nguguluhan pa rin ako. hehehe

cutebaby
04-02-2008, 08:37 AM
parang ako din ganyan ang narinig ko hanggang 2 or 3 lang pag CS ka, pero i also trust the experts like OBstetricians kasi ina-ral nila yan eh, tsaka considering the technology ngayon there is a big possibility na ganon nga pede na till anim.. hehehehhe. Are you a first mom?

dkekai
04-02-2008, 09:31 AM
pangalawa ko na to. at ayaw ko na hehehe. hirap kasi pero sabi ng obgyne dito. baka daw kasi pagdating ng panahon magbago daw bigla isip ko kaya pagisipan ko daw mabuti kung paligate na ako. may mga paraan naman daw para wag muna mabuntis like IUD. parang pangatlong cs ko na to. kasi dati tinangalan ako ng isang ovary. kya sa pinas sabi ng obgyne ko. hanggang 3 lng daw.

christine
04-02-2008, 09:44 AM
pangalawa ko na to. at ayaw ko na hehehe. hirap kasi pero sabi ng obgyne dito. baka daw kasi pagdating ng panahon magbago daw bigla isip ko kaya pagisipan ko daw mabuti kung paligate na ako. may mga paraan naman daw para wag muna mabuntis like IUD. parang pangatlong cs ko na to. kasi dati tinangalan ako ng isang ovary. kya sa pinas sabi ng obgyne ko. hanggang 3 lng daw. agree ako sa ob mo momy jhen, bata ka pa naman para magpa-ligate, di ba may mga "side effects" yan... hehehe, pwede naman pills, madami ka namang choices....

pero kung talagang ayaw mo na - at sa tingin it's more benificial especially sa health mo then, go for it......balitaan mo kami!

dkekai
04-02-2008, 09:50 AM
bawal kasi ako magpills. pero pede daw IUD. ewan ko naguguluhan pa rin talaga ako. di bale sana kung mura lang magpaaral hahaha. yung side effect? di daw totoo yun hehehe. 4 yung sabi nilang posibleng side effect daw hahaha. di ko na post kung ano yun at baka pagtawanan ako. gurlalu ulit ang magiging anak ko hehehe. sayang hindi pa naging boy. ok na rin. may magmamana sa mga gamit ni andrea.

christine
04-02-2008, 10:04 AM
ah so hindi ka pala pwede sa pills, di ba ang IUD risky sa mga nagpapaopera? since di pala totooo yung mga side effects na "xxxxxxxx" na ganun.... di mabuti naman. hehehe. ako rin magpapa ligate pag-ako'y mabuntis pa uli, since sabi mo ala naman palang mga ganun....

gurlalu ba? di malaki ma-sisave mo nyan! since di pa naman masyadong malaki agwat nila.

dkekai
04-02-2008, 10:24 AM
di ko lang alam. pero tingin ko hindi kasi recommend sa akin ng OBGYNE yun. pero alam ko pag ganun ka. lakas ng mens mo nun. hehehe uu makakatipid. sa mga damit lalo. pero sa mga shoes. hehehe ngarag na bago tantanan ni andrea. hindi kasi ako palabili ng mga sapatos.

mitchteryosa
04-03-2008, 12:34 AM
haayy naku hanggang ngun confuse pa rin ako kung magnonormal ako o mag CS. nasa akin ang desisyon. takot ako magnormal. hindi ako marunong umiri. baka mapaano si baby. at magkakumplikasyon. CS naman, alam ko na kasi ang hirap eh pero dahil alam ko na ang hirap, kinatatakutan ko na rin yun pagdating ng araw na yun. kakatakot.... waahh...Lahat naman ng first time na makakaranas ng normal delivery di marunong umiri. Believe me pag andun ka na gagawin mo ang lahat at ni di mo na mapapansin ang sakit basta lang mairaos mo na.

dkekai
04-03-2008, 06:24 AM
uu nga mitch eh. kaya nga sabi ko pag before may 12, naglabor ako. magpapanormal ako hehehe.

cutebaby
04-06-2008, 02:42 PM
Nasa first trimester din ako, ( 9 weeks preggy) naduduwal ako kahit tanghali gabi hating gabi. kasama yata talaga yan sa pagdadalang tao no? meron ba kayong narining na buntis na hindi nagduduwal? pinaglilihi-an ko ay " boy bawang" :-)

dkekai
04-16-2008, 11:42 AM
next week 9 months na ako. minanas ako ng kunti. siguro dahil nung palagi ako nakahiga nung nagkasakit ako. Thank God kasi di na ako nilalagnat. medyo nakakakain na rin ako ng kunti. pero hirap pa rin.

girly06
04-19-2008, 10:40 AM
I really don't have first-hand experience pero mahilig akong magtanong sa mga friends and officemates ko na preggy. I have one friend na unfortunately, nasa second trimester na (going on 5 months) pero nagsusuka pa rin sya. Before nga akala ko mornings lang kasi morning sickness nga ang tawag, hehehe...pero dami ko ng nakilala na morning, noon and night...wala talagang pinipiling oras... But I read in a pregnancy book/mag (forgot the name nga lang) na maganda daw ang morning sickness because it's a sign na ang hormone levels mo increased which is normal during pregnancy...Tip lang po, some preggy friends of mine got discouraged to eat/drink kasi nga vomit sila ng vomit. But that turned out bad of course kasi na dehydrate na sila. Na-confine pa tuloy. Drink lots of water and fruit juices para di ma dehydrate.

Although mixed emotions ako about getting preggy...am looking forward to my first! Good day Moms!

BrownAngel
04-19-2008, 01:45 PM
Yung mga Kanang single na katrabaho ko nagbuntisan after the cold weather or may be they "did it during the winter". Sabi ko bakit kayo nagbubuntisan, (eh wala nga kasing mga asawa, yung 2 break na sila) samantalang ako 2 taon na mahigit married hindi magkaanak?
Anyway, totoo bang kapag pinakain mo ng pinaglilihian mong whatever food yung mister mo ay siya rin maglilihi?

dkekai
04-20-2008, 06:13 AM
hindi po ata totoo yun ate brown angel hehehe. pero di ko po rin alam. ang sabi pa nga nila pag hinakbangan mo daw yung asawa mo sya yung maglilihi. pero parang mga kasabihan lang po ata ng matatanda yun hihihi.

BrownAngel
04-20-2008, 11:28 AM
Ganun ba Jen. Kaya ko tinatanong eh para kapag naglihi ako I will share with him para siya maglihi, he he he.

dkekai
04-20-2008, 01:14 PM
haha! kung pede nga lang po iparamdam sa kanila ang hirap ng pagbubuntis eh. sabi ko nga sa hubby ko sana lalaki nabubuntis. sabi nya mag work na lng daw sya. ayaw daw nya hehe. siguro may idea rin sila kung gaano rin kahirap hihihi.

mitchteryosa
04-21-2008, 04:47 PM
Yung mga Kanang single na katrabaho ko nagbuntisan after the cold weather or may be they "did it during the winter". Sabi ko bakit kayo nagbubuntisan, (eh wala nga kasing mga asawa, yung 2 break na sila) samantalang ako 2 taon na mahigit married hindi magkaanak?
Anyway, totoo bang kapag pinakain mo ng pinaglilihian mong whatever food yung mister mo ay siya rin maglilihi?Old tale wives lang yan though somehow minsan iisipin mong totoo just like my case, it was my husband who felt dizziness during the time na di ko pa alam na buntis ako pero 5 weeks na pala ako. :p

girlako
04-22-2008, 03:55 PM
uu nga mitch eh. kaya nga sabi ko pag before may 12, naglabor ako. magpapanormal ako hehehe.

pareho tayo second week of may din ang due date ko. san ka manganganak?:-]

girlako
04-22-2008, 03:57 PM
Nasa first trimester din ako, ( 9 weeks preggy) naduduwal ako kahit tanghali gabi hating gabi. kasama yata talaga yan sa pagdadalang tao no? meron ba kayong narining na buntis na hindi nagduduwal? pinaglilihi-an ko ay " boy bawang" :-)


yap, in my case di ako nagduduwal. kasi mana ako sa mom ko.pareho kami na mapait lang ang panlasa. san ka manganganak ang how much is your birthing cost?

dkekai
04-22-2008, 09:25 PM
cesarean ako eh. manganganak ako dito sa japan. sa base. normal ka ba? malapit na tayo. sakto 9 months na ako ngayon. weeeeeh! pahirapan na naman. hehehe

girlako
04-23-2008, 11:12 AM
cesarean ako eh. manganganak ako dito sa japan. sa base. normal ka ba? malapit na tayo. sakto 9 months na ako ngayon. weeeeeh! pahirapan na naman. hehehe

so far ala pa namang signs na nakikita ob ko para ma cs ako. depende raw yun kung mameet namin ni baby yung mga sinabi nyang conditions pag naglalabor na ako mismo. kabado nga ako e kasi first baby namin di ko pa alam kung pano umire! hehehe everyday nagpray ako for our safety tsaka para magka lakas ng loob. sayang nga e di raw pede magstay ng matagal si hubby sa labor room pero he may enter once in a while.

annetri
04-27-2008, 10:41 PM
hi..newbie here...first pregnancy ko din po ito and talagang natatakot ako. 8 months pregnant na ako ngayon. estimated due date ko May 27. habang papalapit na ang May, lalo akong natatakot. i'm only 21 pero dream ko talaga ng magkababy na agad. daming complications at first. ngayon hindi ko po alam kung anung gagawin ko next month! tatakot ako. di ko alam gagawin ko pag dumating na yung time na nagcocontract na si baby! sa mga experienced moms po, pwede po ba malaman ano yung mga naramdaman nyo nung araw na lalabas na mga babies nyo???? heeeeelp!!!!!!!!

dkekai
04-28-2008, 03:44 PM
nakaschedule ako ng CS ng may 12, pero friday ng gabi, sumasakit yung tyan ko at balakang. tapos every 10 mins yun. di namin sure ng hubby ko kung contraction yun hehehe. sabi ko mag poop ako baka kaya masakit tummy ko. nung nakapoop na ako. ganun p rin. kaya call na si hubby sa hospital para masure kung contraction na nga. (naiinis kasi yun pag pupunta kami hospital tapos false alarm hehe) pinamonitor ako sa hubby ko ng 1 hr. isulat kung ilang minutes nawawala contraction. eh naging 5 mins. kaya pinapunta na kami hospital. ang hirap maglabor pala talaga. mamimilipit ka sa sakit. pero kaya mo yan!! epidural ginawa sa akin ng hospital. yun yung pinakamasakit na parte yung tinusok likod ko huhuhu. pero after that wala ka na mararamdaman na contraction. matutulog at waiting ka na lang mag 10 cm. yung akin tagal bumaba. kaya binigyan ako ng pampahilab ata yun.tapos ayun na. nung nag 10 cm. pinagready na ako. iiri na daw ako . waahh nakababa na ulo kaso di ko mairi ng maayos kasi daw humihinto ako. at medyo mali rin iri ko. kaya ginawa nung ogbyne tinakot ako. nyahaha! sabi pag di ako umiri, vavacuum nila ulo ng baby at may risk daw yun. or CS na lng daw ako. eh ayaw ko na cs. hehehe. mga 2 iri. ayun lumabas na si baby ko! weeee! naiyak ako kasi nagawa ko hahaha!

annetri
05-01-2008, 04:56 PM
tnx po...sabi din ng friend ko sasakit daw talaga yung balakang. natatakot po ako magpoopoo lately kasi nacoconstipate din ako (which my doctor said is normal naman daw) baka kasi biglang lumabas agad si baby ng di oras! hehehe..so far sabi ng OB ko kakayanin ko daw ang normal. ayoko din ng cs. pag naramdaman na yung pain, para ba siyang menstrual cramps? how do you describe it? i'm sorry i'm totally clueless! both my mom and mom in law are away...huhuhuh

mitchteryosa
05-04-2008, 06:31 AM
Sa akin din nun balakang sa may bandang likod ang sumakit, akala mo ngawit lang.

keizca
05-20-2008, 07:17 PM
Guys, can you give me rough estimate kung magkano normal and cs delivery...what hospital? my doc in manila med said normal costs 80-90k for normal..then 98k for delivery(small private room)..eh my doctor in makati med naman said 50-80k for normal delivery(semi-private room)...bakit kaya mas mahal sa manila med? how about sa chinese gen? and to those who gave birth sa makati med and manila med..how much did you guys spend? any other hospital na marecommend niyo? around manila and makati? will appreciate your replies..:cool:

dkekai
05-21-2008, 05:21 AM
nung sa makati med ako... 105k lahat nagastos namin.waaa sakit sa bulsa. 3 days pa lng nun gusto ko ng umuwi. sa nerbyos na kulangin pambayad. CS yun. at semi private room. wala ako idea kung mgkano normal. baka kaya mas mahal ang normal delivery kasi gagamit sila epidural. ask mo sila about dun. ska minsan depende rin sa presyo ng doctor. hehehe

mitchteryosa
05-22-2008, 05:00 PM
Ang alam ko mas mura ang normal kahit saan....

dkekai
05-24-2008, 05:11 AM
depende ate mitch. depende sa hospital hehehe. alam mo naman dyan sa atin.... pero kasi ang normal nga ngayon dalawa klase na. yung walang anesthesia at saka yung painless. pero wala na ata mura ngayo waa...

MargauxB
06-01-2008, 08:11 PM
Hi all!

I just found out yesterday that i'm 2 1/2 months pregnant and ofcourse have so many Qs! Super na-information overload yata ako since yesterday sa dami ng nababasa ko:)... anyways just wanna ask for your tips on where to get comfy yet fashionable preggy clothes.. wanna prepare before i get bigger. Thanks so much!:)

princesswhite
06-25-2008, 11:40 PM
eow poh mga mommies...! im so happy that i found this site. madami poh ako natututunan. bago palang poh ako hir. im preggy for 5 weeks and first time ko pa lang din magkakababy. naguguluhan me sa kung nu gagawin since di pa sya lam ng parents ko. im scared na baka magalit sila then palayasin ako sa haus..huhuhu:disappointed:

dkekai
06-26-2008, 07:42 AM
sabihin mo na... sa una lang naman magagalit yun. normal lang yun. pero pag nakita na nila apo nila o pag magkakaapo na sila matatangap din nila. saka para mabawasan na yang pagaalala mo at pagiisip. di maganda sa baby yan. kailangan enjoy mo pagbubuntis mo,

mitchteryosa
06-26-2008, 08:00 AM
I agree with Dkekai. And whatever consequence you may encounter, accept it. Sa una lang ang galit, in the long run for sure matatanggap nila ang situation mo as well as the baby and the father.

princesswhite
06-26-2008, 08:00 AM
ang fear ko lang e baka ipakasal nila kami. pinapagaral pa kasi ng parents nya yung father ng baby ko kaya baka ako masisi. pero wala naman sa isip ko magpalaglag.:-X

mitchteryosa
06-26-2008, 08:03 AM
You can both continue studying naman even when you are married. But I would advise that you think about it first, maganda sana na magpakasal kayo pero tama rin kasi ang kasabihan, di yan parang kanin na pag napaso iluluwa mo.

princesswhite
06-26-2008, 08:03 AM
tapos yung bf ko, pag tinatanong ko plano niya ang sinasabi niya lang sakin.. "pano na sila mama? pano studies ko?".. kaya di ko talaga lam gagawin..

mitchteryosa
06-26-2008, 08:07 AM
Then you should really think about it, kahit naman ipilit ng parents niyo, it's all up to you. It's your baby's life and future that is involved here now...

princesswhite
06-26-2008, 08:21 AM
ang sabi ng bf ko sakin, magtanan nalang daw kami. then ipapalabas niya nalang na magboboarding house nalang siya, without telling na kasama niya na ako. then pag lumabas na baby ko, saka nalang daw ako bumalik samin. okay lang kaya yung ganun?:wah:

mitchteryosa
06-26-2008, 08:31 AM
"Why can't he tell his parents?" Think about this question and you'll find numbers of answers, siguro naman pag nasagot mo ang tanong na yan, makakapagdecide ka on what to do about it.

princesswhite
06-26-2008, 08:37 AM
siguro nangingibabaw yung fear niya na baka magalit sa kanya yung parents niya for disappointing them. but i think i really have to talk to him about this para malaman ko kung nu ba talaga priority niya.

anywayz, i have a question poh. is it possible na makapagpaultrasound na ako even though 5weeks preggy palang ako. I have to pass this kasi para ilipat na me sa morning shift ng company koh. piling ko di ko na kakayanin gy.:disappointed:

mitchteryosa
06-26-2008, 08:42 AM
Don't get offended ha.... pero sana nung bago nya/niyo hinayaang mangyari yan, naisip na nya ang mga possible consequences re: disappointing parents etc...

Yes you can. Usually vaginal scan ang process kasi sac pa lang yan. I was on my 5th week when I also found out I was expecting at yun ang ginawa sa akin.

Ollaria
06-26-2008, 08:49 AM
May baby na, kailangan maging responsible, kailangan sabihin na sa mga magulang. Mga magulang hindi natitiis ang mga anak, magiging apo pa kaya?

Sa akin 5th week din naconfirm through ultrasound, so pwede na ang ultrasound. Please take care. You are carrying a new life, a blessing from God.

princesswhite
06-26-2008, 09:04 AM
it's ok mitch. sinasabi ko rin sa kanya yan eh. pero niyayakap niya lang ako tapos di niya sinasagot yung tanong ko.

pero dont worry mitch, ollaria..., i'll do my best to take care of myself para maging healthy baby koh..

tnk poh sa info bout sa ultrasound.. baka sa monday me punta ob.. magpapatimbang na din ako.. the last time, im 43 kg..

kvaer9
07-21-2008, 08:21 AM
my wife is pregnant, do you have any advice for me as a husband?

thanks

mitchteryosa
07-21-2008, 08:24 AM
Support, love and UNDERSTANDING, yan ang the best na magagawa mo ngayon Kuya! :)

By the way, congrats!

kvaer9
07-21-2008, 08:12 PM
Support, love and UNDERSTANDING

By the way, congrats!

thank you :)

kindat23
07-28-2008, 07:58 PM
Hello mga Mommies . my first time here, pero kahapon nagbasa ako from first page up to 28 ayun don ko nabasa mga conversations nina mitchteryosa, klaire, mom22, atbp.. haha, tuwang tuwa ako sa mga nababasa ko, especially yung Kicking time ng mga babies ahaha!...

Nga po pala, 7 weeks ko na bukas :D haha!!.. eto lang naranasan ko sa ngayon.. maya maya gutomersssssss ako as in lagi na lang akong nagugutom kaya minsan hindi ko na nga alam gagawin ko pag gutom na ako kase parang gusto kong magwala kaya lagi na lang akong kumakain, naranasan ko rin pala yung sumasakit yung puson ko, pero nawala rin,, pero paminsan minsan umaatake pa rin... kumbaga sakit sa katawan lolz.. hindi ko pa naranasan yung magsuka, pero sinisikmura ako. minsan din pala naranasan kong mahilo hindi ko alam na para na pala akong hihimatayin hanggang sa naramdaman ko na lang na napaupo ako tsaka nauntog non nagkabukol pa ako non haha hindi rin ako nagkecrave na pagkain sa ngayon pero nong mga unang linggo ng july ayon nagcrave ako ng santol hanggang sa nawala.

pero ang dami ko ng nakuhang tips dito sa kuro at mukhang masaya pipol :up:


basa ulit ako ... :luvstrk:

Ollaria
07-30-2008, 11:42 PM
@kvaer9-Congratulations! Just be gentle. Noong ako ang buntis, agree lang ng agree si Jim sa akin. Ako yung pinakagusto kong ginagawa ni Jim noon ay yung sinasabayan ako sa paglalakad at noong lumaki ng husto ang tiyan ko at tinutulungan akong maglotion (excuse me, kung masyado akong nagreveal ng info),ang hirap naman kasing abutin ibang parts ng katawan kapag malaki ng tiyan at wala akong stretch marks ngayon. Enjoy ninyo ang pagbubuntis ninyo.

Ollaria
07-30-2008, 11:48 PM
@kindat23-kain kalang ng kain, Ok lang yan basta huwag kalimutan kung anong best for you and the growing fetus at huwag kalimutan maglakad. Ingat ka, banggitin mo sa doctor at nurse na nahihilo ka. Check your sugar level. Enjoy mo ang pagbubuntis mo.

balatkayo5
07-31-2008, 01:54 AM
my wife is pregnant, do you have any advice for me as a husband?...thanks...feel happy for you, kvaer9! CONGRATULATIONS and welcome to the FATHER's Club!...ang maipapayo ko sa'yo, ibigay ang hilig, huwag na huwag kang kokontra, she's always right!...huwag mong gagalitin (papangit ang anak mo, bwahahaha!), huwag mong papagurin, samahan mo sa paglalakad, ihanda mo na ang sarili mo sa pag-aalaga, at kumayod pa ng husto...have a happy husbandhood and God bless your child and you both....:banana:

balatkayo5
07-31-2008, 02:20 AM
ang sabi ng bf ko sakin, magtanan nalang daw kami. then ipapalabas niya nalang na magboboarding house nalang siya, without telling na kasama niya na ako. then pag lumabas na baby ko, saka nalang daw ako bumalik samin. okay lang kaya yung ganun?:wah:For me, better na ipaalam niyo na sa buong mundo (both partidos)...ngayon tanggapin man nila o hindi, tulungan man nila kayo o hindi then , that's the time na magdesisyon kayo kung ano ang plano niyo...Now or later, ganun din naman ang resulta ng sasabihin nila...hindi niyo dapat pahirapan ang sarili niyo at hindi dapat magtago...the truth will always come out...tell your bf to have the 'guts' to fight for you and show he's 'responsible' enough to take care of you and your baby to be...'wag nang dagdagan ang problema ng isa pang problema...Huwag pairalin ang 'pride', humingi ng tulong kung talagang kinakailangan...Tandaan mo hindi na biro 'yan, 9 NA BUWAN MONG DADALHIN 'YAN, IKAW ANG MAY KATAWAN, IKAW ANG MAHIHIRAPAN...hindi ang boyfriend mo...at pagkapanganak mo another stage na naman ng buhay mo 'yan...mag-iiba na ang takbo ng buhay mo.....B-)

mitchteryosa
08-02-2008, 03:28 AM
Tama si Kuya Junef (Balatkayo).

mitchteryosa
08-02-2008, 03:29 AM
Pasyal ka ulit Kindat. :) And welcome to Kuro!

kindat23
08-02-2008, 12:03 PM
@kindat23-kain kalang ng kain, Ok lang yan basta huwag kalimutan kung anong best for you and the growing fetus at huwag kalimutan maglakad. Ingat ka, banggitin mo sa doctor at nurse na nahihilo ka. Check your sugar level. Enjoy mo ang pagbubuntis mo.
Hello po sis, :D nawala naman po yung paghilo ko, minsan lang nangyari saken yun, lagi po akong naglalakad, lakad papunta sa work kasabay si hubby :up: . Negative naman po ako sa Sugar. Yun nga lang lagi kong problema laging gutom, haha

mag 8 weeks na po pala ako sa August 6 hihhihi salamat po sa Reply

kindat23
08-02-2008, 12:04 PM
Pasyal ka ulit Kindat. :) And welcome to Kuro!
Thank you po sis mitch, kitams ko pala ang anak mo ganda at malaki na sya :up:

kvaer9
08-21-2008, 10:01 AM
thank you junef & ollaria :)
madali nga mangalay si misis pagka nakaupo eh
sana naman maging maayos ang lahat

last week pala inultra-sound sya..nakakatuwa kasi gumagalaw na si baby :)

lanzki
08-21-2008, 04:58 PM
congrats kv..... tandaan mo, naglilihi din daw ang lalaki.... :wah:

poemabella
12-10-2008, 03:28 PM
Hello mga beautiful mommies!
Gusto ko lang ipabalita sa inyo na ang Baby Magazine naten ay may website na! Siyempre mega promote ako noh? Kase lubusan akong natutuwa dahil 4 na taon na akong reader ng magazine na ito simula ng magkababy ako :-) it deserve all our support! Register kayo, tapos may mga pregnancy tips dun from their resident doctors&psychologists! :-)


Good News Parents!
Baby Magazine is now Online! Register Now!
Be Part of the First Filipino Online Baby Directory! Spread the Word! Babycentral is the FIRST FILIPINO BABY MANUAL and the official site of BABY MAGAZINE! Make your baby famous for free by posting your baby's cutest picture in our BABY SNAPSHOTS and be picked to be part of Baby Magazine's Baby Gallery!

http://babycentral.com.ph/images/small_sig.jpg (http://www.babycentral.com.ph)

mitchteryosa
12-10-2008, 04:16 PM
Thanks for sharing sis! Nagregister na ako. :)

mitchteryosa
03-15-2009, 07:23 AM
Nanganak na kaya si Marie?

****

Kelan kaya ako makakapagpost ulit dito? Hehe!

mitchteryosa
06-09-2009, 08:05 PM
I think it's time to make this thread alive again!

****
I'm giving birth on Feb 13, 2010.. Yup, I'm expecting.... baby #2!

MannyGB
06-09-2009, 08:38 PM
wow..good news yan para sa inyo.. :)

hula ko baby boy naman ngayon yan. :classic:

balatkayo5
06-10-2009, 12:33 AM
I'm giving birth on Feb 13, 2010.. Yup, I'm expecting.... baby #2! ...ahoowa!...CONGRATULATIONS, 'nini' mitch and papa 'D'!...ate na si deye, ate na si deye, yeheeey! and sana it's a BOY!

balatkayo5
06-11-2009, 06:41 AM
Paalala sa 'buntis'...eat healthy foods, lumayo sa mga taong naninigarilyo, at huwag masyayadong magpapagod (have a good rest all the time)...B-)

mitchteryosa
06-11-2009, 07:06 PM
Sana nga baby boy naman para kumpleto na. Kaso sabi ni Deye maya two babies daw sa tummy ni mama haha! Wag ganun nasa lahi pa naman namin ang twins.

****
Hirap akong magbuntis ngayon, lagi ako nahihilo saka lagi nang-aaway haha!

BrownAngel
06-12-2009, 01:37 PM
I think it's time to make this thread alive again!

****
I'm giving birth on Feb 13, 2010.. Yup, I'm expecting.... baby #2!
Bakit di pa Feb. 14 para Baby Love = Valentino, hehhe.

Ang hindi ko magawa ay ang baby, up to now wala eh, 3 years na kaming kasal, kaya ano ba mai-tip niyo saakin? Ako walang ma-i-tip sainyo eh.

balatkayo5
06-14-2009, 10:13 AM
Ang hindi ko magawa ay ang baby, up to now wala eh, 3 years na kaming kasal, kaya ano ba mai-tip niyo saakin? Ako walang ma-i-tip sainyo eh....seek medical advise...we had children after 2 years of marriage and after seeking medical advise.....B-)

BrownAngel
06-14-2009, 10:39 AM
Thanks, kuya czar, este..,BK5. We will, siguro it's time na nga.

balatkayo5
06-15-2009, 09:50 AM
...i was the one who has the problem why my wife won't get pregnant then....i remember jumping for joy when i learned that my 'sperm" count was millions!...but when the final result came , the count was good but, wasn't enough to produce a baby because the sperm has no TAILS...:huh:

BrownAngel
06-15-2009, 12:31 PM
In our case malamang ako ang may problema kasi mister ko meron 2 anak sa unang wife niya eh. Sa 10 siblings namin ako lang walang tunay na anak.

mitchteryosa
06-15-2009, 07:01 PM
I agree with Kuya Junef, have yourselves checked para din malaman niyo kelan ang right timing.

My aunt conceived after 7 years mula ikasal sila, nung nabuntis naman 10 mos lang ang pagitan nasundan agad hehe!

balatkayo5
06-16-2009, 06:10 AM
In our case malamang ako ang may problema kasi mister ko meron 2 anak sa unang wife niya eh. Sa 10 siblings namin ako lang walang tunay na anak....if the doctors' say so, so be it!...i believe that some people were meant to be childless for a 'purpose'...purpose ( more time) to serve God and their family

balatkayo5
06-16-2009, 07:01 AM
My aunt conceived after 7 years mula ikasal sila, nung nabuntis naman 10 mos lang ang pagitan nasundan agad hehe!...this is very true!...after my medication naging sunud-sunod ang anak namin...at kung hindi lang mahirap magbuntis ( sabi ni CIC) malamang naka apat, lima, anim, pitong anak pa kami!...bwahahaha!

mitchteryosa
06-17-2009, 07:31 PM
Saka siguro pag time na talaga ibigay, ibibigay Nya. Kasi kami nga dati actively and seriously trying pero wala, ngayon kung kelan 2 weeks lang sya nagbakasyon akalain mong mabuntis ako LOL! Wahahaha!

balatkayo5
06-17-2009, 11:00 PM
Saka siguro pag time na talaga ibigay, ibibigay Nya. Kasi kami nga dati actively and seriously trying pero wala, ngayon kung kelan 2 weeks lang sya nagbakasyon akalain mong mabuntis ako LOL! Wahahaha! ...isa pa sa mga 'factors' ng hindi pagbubuntis ay kapag both working ang mag-asawa. STRESS ang kalaban...in my case, bisyo ang salarin i.e. drugs, alcohol, smoking, etc...:paranoid:

mitchteryosa
08-08-2009, 05:25 PM
Iba iba pala talaga ang pagbubuntis. Kung noon with Derelle, it went smoothly, ngayon grabe. I even have rashes (http://www.sahm-one.com/2009/08/04/a-visit-to-a-dermatologist/) all over my body, at pati ata CTS (http://www.babycenter.com/0_carpal-tunnel-syndrome-during-pregnancy_234.bc#) meron ako.

balatkayo5
08-13-2009, 12:30 AM
...naalala ko'ng misis ko nuon, nagka-rashes din during her pregnancy...'talcum powder' lang ang katapat, solve ang problema! however, it may defer to some women so, better seek medical advise...when it comes to your 'CTS', I had one before (kaka-computer) sa aking right hand (mouse hand) and I have to use a 'wrist splint' at bedtime to keep my wrist straight overnight...gumaling! B-)

mitchteryosa
08-13-2009, 09:08 AM
PUPPP daw ang tawag nitong sa akin. Hirap nga, annoying talaga. Mawawala lang daw pag nakapanganak na. Tagal pa akong magtitiis.

May nabasa nga akong CTS during pregnancy (http://www.babycenter.com/0_carpal-tunnel-syndrome-during-pregnancy_234.bc#). Lagi nga namamanhid kamay ko, kahit yung sa kaliwa. Hay!

mitchteryosa
10-07-2009, 08:40 AM
Went for my check up yesterday, had the routine ultrasound and we're having a baby........ click here (http://www.sahm-one.com/2009/10/07/21w-6d/) and find out teehee!

I gained 8lbs, no signs of abnormalities. Kinarir ko kasi pagkain ng taho hehe! Thank God! I'm relieved!

Michelle Aleli
10-19-2009, 04:04 PM
Wow, dami kong na miss dito! Congrats Mommy Mitch for the new baby... Ako rin preggy na ulit with our second child... kabwanan ko na nga, hihhi! :)