View Full Version : Mommy, Mommy, I Am Sick!


Pages : [1] 2

mitchteryosa
09-17-2006, 07:26 PM
Anu-ano ba yung mga common na sakit na madalas makuha ng babies? How do you deal with it? Anu anong mga paraan to prevent from getting it / magamot na di na kelangan magpunta sa doktor?

dkekai
09-18-2006, 10:36 AM
si andrea ko palagi may sipon..... binibigyan ko sya dimetap... pinipilit ko rin painumin lagi ng tubig kasi yun naman talaga ang naggagamot sa sipon. kaso hindi sya mahilig sa tubig. pero pag may tunog at hirap na sya humingi,, nebulizer ko na. confuse lang ako... at takot ngun kasi may nagsabi sa akin... na wag daw masyado pinapainum ng mga gamut ang bata lalo sa sipon.. nakakabrain damage daw... meron naman daw na tinatawag na dfense mechanism ang katawan natin.... totoo kaya yun nakaka brain damage?? :-/

christine
09-18-2006, 11:12 AM
ang alam ko lang nanaka-dry ng utak yong gamot sa tyan ng baby. pati pala sa sipon ganun din? di ko alam yon ah!

mitchteryosa
09-18-2006, 02:12 PM
Si Derelle kapag yung konti-konti lang na sipon di ko pinapainom ng gamot, kasi minsan dala lang yan ng AC. Kahit tayo minsan sa umaga paggising parang may sipon di ba? Nitong huli lang kasi talagang nagblocked yung ilong niya, tumawag lang ako sa paedia niya at sabi painumin ng Mucosolvan. In two days naman ok na siya.

christine
09-18-2006, 04:41 PM
sa mga babies ko naman after 2 days wa-epek gamot, hilot na yan! pag la pa rin pedia na, kasi pareho silang mi asthma................ konting change lang ng panahon.... yon ubo, at sipon na agad!

mitchteryosa
09-18-2006, 05:07 PM
Eh yung paglulungad ba, okay lang yan?

dkekai
09-18-2006, 08:07 PM
ate chistine ano po ang sign kapag may asthma ang baby? ang hirap kasi may aso dito sa amin. :-( ska nung bata ako may asthma din ako. anwyays about po sa gamot... di pa rin tayo sure dun... doctor lang talaga nakakaalam nun. ska bakit sila magrereseta ng makakasama sa baby. ^^

mitchteryosa
09-18-2006, 08:09 PM
Dimetapp, alam ko may vitamins din nyan, kasi yan pinapainom nun sa brother ko eh. So far di naman dry utak niya bwehehehe! Juk!

Pinay
09-18-2006, 11:12 PM
Mitch, i think Muco is an antibiotic. U just need to give it for a real grave na plema. I think Dime is not as heavy as Mucosolvan. Try mo.

For my bb girl, 1 time pa lang yan na ospital and it was for fever of 3 days secondary to UTI. first time sya na IV and she really screamed alot. i jst bring her to the doctor when 3 days na lagnat nya ang high fever talaga lalo na pag ayaw kumain.

Tempra or Biogesic drops for kids her her bestfriend. Takot kasi sya sa doctor sa di na ma check kung ano talaga ang infection bakit sya naka fever.

christine
09-19-2006, 11:52 AM
ate chistine ano po ang sign kapag may asthma ang baby? ang hirap kasi may aso dito sa amin. :-( ska nung bata ako may asthma din ako. anwyays about po sa gamot... di pa rin tayo sure dun... doctor lang talaga nakakaalam nun. ska bakit sila magrereseta ng makakasama sa baby. ^^astma: there different manifestation kasi ung asthma, sa mga babies ko, yong eldest mahirap i-comprehend na may atak unless dinala sa doktor kasi, di naman sya nahihirapang huminga, naglalaro naman, merong ubo at sipon... yong baby ko naman, hinihingal yon sure ako meron sya nyan, most of the time, nebulize ng two days then anti-biotic tapos asthma syrup na until mawala yong ubo

about sa gamot na naka-dry ng utak? lahat naman guro basta excessive ang pagpa-inom may side effect, in the long run...... kaya tayo careful sa mga gamot-gamot na yan, if possible find time to read the "enclosed" notes sa mga lalagyan yong mga malilit na papel sa cartoon ng gamot....
lahat naman tayo still learning to become a best mom, it may not be perfect but the best for our kids!

mitchteryosa
09-19-2006, 02:35 PM
@ Arlene : I had no idea kasi. Basta prescribed ng Paedia, akala ko okay lang. Hehehe!

@ Christine : Wawa naman pala chikitings mo. Sana di nila madala hanggang paglaki nila.

reigna16
09-21-2006, 07:48 AM
hi! may sipon si luis for 1 week now.,pero hindi yellowish yung sipon,parang allergy lang siguro e2, Disudrin ang gamot nya.,pero dalhin ko na din sya sa pedia para mapalitan,prang di effective :( regarding meds na prescribe ng pedia natin.,basta hindi lang lalagpas sa given time na binigay nila ok lang., pag lumagpas na dalhin na natin ulet bka kase di hiyang sknila.
Yung asthma pag laki nila mom christine mawawala din yan., 2 kapatid ko may asthma.

christine
09-21-2006, 10:57 AM
Yung asthma pag laki nila mom christine mawawala din yan., 2 kapatid ko may asthma.

Salamat naman! ask ko lang, did you had flu vaccine with luis? may sked kasi si baby ko ng flu vaccine next month and yearly there after, hanggang what age ba ang flu vaccine? sa mga kapatid mo ba ganun din?

dkekai
09-21-2006, 02:47 PM
kanu po magpaflu vaccine?

mitchteryosa
09-21-2006, 02:48 PM
@ Balaeng Reigna : Wawa naman manugang ko ah! Hope he gets bettter soon.

christine
09-21-2006, 03:12 PM
kanu po magpaflu vaccine? dito sa amin ranges from 1,000 to 1,200.00 per shot... sabi ng pedia para daw sa baby para depensa sa flu, like yong baby ko na merong asthma, para maiwasan ang asthma, iwas muna daw sa flu, yon ang explaination niya kaya meron syang sked next month....

mitchteryosa
09-21-2006, 03:16 PM
Anong age dapat yang flu vaccine? Meron din ba?

christine
09-21-2006, 04:01 PM
meron talaga sked yan sa pedia para sa mga baby... pero sa health center wala yan, since advice ng pedia na bigyan siya ng shot para nga sa asthma nya, pinag-iipunan ko pa..... bayaan mo itanong ko kung anong age talaga binibigay ang flu vaccine.

dkekai
09-21-2006, 04:10 PM
aahh!! matanong nga yan kay OKIDOK ni andrea. paa pala sa asthma yun! OK yun!

reigna16
09-22-2006, 10:40 PM
hello moms! regarding flu vaccine/shot si luis ko was given when he was 11mos and 12mos old., yes 2 po magkasunod na flu vaccine ang ibinibigay., tapos yearly na., flu vaccine here cost P1,500 sa private hospital pedia nya. sa center i dont know, prang di sila nagbibigay nang libre flu shot.

reigna16
09-22-2006, 10:49 PM
mom christine: yung 2 kapatid ko nwla ang asthma when they migrated sa USA maybe bec. malamig doon,wla alikabok/usok/polusyon etc. ang astma kase is more on allergy cause by usok/buhok ng aso-pusa etc. yung flu shot talaga binibigay sa mga anak natin yan., kahit tayo "adult" dpat mgpa inject para di tayo mgka trangkaso etc.

reigna16
09-22-2006, 10:56 PM
mga moms info lang regarding flu, kung bakit kailang mag flu shot/vaccine mga babies natin..at tayo mga moms, para maiwasan ang mga ganito ....

Symptoms of Flu

Symptoms of flu include:

fever (usually high)
headache
extreme tiredness
dry cough
sore throat
runny or stuffy nose
muscle aches
Stomach symptoms, such as nausea, vomiting, and diarrhea, also can occur but are more common in children than adults
Complications of Flu

Complications of flu can include bacterial pneumonia, ear infections, sinus infections, dehydration, and worsening of chronic medical conditions, such as congestive heart failure, asthma, or diabetes.
How Flu Spreads

Flu viruses spread mainly from person to person through coughing or sneezing of people with influenza. Sometimes people may become infected by touching something with flu viruses on it and then touching their mouth or nose. Most healthy adults may be able to infect others beginning 1 day before symptoms develop and up to 5 days after becoming sick. That means that you may be able to pass on the flu to someone else before you know you are sick, as well as while you are sick.

mitchteryosa
09-26-2006, 03:10 PM
grabe nagkasakit si baby luis ko. ubo at sipon. kahit daw may sakit cya eh malakas cyang dumede ng milk. kasi imbes na bumaba ang timbang nya eh nag gain pa din sya ng weight. 7.2 kilos na cya. ha ha ha!!!Buti naman okay na si Baby Luis mo.

Si Derelle sa awa ng Diyos di pa naman nagkakaubo. Saka malakas pa din syang dede kahit maysakit, lately lang humina kasi dami ng kinakain na kung anu ano, pero so far ok na ulit.

christine
09-26-2006, 03:18 PM
@mom reigna: THANKS A LOT sa info bout flu vaccine, it broaden my understanding. you are right la kasi iyan sa center, so di kasali sa mga shots na naka-sked kay baby.... so sabi ng pedia, avail ko daw yong sa center, sayang naman daw ang libre, tapos ang wala duon, sa kanya na continue, yon nga advise nya flu vaccine, since kita nya med his ng baby evry other month nasa doktor kami for ubo and sipon..... so, prepare daw ako ng Php 1,000.00 for 1 shot, mas mura pala dito ano?

reigna16
10-19-2006, 02:44 PM
yup mas mura dyan., nagpa flushot na babies mo mom christine?

christine
10-19-2006, 02:49 PM
@mom reigna: sa Oct 24 pa sked nya........ si Luis ba tapos na nito?

reigna16
10-19-2006, 03:06 PM
tapos na sya last june and july, 2 shots yun magkasunod na month dpat

christine
10-19-2006, 03:51 PM
ah ganun ba yon! salamat sa info ha!

mitchteryosa
11-16-2006, 08:21 PM
Wala namang sakit si Derelle pero since yday ayaw kumain ng solid food, pero lakas dumede saka masigla, wala ding lagnat.

reigna16
11-21-2006, 11:04 AM
balae mitch... dumadaan sa ganyan mga anak natin., si luis nga ayaw na mag milk!! pero malakas sa solids.. then after 2 weeks..he's craving for milk! sabi ng pedia minsan nagsasawa sa milk/solids kya gawa ka ng bagong recipe :)

pearl
11-22-2006, 03:29 PM
hello there mommies, im a new single mom in this world..i dont know much how to care babies, to bad i dont have my mom anymore to give advise to take good care of my baby. Its really hard for my part..i was very happy that i found this site for baby care..i do have a lot of questions to ask from you mommies..i do hope you can give more advices to have a healthy baby...
1. Is it really important to let baby drink water below 1 month old?i havent let her drink water yet continuesly because he does not like to drink water that much.I did let her drink water just for only 2 times..
2. What would be the effective medicine or herbal for stomach gas..my kabag sya for 2 days na she burp pero di totally nawawala,,,my kabag pa rin siya..i heard that gripe water is effective but i havent used it yet,,is it availabale to all pharmacies?
3. Why is that my baby got an schedule of feeling not good..start from 1 am to 5 am in the morning she always cry, but after 5 am she calm down and have her sleep tight..by morning she sleeps well..
4. What are the food that should be avoided if i breast feed the baby?

hehe hope you guys hear me up..hehe..thanks in advance..hopefully there were pedia online here..lol....
salamat po sa pag read ng mga concerns ko about my questions

christine
11-22-2006, 04:34 PM
@ momy pearl: first sorry i'm not a pedia, but i have two growing -up boys! i love to share experiences, though i'm jus also learning and coping.... hope i can share some that may help you

1. Water is very essential, as far as my experience goes, dina-dropper ko sa first few days ng baby.
2. Sa akin herbal oil pero yong mild delicate kasi ang skin ni baby baka matuklap sa matapang na herbal oil, meron na-mntion ang pedia na johnson's baby oil na panghalili sa herbal oil, esp. if masyadong baby pa sya. Pagkatapos kung lagyan ng oil ang tyan ni baby pinpadapa ko sa unan at hihago-hagod ang likod, pag-umutot na yan okay na yan, ask ka sa pedia about relestal kung pwede sa baby mo, iyan kasi an medicine na resita nya in cases di makuha sa herbal oil ang sakit ng tyan ni baby. ASK THE PEDIA FIRST.
3. Siguro kasi masakit ang tyan nya! paggabi if possible naka-binder si baby at naka-cap para iwas kabag. try mo daw if ganun pa rin.
4.maalat at makati. ex. eggplant, bagoong and the likes....

BETTER CONSULT THE PEDIA PARA MAS MADAMING POINTERS MAIBIGAY SA'YO

GOD BLESS KAY BABY! POST KA PA HA!

mitchteryosa
11-22-2006, 04:46 PM
Welcome to Kuro Mom Zone!

1. Essential ang water sa newborn babies, para di magconstipate. Mula pagkapanganak ko sa baby ko binibigyan ko sya basta warm lang.

2. Pag alam kong may kabag siya, I give her gripe water, mint yan. After nun nagbe-burp sya so that means it works. Dito available yan sa lahat ng pharmacies. Kahit ako umiinom nun :p. Mas mabuti nga yung nagbeburp sya at least nakakalabas ang hangin sa tiyan nya.

Kung oil naman to avoid cradle cap, johnson's baby oil, at para di malamigan bumbunan, I always apply manzanilla na galing sa Pnas, pati talampakan nya nilalagyan ko din.

3. Kadalasan daw ang babies esp newborn, yung odd time dun sila gising at nag-aaburido over nothing. Or baka may masakit sa kanya, or wet sya, or simply nag-aaburido lang hehehe! baby ko nun gising from 11pm till 7am. Pero di naman iyak, gising lang sya.

4. Wala akong maiaadvice dyan kasi di ako nagbreastfeed hehehe! Pero alam ko bawal ang gamot even birth control pills.

But if you think, something is wrong, the best way is to ask your Paedia. Para safe and sure.

reigna16
11-22-2006, 06:58 PM
hi mommy pearl! share ko din syo experiences ko with my baby boy., pareho tayo wla ang mom to guide us, so thru friends and kuro nak2kuha ako ng ideas.
Water is good for our babies.. yung water ng baby ko meron pang halong karo syrup..konte flavor sabi ng pedia ko. With regards to "kabag" i use "MANZANILA" it can be bought at mercury drug store.. after taking a bath or at night nilalagyan ko sya sa stomach at bumbunan.,whats impt para di kabagin after feeding your baby dpat mpa burp mo sya.. kaya siguro sa gabi iyak ng iyak baby mo its bec. kinakabagan, ganyan din baby ko first 3dys nya di ko pa alam na kinakabagan, when i touched his stomach ang tigas! basta after feeding dpat talaga mpa burp mo. then consult to your pediatrician pag di mawala ang kabag., goodluck!

mom22
11-23-2006, 02:39 PM
1. water is OK..but since ako, purely breasfed si baby, my pedia advised na di ko daw paiinomin ng water si baby UNLESS kailangan talga like when dehydrated or sobrang mainit ang climate.

2. like mommy reigna, i also us manzanila ~ it's effective but thankfully di naman kabagin bby ko.

3. nung newborn pa si joshua, ganun din, may oras na cranky cya, esp. sa gabi. ganun lang tlga un, pag dating ng 3rd month nya, wala na yan, diretso na ang tulog sa gabi.

4. ako naman, i eat almost anything~ but un nga lessen sa coke and coffee, no alcohol...tapos if u have a history nang allergies..wag nang kumain ng crabs and shrimps. tip lang, drink a lot of liquids, higop ng sabaw ng malunggay, eat daw chocolates para sweet and yummy ang milk mo!

mitchteryosa
12-09-2006, 03:55 PM
May 3 ngipin sa taas na palabas si Derelle, yun isa nakausli na. May loose motion sya 3 days ago pero ngayon okay na. Kaso nilalagnat saka sinisipon, dala na din siguro ng weather dito. First time ito nangyari sa kanya. I give her Mucosolvan for her colds. Tapos Paracetamol drops for her fever. Di naman consistent yung fever niya. Pero yung sipon nya nadidinig ko pag tulog sya parang may bara sa lalamunan nya. Buti na lang nakakasuka sya tapos lumalabas yung plema.

Buti na lang hyper pa din sya kahit she's not well.

:(

reigna16
12-09-2006, 09:22 PM
ganyan talaga pag teething... malalagpasan din yan ng mga anak natin., nakaka worry lng esp. pag ayaw kumain ng solids/may sipon at low grade fever etc. whats impt is were alwys there beside them :)

mitchteryosa
12-10-2006, 02:55 PM
On and off ang fever nya, kagabi umabot ng 38.6 tas maya-maya wala na naman. Dahil pa din kaya yan sa ngipin or dala na din ng weather. Balot na balot na nga sya eh. I had to ask Nurse Merz pa kung babalutin ba hehehe! Thanks mare! :)

Nakakatuliro pala. Ngayon lang sya kasi nagkaganyan ng kasabay ang sipon at lagnat. Kung ako nga pag may sipon naaaburido eh.

Nagwala nga sya kaninang 2am, kasi di makahinga, tas nagagalit sa akin nung pinatakan ko ng saline, kasi blocked yung ilong nya, buti naman na-relieved after a while at nakatulog din nung mga around 4am na.

Buti malakas dumede, pero ayaw ng solid.

dkekai
12-10-2006, 11:06 PM
nangyari na rin sa akin yan... sipon at ubo... pro buti na lang walang lagnat. korek kakatuliro talaga.... ako gawa ko pag hirap sya huminga. nebulize ko sya. (buti na lng meron nebulizer kapitbahay ko):up:. pag nebulize ko si andea nakakahinga na sya ng maayos. nbulize ko lng sya pag hirap makahinga. painumin mo na lng maraming tubig paa gumaling sipon nya.

reigna16
12-11-2006, 11:40 AM
mom mitch/mom dkekai- dahil yan sa weather din siguro malamig dyan at mabagyo dto pinas., painumin ng medicine for colds kase may decongestant yon para di mag clog ang nose ... pag may fever hwag balutin dpat punasan (towel/water) para bumaba ang lagnat at ilabas ang init ng katawan.,then lots of water/juice. Pagaling ka darelle!

mitchteryosa
12-11-2006, 02:21 PM
Mula kagabi medyo okay na si Deye. Wala na ding fever. Sana diretso na.

Pinay
12-11-2006, 04:50 PM
Glad to hear that sis. Just let her have drink alot of fluids and di mo lang pansin mawala agad ung ubo. for the sipon, there might be a possibility na on and off dahil sa weather. Masakit kasi ang gilagid kaya ayaw nya medyo ngayon ng solid foods. Milk is just fine though frequent lang or when she gets hungry.

pearl
12-18-2006, 07:16 AM
I would like to thank every mom na nagshare ng mga experiences nila...it helps me a lot. Thank you guys. I really appreciate it...Especially to mommy christine, mommy mitch,mommy reigna,at mom22...salamat.Di na ako masyado nag alala.

mitchteryosa
12-18-2006, 10:09 PM
Sinisipon pa din si Deye. Tapos nagkasabay-sabay ang mga ngipin nya, 4 sa taas at dalawa pa sa baba. :(

reigna16
12-20-2006, 10:00 PM
hi momi mitch., hows daye? hayaan mo lilipas din yan., pag lumabas na lahat ng teeth nya., hirap lang kase minsan ayaw kumain ng solids.,wlang gana ...

reigna16
12-20-2006, 10:05 PM
hi momi pearl , youre always welcome!

dkekai
12-27-2006, 10:02 AM
kagabi 38.5 na rin lagnat ni andrea... binantayan ko lang at pinainum ng gamot. di ko alam kung teething ang dahilan. tapos kaninang umaga bumaba na ulit. nag 37.4 na lng. naglalaro pa nga sya eh at nakikipagkulitan. pro ramdam ko may sinat sinat pa sya. ska tulog sya ng tulog. kanina sumuka at may kasamang plema. mom mitch, kay deye din di ba ganun din?

jabs173
12-27-2006, 10:35 AM
hello sis dkekai pasali d2 ha.ang lagnat kase ay sign na may infection,maaring viral o bacterial.kapag viral di kailangan ng antibiotic,kapag bacterial naman yan ang kailangan ng antibiotic.Usually pag bacterial infection,persistent ang lagnat di sya bumababa.ang sa baby mo bumaba naman kaya mukang viral infection lang,kailangan lang agapan na wag madehydrate kaya bigyan mo ng fluids or gatas at paracetamol kapag nilalagnat.yun plema naman mabuti na naiilabas din dahil baka yan ang dahilan ng lagnat ng baby mo.mabuti yun na naiilabas nya sa pagsuka.sana nakatulong ng konte.

mitchteryosa
12-27-2006, 02:34 PM
@ Mommy Jen : Ganun din si Deye nung last na nilagnat, pag sumuka kasama plema, puro plema. Mas okay nga yun kasi di na sila mahihirapan lalo na di sila marunong suminga.

Ako ang ginagawa ko hanggat di totally nawawala ang lagnat continous lang ang bigay ko ng Paracetamol drops. Kasi minsan baba-taas lang ang lagnat, kapag yung talagang nawala ng 24 hours saka ko hinihinto yung gamot. Kapag mataas na mataas cold compress lang. Sabi kasi ng Paedia nya dati, wag daw hayaang umabot ng 39 ang lagnat ng bata kasi nga baka magkombulsyon or madehydrate kung may kasabay na pagsusuka.

Malamang sa ngipin nya din yan or may sipon nga na di makalabas.

Don't worry she'll be fine... Ganyan daw pag nagpapalaki sila. :p

dkekai
12-28-2006, 08:38 PM
thank you mitch en jabs... tama nga kayo. kagabi mainit na naman ulo nya ska palad at paa. cold compress ko lang at monitor ko yung temperature nya. naglalaro lang sa 37.5. tapos nung kinaumagahan nagdecide na ako dalin sa pedia para di na ako mapraning. check up ni doc yung lalamunan at tenga. medyo namumula nga daw. viral nga lng daw yun. taops check ni doc temp nya. normal na. hehehe namiss lang ata ni andrea doc nya hehehe. tapos sinabihan nya in ako na baka mag rashes si andrea. tigdas hangin daw yun at wag daw ako magalala kasi di naman daw delikado. sa ngun... mukang ako na naman magkakasakit. masakit kasi lalamunan ko. siguro dala ng lamig dito ngun sa pinas.

mitchteryosa
12-28-2006, 08:47 PM
Welcome Mommy Jen.

Si Derelle may sipon na naman saka may sinat daw. Sa panahon kasi yan eh.

dkekai
01-08-2007, 03:34 PM
si andrea ko nagtatae... pinapalitan muna sya ng gatas ng pedia nya... sana maging ok na sya... mama mitch di ba dati si deye nagtae din? ano ginawa mo? :-(

mitchteryosa
01-08-2007, 03:41 PM
Pinalitan din yung gatas nya for a week, yung LF > Lactose Free. Gatas nya that time S26 Gold pa, pinalitan ng S26 LF. Tapos sabi kapag daw tumae, wag agad-agad painumin ng gatas lalo na kung may kasamang pagsusuka, let her stomach settle first. Kasi baka mabigla. Much better to give water.

Baka naman kaya yung kay Andeng eh dahil sa pagngingipin. Kasi nitong huli na nagtatae si Deye due to teething, di na kami nagpalit ng gatas, binigyan lang sya ng doctor ng gamot sa pagtatae. After 24 hrs naging okay naman na sya.

The best thing is follow her Paedia's instructions na lang kasi the doctor knows Andeng's history.

dkekai
01-08-2007, 04:02 PM
ilan days ang pagtatae pag sa ngipin?

mitchteryosa
01-08-2007, 04:06 PM
Yung pagtatae kasi sa ngipin di siya frequent, kapag lang tumatae sila yung super lambot na minsan may tubig tubig na parang mamasa-masa lang. From time to time ganyan ang dumi ni Deye kasi nga teething.

Yung pagtatae talaga (based sa experience ko kay Deye) as in maya't maya saka halos nakukulayan na lang yung diaper.

Basta pag nasabayan ng pagsusuka, agapan mo agad.

Let her drink water din.

dkekai
01-08-2007, 04:23 PM
malamang may nakain nga si andrea na di gusto ng tyan nya... peo nung nagpalit sya ng gata... yung poo poo nya yung parang dinurog na itlog. kakatakot pag ganun...

mitchteryosa
01-08-2007, 04:26 PM
Napacheck-up mo na ba sya?

dkekai
01-10-2007, 07:36 PM
ok na si andrea ngun. pinainum ni doc ng gamot, kasi sumusuka na rin ya. sa ngaun lacto free muna gamit nya. pag talagang ok na ok na sya balik na sya sa totoo nyang gatas, lumalabas na rin yung 2 ngipin nya sa labas. masigla na ulit sya. yun nga lang sobrang kulit hehehe gusto lagi nagpapabuhat.
en nga pala madalas sya mamuyat ngun huhuhu nagigisisng sa madaling araw. tapos ikot ng ikot. pag pinainum ko tubig nananahimik.. tapos gigising na naman. kaya kahit sabi nila na di daw maganda painumin ng gatas ang babay sa gabi. ginagawa ko na rin. parra magingmahimbing ulit tulog. ok lng ba yun?

mama mitch paano mo nililinisan ngipin si deye?

mitchteryosa
01-10-2007, 08:05 PM
Talagang magbeberat yan Jen. Kasi may nararamdaman. Ako din laging putol ang tulog kasi nagpapainom akong gamot saka from time to time check ko siya kasi minsan kahit malamig pinagpapawisan, baka matuyuan ng pawis.

Inuubo pa din nga sya eh. Prospan (http://www.engelhard-am.de/english/prospan_produkte.asp?frame=content) naman ang gamot niya ngayon, pinalitan na. Ang sama ng lasa kaya tuloy ang hirap na nya painumin ng gamot ngayon kasi akala nya basta nakitang gamot pareho din. dati wala akong problemang magpainom sa kanya.

Hirap pag maysakit ang baby. Minsan nakokonsensya ako kasi the whole day akong wala sa bahay. :(

christine
01-12-2007, 01:52 PM
Please watch the medicines for the babies before taken-in. have you read
http://news.yahoo.com/s/ap/20070111/ap_on_he_me/cold_medicine_infants
kawawa naman si baby nito.......................

mitchteryosa
04-12-2007, 02:21 PM
Si Deye on and off pa din ang fever, kasi may 4 na ngipin na naman na palabas. 2 sa taas, 2 sa baba. Tapos may sore eyes pa, wawa naman. At kagabi inuubo. Kasi naman yung weather dito di mo ma-ispeling eh. Saka siguro nanibago na naman bigla sa panahon kasi sa atin super init, tas bigla malamig na naman kais naka-AC tas pag nilabas mo naman mainit. :(

Buti na lang okay yung yaya nya... at kasundo nya agad.

patricia
04-12-2007, 02:48 PM
si Trisha ko naman 3 weeks na inuubo.at ang sipon naku hindi na natangagl mula ng dumating sya dito,more than 1 month na kaya.Tapos ang findings ng pedia nya asthma daw,e felling ko naman naninibago lang sa klima dito at sa AC.tapos every 6 hours may nenenebulize sya,di ba hindi maganda sa lungs yun paglaki nya?
And Mitch have you heard a skin asthma bago kasi sa kin to...nagka rashes kasi si Trish dito.sabi ng pedia nya skin asthma daw,meron ba nun??
Sana gumaling na mga babies natin kasi kawawa naman,lalo na wala tayo to give thier medicines.hayyyy

mitchteryosa
04-12-2007, 03:06 PM
Si Deye din ganyan, mula dumating kami sa Pnas noon hanggang makabalik kami nung Thursday dito, di nawawalan ng sipon, sa panahon kasi saka nanibago nga.

As far as I know may skin asthma nga. Di ko lang alam kung di nga maganda ang effect ng nebulizer eh. Di ko pa kasi natry yan kay Deye.

Baka naman yang rashes nya dahil sa climate, kasi mainit sa atin tapos bigla malamig na dito dahil naka-AC din. Kasi ako nung pagdating ko nun dito sa Bahrain, nung bago ako namantal ako ng husto, eh yung babies pa kaya na maselan.

reigna16
04-15-2007, 10:27 PM
get well soon deye and trisha!

mom patricia, my son has tried the nubulizer, last january inubo at sinipon ng matindi when the pedia checked him meron syang naririnig na "halak" "wheezing" then it was asthma (hindi skin asthma) the reason why ni-nenebulize sila (mga anak natin) para paluwagin ang daanan ng hangin/hininga .. di nman masama sa lungs yon as long as it was recommended ng pedia mo dyan...

patricia
04-17-2007, 04:47 PM
Got it mom Riegna,tnx!kasi she suffered severe wheezing cough for 3 weeks,and skin rashes too,at first the pedia said the rashes was infantile eczema.but when we came on the third time he said it was skin asthma, it was realy new to me.kaya medyo nagpanic ako...and ask anyone about it.i even search the net about it.And tnx god medyo nawawala na sya,pero yung halak nya sobra as in dinig sa kusina namin.
Last week nagpanebulize kami sabi ng pedia,asthmatic yung baby ko.at kelangan nya pausok every 6 hours,nakakatakot kasi meron din nagsabi na di daw maganda sa baga ng bata.hayyy nalilito ako naaawa kasi ko sa bata ang lakas ng halak at ang sipon non stop din,almost 2 months na.

dkekai
04-17-2007, 06:51 PM
ako gumagamit ako nebulizer kay andrea pag may sipon at ubo sya. nakakatulong naman. nakakatulog sya ng mahimbing.

mitchteryosa
04-18-2007, 04:34 PM
Okay na si Deye. Thank God!

christine
04-18-2007, 04:53 PM
Mabuti naman at magaling na si Deye!
**********
speaking of asthma, my two kids has it, kaya bumili talag ng nebulizer for convenience. according to the pedia nila, malaki daw percentage ma-acquire ng bata ang asthma if the parents or one of the parents has a history of allergy, or somebody in the family. in our case, my hubby has allergy to some food (e.g crabs, alimango, shrimp and the likes) which is, partly contributed to the kid's asthma and also they had cousins in my husband sides to have asthma.

since pabalik-balik kami sa hospital last year, the pedia advises to install AC. fortunately, positive naman response ng mga bata. instead sa medicine napunta yung pera sa kuryente na lang, mabuti na rin kesa the kid will suffer.

another thing, my eldest when he was still 2 yrs old has also rashes in the butt, which the pedia diagnosed to be skin asthma, she had given vandol ointment for the rashes.
**********
regards to luis, andeng and trisha!

mitchteryosa
04-18-2007, 05:12 PM
Derelle had allergies din. All of a sudden and we couln't tell kung anong cause nun. Nag-start eto nung Friday 2am till kahapon lang completely nawala. On and off tapos kasabay nun pag grabe eh taas taas pa fever. As in kakaloka, umaatake pa sa kanya kapag odd times na from 6pm till madaling araw.

She was given Gyrtec, Gupisone tabs and Calamine Lotion. Pero walang epekto.

Di namin masabi kung san nanggaling ang allergies nya kasi lahat nilabhan namin with disinfectant, kung food naman wala naman kaming bagong inintroduce sa kanya. Medicines were the same naman aside dito sa anti allergies nga na binigay. I stopped giving her for a day and see if may changes pero wala.

Nakakaawa, halos covered na yung face nya, whole body pati yung talampakan nya.

I never believed in bati/usog or whatever you call it, but now I do... Monday night was the last attack ng allergies nya, 5 minutes to 12midnight, it was terrible, all I could do was cry and watch her while waiting for D to come home. Dumating boss nya para ihatid kami sa ospital. Before this pinatawas namin sya ng 6pm. Nawala, bigla ulit nung mag12mid na. Would you believe na yung boss nyang andito sa Bahrain for ages, on our way to the hosp nagkaligaw-ligaw kami. Kung may 30 mins kaming nagpaikot-ikot, then pagdating sa hosp as in totally clear na naman skin nya na parang wala lang.

I told my mom na din na mag-alay sa buong kabahayan sa amin, since that time, okay na siya till today wala na.

Nagpanic na kasi ako nung Tuesday midnight na nagwawala na si Deye as in sumisigaw at umiiyak. Tapos after a while mananahimik tapos iyak na naman. Kaya sabi ko wala namang mawawala kung susunod at gagawin. Kasi after 3 doctors na tumingin sa iba ibang ospital wala naman epek sa kanya.

Basta at the moment she's okay. After strong prayers and pakiusap to whoever they are, she's perfectly okay now na akala mo walang nangyari, as in kahit katiting na bahid wala.

Di ko pa din masabi kung dahil sa doctor or whatever, basta okay na sya ngayon, yun ang importante.

Pinay
04-18-2007, 06:24 PM
wowowo - the beauty princess is sick pala (jst read this now) but glad to know she is well. Baka nga somebody looked into her eye and did do wonder -- pwera usog (may tao talagang naniniwala sa ganyan so baka nahawa si deye) buti naman mabuti na sya. ang important she does not stop eating or else she will lose the strength to cry to really show that she is not feeling well.

To all asthmatic babies -- my prayers are with you. Drink tons of water and dont let them wet their back for a long time and minimize strenous activities. guess activities like that triggers the asthma as ive seen it with my frend's kid. syaw ng syaw maya2 inatake na.

christine
04-19-2007, 07:51 AM
@ momy mitch: kahit moderno na tayo, i still believe there were other inhabitants besides us. la namang masama kung maniwala ka basta ba, magaling na si baby. ako man nagluluya sa mga bata kapag lumalabas ng bahay, nilalagay ko lang sa bulsa ng kanilang shorts... hehehe.

mitchteryosa
04-19-2007, 03:20 PM
Oo nga Mommy Christine.

***
Para saan yung luya?

christine
04-19-2007, 03:26 PM
pangontra daw sa usog, lalo na pagmadaming tao yung pagdadalhan mo kay baby tapos di mo kilala.... yun sabi nila. lalong-lalo na daw pag lakad sa gabi.

mitchteryosa
04-19-2007, 03:31 PM
Nabalatan na o yung may balat?

christine
04-20-2007, 07:59 AM
di ko binabalatan kasi maamoy.... hehehe. importante meron sya nito, ilagay mo lang sa hindi visible otr nakatago at di nya mapaglaru-an baka kainin pag nalingat ka.

mitchteryosa
04-21-2007, 04:29 PM
Ah ok po. Thanks sa tip. Wala namang mawawal kung susubukan.

mitchteryosa
06-27-2007, 05:29 PM
Somebody told me that rubbing an amount of Vick's Vaporub on your sole and putting your socks on after that are an effective cold/cough remedies.

I tried it last night. It helped. Read here (http://mitchteryosa-mitchteryosa.blogspot.com/2007/06/vicks-vaporub-haplos-ng-pagmamahal.html).

baby ryu
06-28-2007, 08:17 AM
:disappointed: hello po...help me nman po...kc po may tigdas hangin ang baby ko,ano po b and dapat kong gawin para gumaling na siya....:disappointed:

baby ryu
06-28-2007, 08:24 AM
pls..reply..nag aalala n kc ako.thanks!

mitchteryosa
06-28-2007, 04:37 PM
Di ko pa naranasan yan sa anak ko pero as far as I know, iwasang mahanginan daw ang baby kahit konti kasi baka maudlot ang paglabas ng tigdas at iwasan daw matutukan ng ilaw ang mata (ang alam ko sa tigdas talaga ito) kasi daw may tendencies na nabubulag ang bata kapag naliliwanagan ang mata kung may tigdas.

I would suggest that you ask the experienced ones around you.

baby ryu
06-28-2007, 09:28 PM
:-X naku!nkkatakot pala!tinanong ko nmn sa pinsan kong nurse..ang sabi nmn nya,wag nga daw hayaan na masilaw sa araw..at pwede ang fan pero wa itutok sa merong tigdas..naaawa tuloy ako sa baby ko kc 7 months pa lang sya.... :(

mitchteryosa
06-28-2007, 09:30 PM
Yan nga ang pagkakaalam ko.

Basta wag mo lang pabayaan. Your baby will be fine.

Welcome!

mom22
06-29-2007, 12:05 PM
naku mommy mitch, bagong lipat ba kayo? sana ok na si deye ....

reigna16
07-02-2007, 10:57 AM
hi baby ryu! by this time i hope magaling na anak mo ... nagka tigdas hangin na si luis ko when he was 11months .., may fever sya tempra lang at anti-allergy kase minsan nangangate ... painumin lots of water at hwag nga nka tutok ang fan ... alagaan mo lang.. mga 3-4 days wla na rashes nyan ... dont worry .. mag pray ka

dkekai
07-02-2007, 02:30 PM
ano symptoms ng tigdas hangin? as in sobrang dami ba ng rashes? sana wag muna magkaganyan si andrea habang dito kami sa japan. delikado ba yun?

mitchteryosa
07-02-2007, 04:16 PM
Ang alam ko nilalagnat din sa tigdas hangin.

Buti na lang si Deye di pa nagkakaganyan.

dkekai
07-02-2007, 04:47 PM
pero maganda di ba habang bata magkarun na ng tigdas hangin or tigdas. pero sana pag mas malaki laki na ng kunti si andrea. wag muna ngun. kainis yung ubo ni andrea ngun... may plema. mukang wa epek yung gamot na inum nya.

mitchteryosa
07-02-2007, 04:57 PM
Ang alam ko bulutong lang naman ang nagmamarka sa balat hindi ang tigdas pero kasi ang tigdas delikado pag napabayaan. Lalo na kung yung German measles.

***
Si Deye din may ubo kaya nagready na kami ng honey-lemon, papainom sa kanya with konting warm water.

dkekai
07-02-2007, 05:25 PM
paano yun? honey at lemon sa maligamgam na tubig? mga gaano kadaming honey at water yun? ma try nga... wawa naman andrea eh. naiinis ako pag nadidinig ko yung ubo at plema.

mitchteryosa
07-02-2007, 05:31 PM
Ang binili namin ngayon lime, yung mas maliliit parang calamansi, kung meron dyan ganun na lang tapos one tablespoon ng honey, lagyan mo ng maligamgam na tubig na kaya nyang inumin, parang juice.

Ganyan din kasi iginamot ko sa akin... Pero isang buong lemon kasi matanda na ako, masama kasi syadong maasim sa bata baka naman sikmurain.

reigna16
07-03-2007, 09:10 PM
mommy dkekai- ang symptoms ng tigdas hangin .. may fever for 2-3 days tapos after ng fever tsaka lumabas ung rashes ... sa mukha,katawan at legs.. dont worry di sya nag mamarka or peklat etc. after 3-4days nawawala din ... kahit na may immunization si andeng na MMR (measels/mumps/rubella) sabi ng pedia pwede pa din magka tigdas hangin..pero hindi magiging mas matindi like german measels etc.
nanibago lang siguro sa climate si andeng..malamig ba dyan sa japan ngayon? tama yung lemon and honey..try mo, get well soon andeng!

reigna16
09-06-2007, 09:01 AM
hello moms! luis was confined (hospital) for 5 days :-/
due to viral infection?! ang panget kase ng weather dito pinas.. rainy tapos mainit na parang summer ... nkalimutan ko din na due for flu vaccine shot na sya (yearly) so take good care of your kids/baby!

dkekai
09-07-2007, 08:25 AM
grabeh 5 days sya sa hospital? takot naman ako. dito na ako sa pinas ngayon, at ang mg abata rin dito halos may mga sakit. ubo sipon lagnat. iba rin talaga alikabok dito sa atin. :-( yung kuko ni andrea sumisiksik ang alikabok o dumi. :-(

mitchteryosa
09-08-2007, 05:15 PM
I hope okay na okay at magaling na si Luis.

dkekai
09-09-2007, 06:10 PM
dito sa street namin yung mga bata may sakit din.... sana naman si andrea wag dapuan ng sakit. :-(

reigna16
09-11-2007, 10:27 PM
Welcome back Andeng sa Pinas!

mom dkekai- uso talaga ang ubo at sipon bec. of the weather .. pa flu vaccine mo na si andeng, at hwag muna palapitin sa mga bata sa kalye.

luis is ok now., pumayat nga lang :-/
first time nya na confine ...

dkekai
09-12-2007, 06:56 AM
ako nga rin nagkasakit dahill sa init ng panahon. hanggang ngun may sipon pa rin at sakit ng ulo ko. kahapon pina flu vaccine ko na sya. pangalawa na nyang shot yun. mabuti naman magaling na si luis.

dkekai
09-26-2007, 12:01 PM
may napanood ako sa tv kagabi... yung SSPE... nakukuha daw to pag yung bata nagka measles o german measles ata. may mga case daw na kahit gumaling na ang tigdas ng bata may natitira daw na virus at magtatago daw kung san hindi sya mahahanap. dun daw yun sa utak. nakakaawa yung napanood ko kagabi. tanong ko lng... pag may shot na ba ng tigdas ang mga anak natin... di na sila magkakatigdas? tatakot ako. kahit ako di pa ata nagka german measles. pagka anak ko.. magpapashot ako nun. di ba magkaiba naman ang tigdas at german measles.

Michelle Aleli
09-27-2007, 10:53 PM
hi mommies ... kagagaling lang din sa sakit ni Masheng ... grabe ang ubo at sipon so dinala namin sa pedia since first time nyang nagkasakit at nag worry kami talaga ... her pedia gave her some medication to expel her pleghm... as of now, ok na although medyo inuubo pa rin ... sabi ng aunt ko, painumin daw namin ng oregano ... ask ko lang kung ok lang ba 'yun? at saka ano ang best medicine sa sipon at ubo ng baby?

dkekai
09-28-2007, 01:44 PM
wag ka magpainum ng hindi naman sinasabi ng doctor... baka kung mapaano pa anak mo... kung ano lng gamot at instruction ng pedia mo yun gawin mo. palagi mo na lng sya painumin ng tubig. makakatulong yun. yung sa oregano... ask mo pedia mo. para sure.

Michelle Aleli
09-28-2007, 06:22 PM
yeah, hindi ko nga rin basta basta pinapainom kahit meron kaming mga medicines at home lalo na 'pag mild lang naman ang ubo at sipon ...

thanks!

mitchteryosa
09-29-2007, 11:25 PM
Iba ang Measles sa German Measles. Yung Measles ata yung typical na tawag eh tigdas while yung German eh delikado lalo pag buntis ka. Importante yang vaccine na yan sa babae lalo kasi nung buntis ako nagpositive ako sa German Measles or known as Rubella. Buti na lang immuned ako otherwise it causes abnormality sa bata pag labas.

Kaya ang the best talaga walang palalagpasin na bakuna ng mga bata. Kasi paano pala kung di ako nabakunahan dati, kawawa ngayon si Deye ko.

***
Michelle, tama si Jen wag ka basta papainom ng gamot na di prescribed ng Paedia ni baby kasi minsan nagkakaron ng skin reaction din, dapat talaga yung alam ang history ng bata since birth.

jhannamae
10-02-2007, 02:54 PM
hi, i am a new mommy. i have a baby 2 moths old n cia. ask k lang kz ngaun araw bigla n lang ciang nagtae, s-26 pink ang gamit ko. bumili n nga ako ng gatas n lactose free, pero isinuka lang yan. ano kelangan ko gawin? advise nmn po.. :-)

alisonjulia
11-29-2007, 09:22 PM
pls help di regular ang poopoo ng anak ko 2 months lang sya.. last wednesday pa ito nangyari napoopoo lang sya kapag nilalagyan ko ng supository every 2days nadi napoopoo.. hay kagabi yung last ko lagay oki na ang poopoo nya malambot na compare last week.. pero di parin sya kusa nagpoopoo ngyn wala parin.. dati dati namn 2 to 3 times a day sya napoopoo.. advise din po?

mitchteryosa
11-29-2007, 09:27 PM
hi, i am a new mommy. i have a baby 2 moths old n cia. ask k lang kz ngaun araw bigla n lang ciang nagtae, s-26 pink ang gamit ko. bumili n nga ako ng gatas n lactose free, pero isinuka lang yan. ano kelangan ko gawin? advise nmn po.. :-)I would advice na idala na agad sa paedia ang bata pag nagtatae kasi baka madehydrate yan.

alisonjulia
11-29-2007, 09:29 PM
hi, i am a new mommy. i have a baby 2 moths old n cia. ask k lang kz ngaun araw bigla n lang ciang nagtae, s-26 pink ang gamit ko. bumili n nga ako ng gatas n lactose free, pero isinuka lang yan. ano kelangan ko gawin? advise nmn po.. :-)
ask mo pedia.. kasi yung sakin din nagtae nung una.. Al 110 ang pnainom ko..then Cefimine drops okey naman kaso dis month naman di nagregular poopoo ng anak ko.. hay naku.. last month nung nagtae sya gumaling naman...

mitchteryosa
11-29-2007, 09:29 PM
pls help di regular ang poopoo ng anak ko 2 months lang sya.. last wednesday pa ito nangyari napoopoo lang sya kapag nilalagyan ko ng supository every 2days nadi napoopoo.. hay kagabi yung last ko lagay oki na ang poopoo nya malambot na compare last week.. pero di parin sya kusa nagpoopoo ngyn wala parin.. dati dati namn 2 to 3 times a day sya napoopoo..You should also give your baby some water to drink regularly, wag puro milk. So far ang anak ko mula nung ipanganak, very regular kung dumumi. Kung wala pa din ask your baby's paedia para sure. Wag basta magbibigay ng gamot ng di prescribed.

alisonjulia
11-30-2007, 11:03 AM
You should also give your baby some water to drink regularly, wag puro milk. So far ang anak ko mula nung ipanganak, very regular kung dumumi. Kung wala pa din ask your baby's paedia para sure. Wag basta magbibigay ng gamot ng di prescribed.

thanks po.. nagtataka lang po ako last wednesday nung gumamit ako ng supository sa kanya malambot na ang pupu nya.. ayaw lang nya magkusa magpupu... =(

mitchteryosa
12-01-2007, 10:08 PM
Sana ask mo ang Paedia nya kung bakit ganun.

cutebaby
04-01-2008, 09:33 AM
My baby is constipated, di ko alam kong anong dahilan.. ano kayang possibling dahilang ng constipation for babies... share naman kayo jan mga moms

christine
04-01-2008, 09:47 AM
[quote=cutebaby;613369]My baby is constipated, di ko alam kong anong dahilan.. ano kayang possibling dahilang ng constipation for babies... share naman kayo jan mga moms[/quote
sa mga naging experience ko sa mga anak ko... mostly nag-constipate si baby pag medyo madami ang mixture ng milk vs. the water at kung di masdyadong umiinom ng tubig si baby.....

dapat constant water intake at fruit juices kung pwede na syang bigyan...
i hope nakatulong ako. GOD BLESS!

cutebaby
04-01-2008, 09:54 AM
Thank you christine, i'll try that. yes puede na sya sa juice. tinging ko tama naman yong mixture ng milk and water. baka kulang sa tubig. do you have any idea ano yong mga foods na causes constipation?

christine
04-01-2008, 10:16 AM
la akong idea about specific foods... but try to observe ano ba madalas kinakain ni baby, then maybe later on malalaman mo rin ano ang kadalasan cause ng gayon....

dkekai
04-02-2008, 05:49 AM
mom christine! long time no see ah! hehehe

christine
04-02-2008, 09:30 AM
hehehe... na-miss din kita jhen! masyado lang madami work.... hehehe
how's the baby? hope you're doing juz fine

regards to Andeng!

belsky
04-02-2008, 10:46 AM
Hello po sa intong lahat!!!!:cool:

mitchteryosa
04-03-2008, 12:30 AM
May lagnat si Deye, first time mula bumalik kami. :(

dkekai
04-03-2008, 06:26 AM
hello din belsky!!

mitch kamusta na deye? taas ba lagnat nya? ok na sya ngayon?

mitchteryosa
04-03-2008, 07:11 AM
Right now okay na sya. Dinala ko sa doctor kanina around 3am tas nakabalik kami almost 6am na kasi pinababa muna lagnat dahil umabot ng 39.7, and the doctor can't tell what the cause was kasi ni walang sipon, ubo or tonsilitis prob. Tinalian sya ng goma sa braso to check kung may lalabas na rashes para malaman baka dengue pero wala naman. Tas sabi oberbahan daw kapag nagtuloy ang lagnat until tomorrow ibalik ng hapon para i-test.

Hope and pray she'll be fine soon....

dkekai
04-03-2008, 07:32 AM
nakalimutan ko sabhiin sayo na palagi mo nga palang punasan ng off lotion si deye.

mitchteryosa
04-03-2008, 07:41 AM
Ay oo meron sya nyan, lagi lagi nga ina-applyan. Pero di naman siguro Dengue, wala na sya fever right now. May antibiotic na binigay sa kanya.

cutebaby
04-03-2008, 10:49 AM
will pray for your kid mitch.

dkekai
05-02-2008, 11:12 AM
may jaundice yng baby ko... :-( pero kahit sabi nila na madali daw gamutin at mawawala rin daw yun. di ko pa rin maiwasan magalala. :-(

pamtalion
05-02-2008, 12:03 PM
lahat ng 4 na anak namin, jaundice lahat nang pinanganak, 5 days sa bili lights. blood incompatibility namin mag-asawa daw.

martedi
05-07-2008, 10:06 PM
my son easily gets cough & colds before. maybe due to the frequent change of weather. super init, tapos biglang uulan. or mainit sa labas tapos bigla kme punta sa mall na super lamig. minsan naman dahil din sa kakalaro nya. sobra magpawis yung anak ko, kasi grabeng likot. kaya after bath,i always apply a mild baby powder to keep him fresh & dry. pero of course,after playing, papawisan ng husto,kaya punas ako ng punas,lalo na sa likod nya, at lagay ng powder. and to avoid colds, dapat lagi sya inom ng vitamin c, since di sya kumakain ng kahit anong fruits :disappointed:...

mitchteryosa
05-08-2008, 02:55 PM
Home Remedy for Cough (http://www.mitchteryosa.com/2008/05/08/home-remedy-for-cough/), I've tried it, it worked.

dkekai
05-18-2008, 05:49 AM
tuwing gabi si baby kaila nahihirapan huminga. barado yung ilong ng sipon. ano ba ang dapat gawin? bawal magbigay ng gamot sa sipon dito eh. ano kaya dapat gawin?

martedi
05-20-2008, 09:12 PM
if you could buy saline drops,that could help loosen mucus.ask your pedia for instructions.you could also use a vaporizer...and give plenty of fluids to avoid dehydration.

chizel
05-21-2008, 10:32 AM
hello po..im newbie here..id like to be in this forums for the moms..

chizel
05-21-2008, 10:40 AM
hi everyone..worried nadin po ako sa baby Seth ko he is 4 months old pa naman po and may tigdas hangin na siya, nagtatae pa and nagkafever pa po..tapos nung sunday bigla nalang siyang nagluluha ng bglang nailawan siya..eh ako kabado na agad pati na asawa ko kase bgla nalang mangiyak ngiyak mata nia..and since then nagtatae parin po siya..mag iisang linngo napo..pero pinapainum ko namna po siya ng septrin,flagyl (for antibacterial and amoebiasis ) and more water po..kaso now wala parin po pagbabago sa popo nia..alalang alala kami ng asawa ko..ano po ba dapat gawin pa..pls..help po.. :paranoid:..tama din po ba ginagawa ko..pinupunas punasan ko katawan niya?..and one more thing..kahit me sakit po siya masayahin po siya..

dkekai
05-21-2008, 10:44 AM
napatingnan mo na ba sya doctor?

chizel
05-21-2008, 10:47 AM
tuwing gabi si baby kaila nahihirapan huminga. barado yung ilong ng sipon. ano ba ang dapat gawin? bawal magbigay ng gamot sa sipon dito eh. ano kaya dapat gawin?



=========

hi..baby ko nagkaganyan din...and bumili ako ng SALINASE drops for mucus..basta kabilaan lagyan mo tag isang patak siya..yan ang prescription ng Pedia niya po..epektibo po yan..and paniumin mopo more water po.

chizel
05-21-2008, 10:52 AM
ngayon kopa alng po dadlhin ulet sa doctor..nung isang gabe sinugod namen siya sa ospital po..ayun binakunahan lang siya..tapos indi na naeksamin popo niya..inuwi na ng asawa ko eh..

dkekai
05-21-2008, 11:20 AM
dito kasi sa lugar namin bawal gumamit ng gamot lalo sa sipon. siguro tubig na lang ibibigay ko. pero kasi sa book na binigay sa akin. kung breastfeed daw, no need na daw water. anwyays sana gumaling na anak mo.nakakapraning talaga kapag months pa lang ang bata at nagkakasakit. wala ako mashare about sa tigdas kasi di pa nagkakarun ang panganay ko nyan.

chizel
05-21-2008, 12:05 PM
ahh naga breastfeed kadin..ako din po uu..mix feeding ako kase may work ako and napapadede ko lang siya pagka umaga and pagkadating ko..pero minsan ayaw nia na magdede saken..naiibahan na siguro sa lasa ng milk ko kesa sa milk nia..bihira lang kase sia makadede saken..umaga't hapon lang..sbe ng iba ang di nagpapa breastfeed sakitin daw ang baby..:paranoid:

dkekai
05-21-2008, 12:55 PM
hindi ako nagformula ngayon kasi gusto ko dumami yung milk ko hehe.ska para matipid na rin at tamad din kasi ako maghugas at magboil ng bote. hehe saka sa bahay lang naman ako. baka magstop milk mo kung sa umaga at hapon ka lang nagpapadede. ganun talaga pag nasanay sa bottle feeding ayaw na nila sa dumede sa nanay. kaya ako minsan lang gumamit ng bote. mag pump ka na lng para at least nailalabas mo yung gatas mo. wag ka basta basta maniwala sa sabi ng iba. yung panganay ko formula yun. di naman sakitin. depende yan sa bata. may kilala ako breastfeed anak nya pero sakitin. sana gumaling na anak mo. post ka ng pix nya sa kuro babies. ^^

chizel
05-21-2008, 01:13 PM
diko alam ung code pano nga ba un?..

mitchteryosa
05-21-2008, 01:34 PM
Yup, korek saline drops for blocked nose.

Sa anak ko ganto gawa ko, kasi toddler naman na so okay na ang vicks. Please read here (http://mitchteryosa.com/everythingaboutdeye/2007/06/30/vicks-vaporub-haplos-ng-pagmamahal/) na lang.....

Sa infant alam ko kasi di pa pwede ang vicks.

chizel
05-21-2008, 01:38 PM
kanu po magpaflu vaccine?


alam ko dito nasa 1k+ siya..

markmagno
10-29-2008, 11:43 AM
sa mga mom dyn na ang anak ay my tigdas or measles ay isang delikadong sakit na virus na tinatawag na Morbillivirus or Paramyxovirus mas delikado ito kysa sa german measles.. CHIZEL ang payo ko dlhin mo s pedia nya ang baby mo or ipa Laboratory mo ang laway ng anak mo.. isa lng ang lunas dyn ang Bakuna na tinatawag na Measles Mumps Rubella Vaccine or MMR.. kdalasan ang bata pgpinadede2 ay hndi nauubos ang milk mnsan iritable pg gnun water nlng ang ipainom at iwasan nyo na mahanginan ang bata.

balatkayo5
10-29-2008, 12:04 PM
...naalala ko nang 'baby' pa ang mga anak namin hinahaluan ko ng 'katas' ng dahon at bulaklak ng ampalaya, kalabasa, at dahon ng malunggay ang gatas na kanilang iniinom...I believe ito ang dahilan kung bakit malakas ang kanilang resistensiya kapag nagkakasakit, at magaling silang kumain ng gulay...hindi maiiwasang 'magkasakit' ang mga bata, ang dapat lang nating gawin ay panatilihin natin silang healthy para malakas ang kanilang 'immune system'...para lumakas ang kanilang 'naturalesa' sa paglaban sa sakit.....B-)

dkekai
10-30-2008, 11:02 AM
kuya balatkayo... ilang months po ang baby nyo po nung ginawa yun? balak ko rin gawin hehehe. kaso walang dahon at bulaklak ng ampalaya dito. at wala rin malungay. kalabasa lang.

balatkayo5
10-30-2008, 12:12 PM
kuya balatkayo... ilang months po ang baby nyo po nung ginawa yun? balak ko rin gawin hehehe. kaso walang dahon at bulaklak ng ampalaya dito. at wala rin malungay. kalabasa lang....'di ko matandaan, basta habang 'feeding bottle' pa sila kung uminom ng gatas nu'n...kung bunga ng kalabasa, i-mash mo na lang tapos pakain mo parang 'gerber'...pwede rin ang petchay, spinach, at broccoli ang katasin mo tapos halo mo sa gatas.....B-)

Concern.Dad
11-12-2008, 01:04 PM
Mga Mommys sa ngayon po nakakaranas po ang baby namin si Rinoa ng pagtatae tanong ko lang po sana kung paano magagamot. hindi ko pa po sya nadala sa pedia kasi kulang po budget ko, kaya nagawan ko na lang po ng paraan bumili po ako ng Al 110 at wilkins destilled water ppinatigil ko din po yung dati nyang gatas. ano pa po ang kailangan kong gawin, dumudumi po sya ng parang plema (may sipon at ubo din po siya) at parang may berde tuwing iinom po sya ng dede nya pag katapos po nun dumudumi din sya nasa 7 mos na po baby girl ko at mag wawalong buwan na sya ngayon patulong naman po, napansin ko din po na namamaga gilagid nya at baka nag ngingipin.

Salamat po...

dkekai
11-12-2008, 01:10 PM
wala bang center dyam sa inyo? dun mo na lang dalin. ako ang ginagawa ko pag nagtatae anak ko. turo na rin sa akin ng doctor. una pinalitan muna ang gatas nya ng lactofree, halimbawa kung ang gatas nya ay enfapro, meron enfapro na lactofree. tapos tuwing dudumi sya pinapainum ko ng gatorade. mga 2oz tuwing magpoo poo. tapos may gamot din binigay pero nakalimutan ko na kung ano name. dalin mo na sya sa doctor lalo kung matagal na baka kasi madehydrate ang baby mo at delikado.
sana nakatulong ako.

Concern.Dad
11-12-2008, 01:20 PM
Salamat po dkekai sa ngayon po pinapainom po namin sya ng Al 110 kasi bonnamil po gatas nya, pinahinto ko po muna kagabi lang po sya nagtae until now po under observation ko pa po sya, pag wala pa rin pong pag babago try ko na rin po siguro pumunta sa Pedia pangutang ko muna para sa baby ko...

Salamat po...

dkekai
11-12-2008, 01:23 PM
buy ka rin gatorade para di sya madehydrate. o kaya tubig.

Concern.Dad
11-12-2008, 02:00 PM
nakabili na rin po ako ng tubig Wilkins destilled Water, pwede ko pa rin po bang pakainin ng solid meal yung baby ko.

balatkayo5
11-13-2008, 12:49 AM
Mga Mommys sa ngayon po nakakaranas po ang baby namin si Rinoa ng pagtatae tanong ko lang po sana kung paano magagamot. hindi ko pa po sya nadala sa pedia kasi kulang po budget ko, kaya nagawan ko na lang po ng paraan bumili po ako ng Al 110 at wilkins destilled water ppinatigil ko din po yung dati nyang gatas. ano pa po ang kailangan kong gawin, dumudumi po sya ng parang plema (may sipon at ubo din po siya) at parang may berde tuwing iinom po sya ng dede nya pag katapos po nun dumudumi din sya nasa 7 mos na po baby girl ko at mag wawalong buwan na sya ngayon patulong naman po, napansin ko din po na namamaga gilagid nya at baka nag ngingipin.

Salamat po......mahirap manghula at mas mahirap ang 'self-medication'...base sa simtomas na nabanggit mo I think kailangan ng baby mo ng 'stool test' para malaman kung ano ang nangyayari sa loob ng kanyang sikmura na posibleng dahilan ng kanyang pagtatae...sa halip na ibili mo ng gatas at distilled water, gamitin mo na sa 'doktor' ang pera at ipangutang mo kung kinakailangan...magsangla kung walang malapitan, do something!...buhay at kalusugan ng 'baby' mo ang nakasalalay...he/she's only 8 months old, napakaselan niyan.....B-)

dkekai
11-13-2008, 09:06 AM
nakabili na rin po ako ng tubig Wilkins destilled Water, pwede ko pa rin po bang pakainin ng solid meal yung baby ko.
tama si kuya balat kayo. pag nagdiarhea baby ko di ko muna sya pinapakain ng kung ano ano.